Chapter 19

563 49 5
                                    

Maymay's POV

Pagkatapos namin magusap ni Edward ay hinanap ko agad si Zoey, hindi ko na  mahihintay pa ang gabi. Kailangan ko na sya makausap.

Pagkarating ko sa villa nila, nakita ko roon si Jax. Lumapit ako at tinapik sya na ikinagulat naman nito.

"Oh, Maymay ikaw pala. Ano ginagawa mo dito?" tanong nya.

"Hinahanap ko kase si Zoey, andito ba sya?" tanong ko.

"Ah yes. Tara sa loob, tatawagin ko lang sya." sabi nito.

Pagkapasok namin sa sala ay sya namang paglabas ni Zoey sa kusina. Sinalubong naman agad sya ni Jax at inalalayan naman nito si Zoey. A sweet gesture, kitang kita na mahal talaga nito ang kaibigan ko.

"May, bakit?" Zoey asks.

"Ano, hindi na kasi ako makapaghintay hanggang mamaya. Pwede bang ngayon na Zoey? Pwedeng tayo na lang dalawa? Marami ako gustong itanong." diretsong sagot ko.

"Ahm, paano ang mga kaibigan natin? Umaasa sila na kasama natin sila mamaya. " tanong nya.

"Kakausapin ko sila Zoey. Please I beg you! Gusto ko alamin ang lahat. Gusto ko pag humarap ako sa kanila may maalala ako kahit konti. Gusto ko pag humarap ako sa kanila, kilala ko na ang sarili ko kahit konti. Please." pakiusap ko kay Zoey.

Nilapitan ako ni Zoey at niyakap sabay sabing, "Ikaw pa rin talaga ang Marydale na kaibigan namin. Selfless. Sige May papayag na ako na ngayon tayo magusap, pero kasama si Jax at Edward. Hindi ko alam kung ano pwede mangyari sayo pag nagsimula ako magkwento. Mabuti ng andoon sila para kahit papano may kasama ako."

"Sige ikaw bahala. Pero saan tayo? Hindi tayo pwede sa tinutuyan namin. At hindi rin pwede dito." sabi ko.

"Don't worry, we know a place." sabi ni Jax.

Pagkatapos namin magusap ay pumunta muna ako sa tinutuluyan namin ni Eris at kinuha ko ang box na dinala ko. Nagdala rin ako ng jacket gaya ng bilin ni Zoey. Mabuti na lang at wala si Eris.

Pagkatapos kong magayos ay lumabas na ako bitbit ang gamit na dadalhin ko, hihintayin ko na lang sila sa parking gaya ng usapan namin. Nang makarating ako ay nakita ko si Edward at Jax na naguusap. Nang humarap si Edward sa direksyon ko ay halos pumiglas ang puso ko dahil sa lakas ng tibok nito. Ganito rin kaya ang epekto nito noon sa akin? Ganito din pa kalakas ang presensya nya? Lihim na usal ko sa utak ko.

"Finally you're here May." sabi ni Edward at kinuha naman nito ang mga dala ko. Hindi na lang ako nagsalita.

"Let's go guys, mamaya na kayo magtitigan" sabi naman ni Zoey na prenteng nakaupo sa driver's seat.

Halos isang oras din kaming nagbyahe, beach din ang pinuntahan namin. Pero kakaiba ang pakiramdam ko dito, NOSTALGIC! Napapaligiran ito ng mga bundok at halaman, para bang walang nagpupuntang tao dito. Sobrang ganda ng tanawin.

Magkasunod na bumaba si Zoey at Jax ng sasakyan. Inalalayan naman ako ni Edward papunta sa pinuntahan ng dalawa. Hindi ako nagtanong o kumibo, sumunod na lang ako sa kanila. Hanggang sa makarating kami sa isang paraiso. Paraiso dahil napakaganda ng scenery. Papagabi pa lang pero nakikita na namin ang mga glowing squids.

(PS. Kunyari merong ganyan sa Pinas Hahaha)

 Kunyari merong ganyan sa Pinas Hahaha)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon