Chapter 16

551 52 8
                                    

Edward's POV

Pagkarating namin sa resort na inihanda nina Austin, nagkanya kanya muna silang pasok sa mga silid nila. Syempre partner partner sila ano pa bang bago doon. Si Rhollo ang kasama ko sa kwarto, kasalukuyan itong nasa labas at nakikipagkwentuhan sa mga kasama namin. Samantalang ako naman ay nagpasyang magpahinga muna. Sobrang dami ng katanungan na gumugulo sa utak ko ngayon. Na kahit ako hindi ko mahanapan ng tamang kasagutan. Ni hindi ko kase alam kung bakit nila tinatago sa sakin ang lahat.

Binuksan ko ang wallet ko at tinignan ang picture kasama ang mag-ina ko. Nang makita ko si Jandale, nabuhayan ako ng loob. Pero ng makita ko si Dale. Grabe. Di ko alam na may isasaya pa pala ang puso ko.

Halos makakatulog na ako sa kakaisip ng bigla may kumalabog sa pinto. Napatayo ako bigla at nagtungo doon. Pagkabukas ko ay nadatnan ko si Zoey at Jax na akmang kakatok na naman.

"Matutulog ka na lang ba dyan? Tara sa labas." sabi ni Jax.

"Wag ka magkulong dito. Let's enjoy this day okay. Ang aga pa kaya." sangayon naman ni Zoey.

"Kayong dalawa talaga, magbibihis lang ako sige na." sabi ko.

Nagkatinginan sila at mukhang nag-aalangan magsalita.

"May tinatago ba kayo sa akin?" tanong ko sa kanila at tinaasan ko sila ng kilay.

"Wa-hahahahah! Baliw ka ba Edwardo? Anong itatago namin sayo? Ha-Ha-Ha!" sabi ni Zoey.

"Ye-yeah! Right. Tara na nga babe. Sunod ka na bro okay!" sabi nito Jax at inakbayan na nito si Zoey. Pagtalikod nila ay nakita ko pa sila kung paano magbulungan.

"GUILTY" sabi ko sa sarili ko at natawa na lamang ako. Marahil iniisip nila magagalit ako kung bakit nila tinago na buhay ang mag-ina ko. Pero hindi naman ako magagalit. Higit kanino man, si Zoey ang kinilalang kapatid ni Dale. Kaya kung ano man ang dahilan. Alam kong hindi lang yun pansariling kagustuhan nya. May malalim na dahilan ang lahat.

Ang magagawa ko lang ay maghintay ng tamang oras at pagkakataon. May tiwala ako sa dalawang yun. Hindi sila basta basta magdedesisyon ng ganito lang. Alam kong nahihirapan din silang itago sa akin ang lahat.

Pagkalabas ko ay nadatnan ko silang naghahanda ng tanghalian namin. Masaya silang nagkukwentuhan. Nang makita nila ako ay nilapitan agad ako ng boys at humiwalay muna kami sa girls.

Naupo kami sa isa sa mga kubo, nagdala naman ng makakain itong si Kayden.

"Nakakamiss din ganito noh. Yung chill lang walang iniisip na trabaho." sabi ni Jax.

"Ikaw kase eh, mag-anak ka na rin kase para may pagkakabusyhan ka na rin" sabi ni Zeke.

"Hahaha. Hindi pa panahon mga bro. Alam nyo yan." sabi ni Jax at tinignan ako.

"Ikaw bro Edward, kamusta ka na?" tapik ni Rhollo sa akin.

"Well, tanggap ko na wala na ang mag-ina. Pero syempre di ko maiwasang di malungkot. Kase naiisip ko, sana ang saya namin ngayon. Ang saya sana nating lahat ngayon kase kumpleto tayo." nakangiting sagot ko.

"Sino ba namang di nakakamiss kay Dale, eh sobrang joker nun." walang kaabog abog sa sabi ni Kayden

"Oo nga, laging may baon na kwento at katatawanan." Austin said.

"Wala namang iniwan na sad memories si Dale eh, lahat tayo napasaya nya." Caleb said.

"Hindi magiging masaya si Dale na nakikita tayong ganito," sabi ni Denver.

"Tama si Denver, lahat tayo napasaya ni Dale. Kaya hindi nya gugustuhin na ganito tayo. Kayo nga ang nagsuggest na magsaya tayo. Tapos ganito kayo." biro ko sa kanila.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon