Chapter 18

621 57 16
                                    

Maymay's POV

Kinaumagahan, nang magising ako ay wala na sa higaan nito si Eris. Saan kaya nagpunta ang babaeng ito?

Nagpasya na lang akong magbihis at maglakad lakad sa tabing dagat. Nang biglang may humila sa akin. At niyakap ako ng mahigpit. Mabilis na nahiklat ko ang mga kamay nito at pinilipit ito.

"Ouch, ouch! Tama na May, it's me Elle" sabi nitong nagmamakaawa. Pagkarinig ko ng pangalan nya ay agad na binitiwan ko ang kamay niya.

"Naku, sorry Elle. Nagulat lang ako. Akala ko kase kung sino." sabi ko habang hinihimas ang kamay nya.

"O-okay lang May, grabe. Babalian mo talaga ako ah. Kakatakot ka talaga." sabi nitong natatawa.

"Sorry talaga Elle." sabi ko naman. Nakita kong namula naman ang mga kamay nito.

"Naku, di sorry mo ang kailangan ko. Para makabawi ka sa akin, sumama ka na lang." sabi nito at bigla na lang ako hinila sa kung saan.

Nagulat na lang ako ng dalhin nya ako sa isang cottage, at nandito rin pala si Eris. Akala ko na tutulungan ako ng babaeng itong makaalala?

"Ohw, Hi May, mabuti naman gising ka na. Hindi ka kasi nila pinagising kanina eh. Kaya ako na lang muna sinama nila." sabi ni Eris ng nakangiti.

"Nalilito ka ba sa mga nangyayari May?" isang tanong ang nanggaling mula sa likuran ko. Mabilis ako tumingin sa likuran, only to find out that it is Zoey.

"Z-Zoey" tanging nasabi ko.

"Kumain ka muna Marydale, dahil marami tayong pag-uusapan." nakangiting sabi nito.sa akin. Pagkatapos nitong sabihin yun ay umalis na ito.

"Saan sya pupunta?" tanong ko kay Elle.

"Nako, hayaan mo muna yang si Zoey. Kumain na muna tayo. Namiss ka kaya namin kasabay magbreakfast" sabi naman ni Maddie.

"We missed you alot May, kung alam mo lang." Issa said

"Miss ko na rin naman kayo, kaso kase di pa buo ang alaala ko. Pilitin ko man alalahanin ang lahat, di ko magawa. Ni hindi ko nga alam kung paano nyo ko naging kaibigan. Kung paano nyo ko nakikilala. Andami kong tanong, na gustong masagot." direktang sabi ko.

"Malalaman mo lahat ng yan mamaya May, sa ngayon. Let's just enjoy this moment with you. " si Audy

"Pero si Zoey?" alanganin kong sagot.

"Naku yaan mo yun. Kulang sa dilig yun kaya ganun." sabi naman ni Chloe at sabay-sabay silang natawa.

Nakatulala lang ako habang sila naman nagtatawanan. It just feels like home when I'm with them. Iba talaga sila.

"Kain ka na May, babalik din si Zoey. At gaya ng sabi nya marami kayong paguusapan." sabi ni Eris sa akin at inabutan ako ng pagkain.

"So all these time, alam mong makikita natin sila dito?" tanong ko.

"Oh well, sa totoo lang plano nila magbakasyon dito. Nagulat lang ako ng bigla ka mag-aya dito. Sinabi ko agad kay Zoey and she booked us a flight all the way here. And yes, May kilala ko sila. At kilalang kilala kita. Pero ayaw ko magsalita kase gaya ng sabi mo gusto mo ikaw mismo makaalam ng pagkatao mo." sabi nito at tinignan ang mga kaibigan namin.

Nagpasya na lang ako lumapit kina Elle, at saluhan sila. Walang humpay na kwentuhan at tawanan ang ginawa namin. Masaya talaga silang kasama. Iba talaga pag kasama ko sila.

Maya-maya pa, dumating na si Zoey. Nilapitan ko sya agad at hinila papunta sa tabing dagat. Nang makarating kami roon ay hinila ko sya paupo.

"Nagmamadali May." sabi nito sa akin.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon