Chapter 13: PowersCassandra's POV
Ilang minuto na kaming naglalaban ni Fiona at ni isa saamin ay walang balak na sumuko. Palaban si Fiona at nahihirapan akong kalabanin s'ya dahil masyado s'yang mabils. Ultimo koning galaw ko ay nasusundan n'ya. Puro galos na kaming dalawa dahil sa laban na 'to at medyo sira-sira na din ang PE uniform namin.
Grabe ang labanan namin. Dama ko ang bigat ng paligid at ramdam ko ang galit at inis ni Fiona sa bawat iwas ko sa mga ibinabato n'yang spell saakin. Kahit baguhan ay hindi ko maiwasang matuwa dahil kahit paano ay nakakaya ko s'yang labanan. Sa ilang minutong paglalaban ay nadiskubre ko ang mga kakayahan kong hindi ko alam na mayroon pala ako.
Mabilis ang lakad n'ya papalapit saakin para sugudin ako. I can't move from my place. I don't know what to do. Suddenly, nakaramdam ako ng sakit sa aking kamay. Tinitigan ko iyon at pinagmasdan ang bawat ugat saaking braso na daanan ng kuryente. Kita mula sa aking braso ang kislap ng kuryente na gustong kumawala saakin.
Napatingin ako sa aking mga kamay ng bigla itong umilaw. Papalapit na si Fiona sa pwesto ko at ang sakit na nararamdaman ko ay lalong lumalala. Pinikit ko ang mata ko bago sumigaw ng 'di ko na makayanan ang sakit.
I heard a big bang and the ground suddenly shake. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata pag tapos. Sumalubong saakin ang gulat na si Fiona habang hawak ang kaniyang wand, sa kaniyang tabi ay ang lupa na may malaking hukay na animong tinamaan ng malaking bato galing sa kung saan.
Lightning...
Kaya kong maglabas ng kuryente sa aking katawan. Hindi ako makapaniwala!
"Ha!"
Napatingin ako sa pwesto ni Fiona nang iwasiwas n'ya ang kaniyang wand at maraming blade ang lumabas nalang bigla sa ere. Inikot n'ya ang wand n'ya at tinutok sa direksyon ko dahilan para sumugod saakin ang mga blade na iyon.
Mabilis akong umatras at umiwas sa mga blade na iyon. Tiningnan ko ang aking kamay ng maramdaman ang sobrang lamig na bagay doon. Walang pagdadalawang isip ay itinapat ko ang aking kamay saaking harapan dahilan para bigla itong maglabas ng yelo pang harang saaking harap.
Napatigil kaming parehas pero mas halata ang lalong pagkagulat sa mata n'ya. Nakakunot ang noo ni Fiona habang nakatingin sa baba.
Surprised, huh? Ako din naman. Hindi ko alam na kaya ko ang mga nagagawa ko ngayon.
"P-paano mo nalabas ang Lightning, at the same time ay Ice ng ganon kabilis?" gulat n'yang sabi.
Why so surprised? May mali ba sa nagagawa ko? Ngayon ay pati ako ay nagtatanong na sa kakayahan ko.
"Ano naman kung nagawa ko iyon?" kuryoso pero may halong pang iirita kong sabi.
Saglit pa s'yang natahimik at bahagyang yumuko at bumulong sa sarili. Dahil hindi na rin naman ganon ka layo ang pwesto n'ya saakin at wala gaanong tunog dito ay narinig ko ng bahagya ang sinabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasyTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...