Chapter 15

614 49 7
                                    

Edward's POV

Medyo nakakaramdam ako ng antok, habang nakaupo sa kotse. Nandito kami sa may carpark malapit sa entrance ng airport, hinihintay namin ang iba naming kaibigan.

I am with Zoey and Jax, Elle and Caleb, at Maddie and Denver. Si Chloe at Zeke naman on the way na raw. Si Issa at Kayden dumaan daw sa isang food chain para bumili ng makakain. Sina Austin at Audrey nauna na sa El Nido, nung isang araw pa sila doon. Sila kase nag-ayos ng tutulugan namin.

Mabuti na lang kasama namin si Rhollo ngayon, kundi bitter na naman ang labas ko. Nakatingin lang ako sa entrance ng airport ng may tumigil na taxi, well ano pa bang bago. Malamang dyan sila magbaba noh Edward.

Nung makababa ang mga sakay nito, my heart skip a little bit. Nakatitig lang ako the whole time sa babaeng nakablack na tshirt, at may mahabang buhok. Yung built ng katawan nya, yung buhok nya. It kinda reminds me of someone. Mas lalo akong nagulantang ng bigla itong humarap sa kasama nyang babae. Shit! That can't be. No Edward, iniisip mo lang na si Dale yan. Hindi si Dale yan.

Nang bigla itong humarap na nakakunot noo at nagpalinga linga. Mabilis akong lumabas sa kotse, at mabilis na tumawid papuntang entrance. Di ako pwedeng magkamali, si Dale nga yun. Hindi lang ako namamalikmata. Hindi lang sya kamukha ni Dale. I am 101% sure na si Dale nga ang babaeng yun.

Nang makarating ako sa entrance, wala na sila doon. Shit! Where did they go? Pero isa lang ibig sabihin nun. Malamang nasa loob sila ng airport na ito at pupunta sa kung saan.

"Hey, ang bilis mo naman. Sino ba hinahabol mo?" si Rhollo

"Ah, wala. Akala ko kase nakita ko ung ninang namin ni Dale sa kasal. Kukumustahin ko sana. Tara na nga baka nandun na yung iba." sabi ko.

Hindi naman na nagtanong si Rhollo, mukhang naniwala naman sya. Pagkarating namin sa kotse, tamang tama lang ang dating nina Issa at Kayden. Ilang sandali pa dumating na rin sina Chloe at Zeke. Pagkatapos ng kamustahan, we decided na magcheckin na ng luggage sa loob. Good thing, naisip nila yun. Atleast kung nasa loob kami makikita ko si Dale doon. Mahahanap ko sya.

Habang busy sila sa pagkukwentuhan, panay naman ang linga ko sa mga babaeng nandoon. I am looking for my Marydale.

"Oy Edward! Hoyy!" si Zoey

"Ah yes?" tanong ko

"Anu ba kanina pa tinatawag flight number natin. Kanina ka pa lutang at palinga linga." Jax said.

"Ah, nothing. Come on." sabi ko at nagpatiuna na ako. Nagkibit balikat na lang ang dalawa.

Kahit nasa himpapawid na ang eroplanong sinasakyan namin, hindi pa rin ako mapakali. Kung si Dale nga yun, nasaan si Jandale? At bakit hindi nya ako hinahanap o ang anak namin? At bakit? Bakit di ko alam na buhay sya? O ang anak namin? Ako lang ba ang walang alam? Alam ba ito ng mga kaibigan ko? Ng ate ko? Pero bakit hindi nila sinabi? I almost died in pain ng malaman kong wala na ang mag-ina ko. Tapos eto? Noong una si Jandale. Ngayon naman si Dale. Shit! Mababaliw ata ako nito.

"Huyyy. Nababaliw ka na ba? Wag muna. Hahahaha" Zoey said in a joke.

"Ano ba babe, wag mo sya biruin ng ganyan. Alam mo ng magulo utak nyan eh" dugtong naman ni Jax.

"Ano ba pinagsasasabi nyong dalawa kayo?" tanong ko.

"You'll know when we get there Edward. You'll know." Zoey said while smirking.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Marydale's POV

Agad naman na nagbayad si Eris sa sinakyan naming taxi. Tinignan ko lang ang entrance ng airport. Huming ako ng malalim at pumikit sandali.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon