Chapter 33: The Night
Cassandra's POV
Ilang minutong katahimikan ang namayani sa loob ng office ni Jake. Walang gustong mag-salita o bumasag ng katahimikan. Lahat ay lito at mayroong halo-halong ideyang nabubuo sa isipan.
"So, I guess...We'll continue this meeting tomorrow. We should rest our minds and get ready for tonight's event" anunsyo ni Jake.
Isa-isa kaming nagpakawala ng malalalim na buntong-hininga. Kahit sila Belle ay hindi maayos ang ekspresyon sa mukha. Tama na kailangan namin mag pahinga. Hindi pwede masira ang gabi namin dahil dito.
"Paano ba 'yan? Mauna na kami, Master" paalam ni Blizz.
Tumayo kaming lahat maliban kay Jake na pinapanood lang kami sa aming ginagawa. Tinignan ko s'ya na hindi din maipinta ang mukha.
"See you tonight, Master" sabi ni belle at tuluyang lumabas kasunod si Blizz.
"Stay. We need to talk"
Napahinto ako sa akmang paglakad. Naestatwa ako saaking kinatatayuan. Napalingon ako sa taong nasa likod ko na si Liro. Nakababa ang tingin n'ya na tila nag-iisip. Inangat n'ya ang tingin n'ya saakin bago bahagyang nag-iwan ng ngiti. Yumuko pa s'ya kay Jake bago tuluyang lumabas ng pintuan.
Naiwan naman ako sa harap ni Jake na nakasandal sa upuan n'ya.
"What?" walang gana kong tanong.
"Sit first" seryoso n'yang sabi. Ipinagtataka ang pag-tayo ko sa harap n'ya.
Napabuntong hininga naman ako.
"Hindi na. Mukhang mabilis lang naman ito 'diba? Ano ba ang pag-uusapan natin?" seryoso ko ding sabi.
"Why? Do you have plans after this?"
"Yeah. I have to get ready" sagot ko ulit.
Matagal n'ya akong tinitigan. Diretso ang tingin n'ya saakin na tila ba hinihintay na bawiin ko ang sinabi ko sa kaniya. Pinag-salikop n'ya ang kamay n'ya bago madilim akong tinignan.
"You may go. I'm sorry for disturbing you, Ms. Soulford. Hindi naman ito importante" walang emosyong sabi n'ya kaya bigla akong natigilan.
Nag iwas s'ya ng tingin pag tapos n'on at bumuntong hininga.
"Mauna na ako" sabi ko tsaka tumalikod na at umalis.
Habang nag-lalakad ay lumilipad ang isip ko sa maraming bagay. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at takot sa mga posibleng mangyari pagkatapos ng gabi na ito.
Habang nag-lalakad ay naririnig ko ang pag-uusap ng mga studyante sa gaganaping ball mamayang gabi. Halos lahat ay excited at handa na ang susuotin para mamaya habang ako, wala pang siguradong sagot kung pupunta pa ba.
BINABASA MO ANG
Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)
FantasyTo be safe, Cassandra Astrea Soulford lived in the normal world. She lived a normal life in the orphanage until she realized she was more than just a regular girl. She comes from a magical realm with a tragic history. The battle between Quins and In...