Chapter 37

235 21 9
                                    

Lucienne's POV

"Boss, Simon and Chad are dead." sabi ng isang tauhang kasama ko.

"What?! Paanong nangyari yun?" sigaw ko

"Zoey killed Chad. Dale killed Simon." sabi ng kasama nya.

"So nakakaalala na pala si Dale. Fantastic. Nagiging maganda ang mga pangyayari." sabi ko

"Bakit ba hindi mo pa sila tigilan? Ilang taon na, move on na L. Hayaan mo ng maging masaya ang buhay nila." si Trey.

"No, Trey. Ninakaw nila lahat sa akin. Inagaw nila ang mga lalaking dapat magmamahal sa akin. Inagaw nila ang buhay ng kapatid ko. Inagawa din nila ng bunso kong kapatid." sagot ko habang nag-ngitngit sa galit.

"L, una sa lahat wala silang inagawa sa iyo. Mahal ni Edward si Marydale. Mahal ni Jax si Zoey. Pinili ni Caleb ang mga kaibigan nya over you kasi alam nyang mali na ang ginagawa mo. Ganun din si Aya. Sinalo nya ang balang dapat ay para sayo. Sana maisip mo rin yun. Sana maalala mo rin kung paano ka kasaya noong magkaibigan pa kayo ni Marydale." Trey said.

Tumingin ako sa labas, huminga ako ng malalim. Nagmahal lang naman ako. Pero bakit ganun? Bakit di ako magawang mahalin ng mga lalaking mahal ko?

Una kong nakilala si Edward. He's a childhood friend. Pero bakit nakalimutan na nya ako? Samantalang si Marydale agad nyang napansin. Bakit ganun? I tried to be friends with Marydale para mapalapit kay Edward, pero wala. Lagi na lang akong third wheel. Galit ako kay Marydale dahil inagawa nya ang lalaking dapat ay para sa akin.

Kung kinakailangan kong pumatay para lang makuha si Edward gagawin ko. Hindi ako titigil hanggat di ko nakukuha ang gusto ko.

-------------------------------------
FLASHBACKS

Maymay's POV

Naunang bumaba si Zoey sa sasakyan. Dumaan ito sa likod. Ako naman sa harap daraan para makita ako ni Simon. Alam ko na susunod sya dito.

Akmang bubuksan ko na ang pinto ng  naramdaman kong tumutok ang baril sa tagiliran ko.

"Huwag kang mag-iingay dito Dale. Kundi kakalibitin ko ang gatilyo" takot nito sa akin.

Hindi ako nakaramdam ng takot, sa dami ba namn ng pinagdaanan ko, ngayon pa ba ako natatakot.

Gamit ang kanang kamay ko inilabas ko ng susing nasa jacket ko. Ang kaliwang kamay ko naman ay hawak ang baril.

"Bilisan mo, buksan mo ang pinto" sabi nito ng mariin.

"Nagmamadali ka naman Simon. Ienjoy mo muna dito sa labas baka di ka na humihinga kapag lumabas ka rito." sabi ko

"Shut up. Just open this damn door or I'll fire thia gun." sabi nya ulit.

At dahil mabait ako binuksan ko naman ang pinto. Pagbukas na pagbukas ko ay pinaputukan ni Zoey ang kamay ni Simon. Dahilan para malaglag ang baril na hawak nito.

Kaagad ko namang sinipa ang tuhod nito para mapaluhod ito. Itinutok ko agad ang baril sa ulo nito.

"So now tell me dear Simon, ano ang kapalit ng ginagawa mong ito?" Sabi ko.

"I hate you Marydale. Simula ng ipahiya mo ako sa maraming tao, marami ng galit sa akin." sigaw nya.

"Sheeesh. Shut up. Para kang si Chap. Napakaingay." Sabi ni Zoey na may hawak na mansanas at nakaupo sa harapan namin. Nakatutok din ang baril niya kay Simon..

"Masaya ka ba na ginagawa mo ito Simon? Ano kagaya mararamdam ni Auntie kapag nalaman nyang ang favorite nyang anak ay isang masamang tao." sabi ko sa kanya.

"Huwag idamay ang mommy ko rito Dale." sigaw nya.

"Oh No, Simon. Di ako kagaya nyo ni L na dinadamay ang ibang tao." sabi ko ng nakangisi

"Now tell us, ano ang utos sa iyo ni L. Bukod sa patayin ako o si Zoey" tanong ko.

Ngunit nanatili syang nakayuko at nakatungo.

"Yuhooo. Simon. Naputulan ka na ba  ng dila?" sabi ni Zoey.

"Oh wait. I remember, isa ka rin sa mga taong nananakit sa akin noong kinidnap kami ni L. Isa ka rin sa mga lalaking nais akong halayin." sabi ko.

"Magsalita ka Simon." uyam ko sa kanya.

"Tama lang sayo yun Dale. Kulang pa yun. Dapat sayo mamatay na" sigaw nya.

Magsasalita pa sana ako, pero nakita ko na syang nakahandusay sa sahig at wala ng buhay.

"Masakit sa tenga May. Kailangan nya ng tumahimik" sabi ni Zoey

"Short tempered. Inaasar ko pa eh" sabi ko.

"Ayaw ng baby ko nun. Che!" sabi nya at tumayo para kumuha ng tubig sa mini fridge.

"Ano na gagawin natin ngayon Zoey?" tanong ko.

"I have a plan. At alam kong kakagat si L dito." sabi nito.

Lumabas na kami ng hideout at pumunta sa office ni Edward.

"Hi Mhie," salubong agad nya sa akin.

"He's dead" sabi ni Zoey

"Hormones, babe?" sabi ni Jax.

"Masyado syang madaldal. Pinatahimik ko na. Ayaw ni baby ng ganun" sabi ni Zoey

"Very good babe" sabi ni Jax.

"Baliw talaga kayong dalawa" sabi ni Edward.

"Anyway we had a plan. And you guys will both love it." sabi ko ng nakangiti.

"Parang kinakabahan naman daw ako dyan" sabi ni Edward.

"This will be exciting. And promise dito na magtatapos ang kahibangan ni L." sabi ko habang nakatingin sya sa akin.

Nagkatinginan kaming apat at nagsimula ng planuhin ang gagawin namin para sa matapos na ang ginagawa ni L sa amin.

This has to end. Tama na. Gusto ko ng mabuhay ng tahimik at ng walang kinakatakutan.

-------------------------

Author's Note

More or less 8 chapters na lang.
Sana basahin nyo hanggang dulo.

Thank you.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon