Chapter 29

601 33 6
                                    

Maymay's POV

Nandito na kami sa bahay ni Maddie ngayon. Si Audy at Austin umuwi na muna dahil halos kapapanganak pa lamang ni Audy. Si Chloe at Zeke naman umuwi muna rin dahil darating na rin ang anak nila. Si Issa at Kayden nasa Singapore para sa isang photoshoot nila magkasama. Si Elle at Caleb, busy rin nag-aayos ng wedding nila.

As for now ako, si Edward, Zoey, Jax, Maddie, Denver, Rollo at Eris ang nandito. They decided na wag na muna tumanggap ng mga events. Plano kasi namin pumunta ng Baguio para puntahan si Jandale. Isasama namin sya dito. Medyo nagtatantrums lang si Zoey kasi ayaw namin sya payagan dahil na rin maselan ang pagbubuntis nito.

Nang matapos ang aming diskusyon, napagdesisyunan na maiiwan si Zoey at Jax dito sa bahay. At kami na lang ang pupunta ng Baguio. Para na rin iwas mapagod si Zoey.

Nandito kami ngayon sa kwarto namin at nakahiga na, pero parehong gising ang mga diwa namin.

"May, would you mind if dalhin natin sa Germany si Jandale? I think mas safe sya doon. I will hire private bodyguard para kina mommy." tanong nito. Sa totoo lang yun din iniisip ko ngayon.

"Yun din iniisip ko ngayon Ed, mas mabuti pa nga siguro na doon na muna sya. I have this feeling na may hindi magandang mangyayari. To be honest I want Zoey also to stay out of here. Kung saan mas magiging ligtas ang pinagbubuntis nya" I said.

"Then let's talk to them pagkakuha natin kay JD doon kita ate." sabi nito at hinahaplos ang buhok ko.

"Si Lucienne, ilang araw ko na sya napapanaginipan. Nasa malapit daw kami sa bangin. Hawak ko si JD, andoon din si Zoey. Takot na takot ako." sabi ko at yumakap na lang ako sa kanya. Hinalikan naman nito ang ulo ko.

"Magpapatingin tayo ulit sa mga specialista Mhie, pagdating natin sa Germany. Gusto mo ba yun? I know kahit pa sabihin kong bubuo tayo ng mga bagong alaala, hindi pa rin makukumpleto yang pagkatao mo dahil marami kang nakalimutan" he said while cupping my face.

"Thank you Edward, for staying. Thank you for understanding my situation." sabi ko.

"Alam ko hindi madali mga pinagdaanan mo, at hindi ko rin maaatim na iwan kayo ng anak ko ng ganito May. I would give up everything makasama ko lang kayo." He said.

"Mahal kita Edward, mahal na mahal kita." sabi ko.

"No Mhie, Mas mahal na mahal na mahal kita." he said.

Hahalikan nya dapat ako subalit napatigil kami pareho ng may kumalabog sa kwarto namin. Tumayo kami pareho at binuksan ang pinto.

"Oh Zoey, whats wrong why are you crying?" agad na tanong ko. At hinagod ang likod nya.

"Si Jax kase, ayaw ako dalhin sa Mcdo! Gusto ko ng burger eh." tantrums nito.

"Pero di ba bawal yun May?" Jax said.

"Kahit na, yun ang gusto ko eh. Kung ayaw mo ko samahan ako na lang aalis magdadrive ako mag-isa." Zoey said. Peeo hinawakan ko ang kamay nya at pinisil ko ang mukha nya.

"Paka-cute mo dzae! Tara na Jax, Ed. Ipagdrive nyo kami punta tayo Mcdo" sabi ko at nakita ko ang pagningning ng mga mata nito Zoey. I do understand this feeling ganito rin kasi ako kay JD natin. Nagtatantrums ako pag di ko nakuha ang gusto ko. Kakamot-kamot na lang ng ulo si Jax dahil wala na sya magawa. Tinapik na lang sya ni Edward, alam nya rin yan. Pinagdaanan nya sa akin yan eh. I can't help but smile dahil sa nakikita ko.

Pagkarating namin sa Mcdo agad naman kami pumila sa counter para umorder. Nang kami na ang nasa harap ng cashier, walang anu ano nagsalita na naman ang babaeng ito.

"Ikaw miss Cashier, wag mo titigan yang mga kasama naming lalaki. Alam kong gwapo mga yan. Pero both taken na. Parehong tatay na yan. Kaya yang mga mata mo ayusin mo." gigil na sabi na nito. Agad naman na tinakpan ni Jax ang bibig nito at pinaupo na lang. Mukhang nahiya naman ang cashier kaya napayuko na lang ito.

"Damn Mhie, ikaw na ikaw lang ah. Nakakatakot." sabi bigla ni Edward.

"Naku miss, pasensya ka na sa kaibigan ko ah. Naglilihi kase yun. Wag ka mag-alala. Maya maya wala ng sumpung yon. Anyway eto order namin.." tapos ay sinabi ko na ang order namin at hinintay na lang ito sa mesa.

Sarap na sarap naman ang babaeng ito sa pagkain. Wala sya pakialam sa amin ang importante ay makakain lang sya. Halos matawa kami sa reaksyon ni Jax ng bigla syang kurutin ni Zoey.

Pagkatapos kumain ay umuwi na kami. Sa kotse pa lang nakatulog na si Zoey.

"Ang hirap magalaga ng babaeng naglilihi noh?" tanong ko.

"Okay lang, anak naman namin ang dinadala nya eh." sabi ni Jax at hinaplos ang buhok ni Zoey.

"Bro, would you mind if may sasabihin ako?" Edward

"Ano yun?" Jax

"Dont you think it would be better for you and Zoey to stay in Italy muna?" sabi ni Edward.

"Yes Jax, I still have this feeling na may mangyayari pa. Hindi sa ayaw namin kayo dito. But Zoey had sacrificed alot. Its time na alagaan mo naman sya at ang baby nyo." I said.

"Iniisip ko rin yan, May. Pero si babe? Baka ayaw nya. Baka isipin nya nilalayo ko sya sa inyo." Jax said.

"Let me talk to her Jax. Ako bahala." sabi ko

"Thank you May and bro." sabi nito ulit.

Pagkarating namin sa bahay ay nagising si Zoey. Agad syang lumapit sa akin at inangkla nito ang mga kamay nya.

"Babe, maguusap lang kami ni May sa veranda. Dyan lang muna kayo." sabi nito at hinila ako sa may veranda. Saktong pagupo ko ay nagsalita sya.

"Would be okay if wala ako May?" she asked.

"To be honest Zoey, isa ka sa mga taong kinukuhanan ko ng lakas ng loob. Pero kung malalagay na naman sa panganib yang baby mo di ko na mapapatawad ang sarili ko." sabi ko.

"Pero ayoko umalis gusto ko andito lang ako sa tabi mo." sabi nito.

"You have to Zoey, wag na sarili mo isipin mo. Wag na ako. Itong baby mo na lang na nasa sinapupunan mo. Dzae, nandito ang asawa ko. Alam kong di nya ko pababayaan." sabi ko at ningitian ko sya.

"Wala na bang ibang choice?" tanong nito.

"Wala na dzae. Kaya please just for now makinig ka sa akin." sabi ko.

"I have one last request May," sabi nito hindi ako kumibo

"Hayaang mong ako ang mag-ayos ng binyag at birthday party ni JD, please? Bago kami umuwi ng Italy." sabi nito.

"Yun lang pala. But don't stress yourself too much okay?" sabi ko

"Oo naman. Thank you May. Thank you for everything." sabi nito at niyakap ako. Niyakap ko rin sya.

"Para namang namamaalam ka na, may one month pa kayo to stay so ienjoy na muna natin yun" sabi ko at niyakap sya ng mahigpit.

Lord please wag naman po sana maging tama ang masamang pakiramdam ko. Ayoko na po ng gulo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note :

Salamat po sa mga nagbabasa pa dito.
Pasensya na rin po kayo if mabagal ako magupdate. Mabibigat po kasi ung mga scenes kaya iniisip ko muna hehehe.

Anyway may ongoing din po akong twitterserye "STILL THE ONE"

Anyway may ongoing din po akong twitterserye "STILL THE ONE"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Just follow my twitter account @mwcey. 😘 Alternate po ako maguupadate.

Thanks po.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon