Chapter 6

535 47 8
                                    

Jax's POV

It was already 3 in the morning, when Zoey and I both woked up. Mayron kaseng tawag ng tawag, seriously ng ganitong oras?

"Yesh, hush dish?" I wanna laugh by the way babe answered the call.

"WHAT? HOW DID SHE ESCAPE?" napabalikwas ito ng bangon at mukhang nag-aalala.

"All right I'll go there now. Okay." she said and hangs up the phone. And now she faced me.

"Okay babe listen, I'll go to Baguio as in now na." she said firmly.

"What? Pero ang aga pa. Zoey naman." I said.

"Let me finished babe, Dale is missing. Nalingat daw si Pat at tinignan ito sa kwarto nya pero wala daw ito. Nahalughog na nila ang buong bahay but there is no shadow of her." she said.

"What? Wait how about Jandel?" I asked

"He's with ate Lorie. Now babe listen, after ng prenup shoot nyo ni Ed later. Sumunod ka agad sa akin sa Baguio. Sabihin mo, pinapatawag ka ni Kuya para di na sila magtanong. Let Elle and Caleb handle other stuffs sa office, and Maddie and Denver do the upcoming photoshoots okay?" bilin nito habang inaayos ang maleta nito.

"Will you be okay driving babe? I'll just go with you." I said.

"No babe, maghihinala sila. Okay? Pag tinanong nila ako just tell them na sinundo ko si ate sa airport kase war sila ni kuya. I'll talk to kuya para alam nya just in case. okay?" she said.

Tinignan ko lang sya habang nagbibihis sya. Pagkatapos nya magbihis ay humarap sya sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Babe, mag-iingat ako I swear. And pag nakita ko si Dale. Promise pagbalik natin dito sasabihin ko na ang totoo sa kanilang lahat sa vacation getaway natin. I love you always babe." and she kissed me.

"I love you more babe. Just take care okay? Call me pag andon ka na." I told her at hinatid ko na sya sa kotse nya. Tinanaw ko na lang sya hanggang sa di ko na makita ang sasakyan nito.

Kinaumagahan, agad na tinanong nila ako kung nasaan nga si Zoey. And as what she said, sinabi ko na sinundo nito ang asawa ng kapatid nya kase nag-away silang mag-asawa. And they did not bother to ask again.

Pagkatapos mag-agahan ay umalis na kami ni Edward, isang wedding prenup ang pupuntahan namin ngayon. At hindi ko alam kung maganda ngang ideya na isama sya. Bago kami umalis ay nakarecieve ako ng texf kay Zoey na nasa Baguio na raw sya. And she's looking for Dale. Sinabihan ko lang sya na susunod ako agad after ng shoot.

Pagkarating namin sa venue, nandoon na ang couple. Nakaayos na rin sila. So nagsetup na rin kami ni Edward para masimulan na ang photoshoot.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Edward's POV

Si Jax na muna ang kumukuha ng mga letrato ng couple. Nasa ilalim sila ng puno ngayon, magkayakap ang dalawa. Di ko maiwasang di malungkot. Dahil naalala ko ang pre-nup namin ni Dale. Tinignan naman ako ni Jax, pero ningitian ko lang sya. Gusto ko ipakita sa kanya na kaya kong makakita ng ganito. Kailangan ko na rin sanayin ang sarili ko sa mga ganitong eksena. Baka hindi na ako pasamahin ni Zoey sa mga events nila.

Pagkatapos ng ilang shots,nagpahinga muna sila. Nilapitan naman ako agad ni Jax at tinapik nito ang balikat ko.

"Kaya pa ba bro?" he asked.

"Of course bro. No worries I'm fine. Ako na lang ang kukuha ng ibang shots sa may gubat. Aalis ka pa di ba?" Sabi ko

"Well yeah. Nagpapatulong kase kapatid ni Zoey. I have no choice." He said.

"Don't worry about me bro,I can handle this. Isa pa papunta na rin naman sina Maddie dito." I assure him.

"All right bro. I believe you. Oh sige na aalis na ako. Baka gabihin na ako eh." He said

"Sige bro. Ingat." I said.

Tumango lang sya at naglakad na ito patungo sa kotse nito. Pagkatapos ay umalis na ito.

Pumwesto na agad kami sa may gubat, kung saan kukunan ang ibang photos na isasama sa prenup teaser video. Sa totoo lang, masakit sa puso. Kase aminin ko man o hindi naiinggit ako sa nakikita ako. Napagdaanan din namin ito ni Dale. Sariwang sariwa pa sa isip at puso ko. Gusto kong umiyak pero hindi lalabanan ko ito. Kakayanin ko ang sakit. Alam kong nakikita ako ni Dale at ayaw nyang nalulungkot ako.

Patuloy lang ako sa pagkuha ng shots. hanggan inabot kami ng takipsilim, aalis na sana kami pero bigla na lang lumabas ang napakaraming alitaptap.

"Wait, pwede nyo ba kaming kunan sa gitna ng mga fireflies? I'll pay for your overtime work." sabi ng babae.

"No worries. Sige po maam, posisyon na po tayo kasama si Sir." malumanay na sabi ko.

Habang tinitignan ko sila sa lens ng camera ko, naglandas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Isa lang ang mga alitaptap na yan sa saksi ng pagmamahalan namin. Ang sakit lang magbiro ng tadhana di ba? Pero pinilit ko pa rin tapusin ang mga shots. Nang matapos kami ay tumalikod agad ako at lumayo muna sa kanila.

Nagulat ako ng lapitan ako ng soon to be bride, at sabay sabing "Sorry ah, baka napilitan ka lang na kunan kami ngayon."

"Ay nako maam, hindi po. Sadya pong may naalala lang ako sa lugar na ito." sabi ko.

"Alam mo ba? Sabi nila mahiwaga raw ang lugar na ito, dahil madalas na lumabas dito ang maraming alitaptap. Sabi din nila may diwatang nagbabantay rito. At may paniniwala sila na ang diwata raw na yun ay tumutupad ng kahilingan. At sabi rin nila kapag daw dito ka nagtapat ng pagmamahal mo sa isang tao, magiging kayo raw habang buhay." mahabang kwento nito.

"Paano po kung wala na ang taong pinangakuan mo?" di ko napigilang itanong

"Maniwala ka lang sa hiwaga ng lugar na ito, malay mo magkatotoo ang hiling ng puso mo." sabi nito at tinapik ang balikat ko.

Naiwan akong nakatulala sa sinabi nya, posible na magkatotoo ang hiling ko sa lugar na ito? Umiling na lang ako. Imposible.

- - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - - - -- - -
Marydale's POV

Nagising ako ng ala-una ng madaling araw, katabi ang anak ko at si Dra. Lorie. Oo, alam ko na anak ko si Jandale. Kahit di ko sya maalala, naaalala naman sya ng puso ko.

Pero kailangan ko muna hanapin ang sarili ko. Gusto kong malaman ang nakaraan ko. Tinignan ko si Jandale at hinalikan ito sa ulo.

"Anak babalikan ka ni Mama ah, hahanapin ko lang ang sarili ko. Alam kong di ka papabayaan ni Dra. Lorie, at alam kong darating agad si Zoey dito. Sila muna ang bahala sa iyo anak. Sa ngayon gusto ko hanapin ang buong pagkatao, at hindi ko ito magagawa kung ikukulong nila ako dito. Mahal na mahal kita anak ko. Pangako, pag balik ni Mama. Naalala ko na ang lahat." lihim na usal ko habang hinahaplos ang ulo nito. Isang huling yakap at halik, tuluyan na akong lumabas ng silid na iyon.

Dahan dahan akong kumuha ng pera sa wallet ni Pat, nagdala lang ako ng ilang damit nya at dinala ko rin mga gamot ko. Pagkatapos ay lumabas na ako. Bahala na kung saan ako mapadpad ang importante makalayo muna ako. Desidido na akong hanapin ang kabuuan ng mga alaala ko.

Kahit medyo masakit ang mga paa ko ay pinilit kong maglakad para agad akong makalayo, nang may makita akong taxi ay nagpaghatid agad ako sa isang terminal ng bus. Di ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Bahala na.

Sumakay agad ako ng bus, ng di alam kung saan ito papunta. Kahit saan basta makalayo lang ako.

Babalik ako, Jandale anak. At sa pagbalik ko buo na ang alaala ko. Pangako yan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - - - - -
Author's Note :

As promised, one chapter per day. Salamat po.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon