Chapter 7

546 47 8
                                    

Marydale's POV

Nakatulog lang ako sa buong byahe, nagising lang ako ng tapikin ako ng kundoktor at sabihing nasa may babaan na daw kami.

Myghad. Nasaan na ba ako? Saan kaya ako pupunta? Lord please gabayan mo po ako.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa isang karinderya. Nakaramdam ako bigla ng gutom, agad akong pumasok doon at nag-order ng makakain. Nang makaupo ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo at pananakit ng ulo.

Shit! Wag naman sana akong mahimatay sa lugar na ito. Makisama ka katawan ko. Parang awa mo na.

Pero ayaw talaga makisama ng katawan ko, ng makalapit ang isang serbedora sa akin ay kumapit ako sa kamay nito. Pagkatapos ay nagdilim na ang paningin ko.

Nang magising ako ay madilim na ang paligid, nasa sa isang bahay na ako. Pinilit ko ang sarili kong tumayo, pero parang di ko kaya. Bigla namang may pumasok sa silid, isang may edad na babae.

"Naku,mabuti naman at gising ka na iha. Nag-aalala na kami sayo. Aba'y kanina ka pa natutulog" sabi nito.

"Pasensya na ho kayo, malayo pa po kase ang ibinyahe ko papunta dito." sagot ko.

"Ako'y sagutin mo nga iha, lumayas ka ba? Mukha ka kaseng di taga-rito. At base sa mga kilos mo, mukhang may problema ka." sabi ulit nya

Napayuko naman ako, at napahikbi dahil doon. Natatakot ako sa totoo lang, wala akong kakilala sa lugar na ito, ano ang pwedeng mangyari sa akin? Nahihiya ako kay Lola na nasa harapan ko ngayon. Hinawakan naman nito ang kamay ko at sinabing

"Dumito ka muna iha, mukhang marami kang problema at tingin ko wala kang ibang mapupuntahan. Tutal naman wala dito ang apo ko dito ka na lang muna tumira. Mas magiging panatag ako kung didito ka na lang muna, kaysa magpagala gala ka lansangan baka mapaano kapa." sabi nito sa akin.

"Naku, nay nakakahiya po. Wag na po." sabi ko.

"Makinig ka na lang sa akin iha,mas makakabuti para sa iyo yun. Makinig ka sa matanda. Naku." sabi nito ulit.

"Maraming salamat po, nay. Wag po kayo mag-alala. Tutulong na lang po ako sa mga gastusin dito." sabi ko.

"Nako iha, wag mo na isipin yun. Magpagaling ka para magawa mo pa ang mga dapat mong gawin. Sige na, bababa muna ako sa may karinderya. Magpahinga ka na dito. Sya nga pala anong pangalan mo iha?" tanong nya.

"Marydale po, pero Maymay na lang po itawag nyo sa akin. Kayo po ba nay?" sagot ko.

"Tawagin mo na lang akong Nanay Ludy iha, at ang asawa ko naman nasa baba,mamaya ipapakilala kita. Sige na kainin mo itong dala ko. Tapos ay matulog ka ulit." sabi ni Nay Ludy. Hinawakan ko ang kamay nito at muli akong nagpasalamat.

"Maraming maraming salamat po Nanay Ludy." tinapik na lang nya ang balikat ko at lumabas na sya.

Pagkalabas nito ay kinuha ko ang dala nitong pagkain, masarap sya. Habang kumakain ako parang may kakaiba sa pakiramdam ko, para bang natikman ko na ang pagkain na ito kung saan. Iginala ko ang paningin ko sa silid, simple lang ito. Pero mahahalata mo na babae ang may ari ng kwarto, dahil sa mga kulay pink na gamit.

Pagkatapos kumain ay lumapit ako sa may bintana ng kwarto, sinalubong naman ako ng malamig na hangin.

"Wow, malapit lang pala sa dagat ang lugar na ito. Kamusta na kaya ang anak ko? Malamang nandoon na si Zoey. Sorry Jandale anak ah, kinailangan muna lumayo ni Mama. Pero babalik ako. Pangako yan. Ang ganda ng langit, puno ng bituin at maliwanag ang liwanag ng buwan."

Tahimik na usal ko, habang pinagmamasdan ko ang langit, bigla na lang sumakit ang ulo ko. Agad akong napahawak ng mahigpit ng may marinig akong boses sa ulo ko.

"Saksi ang buwan at langit kung gaano kita kamahal Dale. Mahal na mahal kita. Ikaw lang."

Napapikit na lang ako dahil sa sobrang sakit ng ulo, nang pumikit ako ay isang mukha ng lalaki ang nakita ko. Pero malabo, di ko man lang makita ng mabuti ang mukha nya.

Pinilit kong tumayo at lumapit sa higaan ko kanina, kinuha ko ang bag ko at kinuha ang gamot doon. Mabuti na lang talaga at naisipan ko dalhin ang mga ito. Nung mainom ko na ang gamot, ay humiga na ako at nagpasyang matulog. Ngunit sa pagpikit ko isang boses na naman ang narinig ko,

"I love you always Marydale, you and Jandale are the best gift I had received."

Yung boses na naman na un. Sino ba kase sya? Ay naku.

Kinaumagahan.

Maaga ako nagising dahil sa malamig na simoy ng hangin na galing sa dagat. Bumaba ako at nagpasyang puntahan si Nanay Ludy. Pagkababa ko nadatnan ko sila ng asawa nya, na naghahanda ng almusal.

"Naku mabuti naman Maymay, nagising ka na. Aakyat na sana ako para gisingin ka." sabi ni Nanay Ludy

"Halika na dito iha, umupo ka na ng makapag-agahan na tayo" sabi naman ni Tatay

"Ay sya nga pala si Joe, asawa ko. Tawagin mo na lang din syang Tatay Joe." sabi ni Nanay Ludy.

"Salamat po sa inyo, Nay Ludy, Tatay Joe. Salamat po sa pagkupkop" naluluhang sabi ko.

"Manatili ka na lang muna pansamantala dito iha, para naman mapanatag kami." sabi ni Tatay Joe.

"Maraming salamat po, hindi po na po ako tatanggi sa alok nyo. Wala naman po kase akong pupuntahan dito." sabi ko.

Pagkatapos naming kumain ay, tinulungan ko si Nay Ludy na maglinis. Nang matapos kami ay nagpaalam ako na pupunta sa may dalampasigan. Mabuti na lang at pinayagan nya ako.

Malapit na ako sa may dalampasigan ng makita ko si Tatay Joe na nakaupo at tinitignan ang dagat. Nag-aalangan ako kung lalapit ba ako o hindi. Pero mukhang naramdaman nya ang presensya ko, tinignan nya ako, at ningitian. Umupo na lang ako sa tabi nya.

"Alam mo ba, mahilig din tumambay dito ang apo ko." sabi ni Tatay Joe.

"Nasaan po ang apo nyo?" di ko napigilang itanong.

"Andito lang sya sa malapit, pero parang ang layo nya." sabi nito at tinignan ako.

"Ikaw Maymay, alam ko may problema ka. Kung gusto mo ng makakausap makikinig ako." sabi pa nya.

Kakaiba sa pakiramdam ang kausap si Tatay Joe. Para bang antagal na naming magkakilala. Kaya naman napagdesisyunan kong sabihin ang lahat sa kanya.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note :

Sorry for the short update. Medyo masama po ang pakiramdam ko.

Salamat po. 

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon