Chapter 10

551 43 14
                                    

Zoey's POV

"Ayon po sa mga doctor na tumingin sa kanya, masama po ang naging impact ng pagkakabagsak nito sa tubig. Plus the fact na tumama sa gilid ng malaking bato ang ulo nya. Pero hindi lang un ang nakita nila.." bitin ko sa sinasabi ko.

"Ano yun Zoey?" tanong ni Caleb.

"Dahil na rin sa patuloy na pagtetest nila kay Dale, may nakitang undissolved medicines sa bituka nito. Inoperahan nila si Dale para makuha ang mga yun, nung matapos nilang ma-test ang mga sample, nalaman namin na.."

"Na ano? Wag kang pabitin babae!" sigaw ni Jax

Seryoso akong tumingin sa gawi ni Jax. Humanda ka talaga sa akin mamaya, hinayupak na lalaking ito!

"Nalaman namin na mga drugs ito na nagcacause ng amnesia. And worst mukhang marami ng napainom si L na ganun maaaring nakaapekto pa un sa pagkawala ng alaala ni Dale. Nung di kami nakakasigurado dahil di namin alam ang epekto  nun, pero ng magising ito at walang maalala. Doon namin nakumpirma ang lahat. Hindi lang yun.."

Tumayo at binuksan ang monitor na nasa harapan namin. Pinakita ko sa kanila ang hitsura ni Dale nung mga unang linggo pagkatapos ng trahedya.

"Sa nakikita nyo dyan puno ng pasa ang buong katawan nya. Dale was physically abused. May mga paso sya ng sigarilyo sa buong katawan, mga bakas ng latigo o sinturon. Mga galos gamit ang kutsilyo. Ineksamin muli ng mga doctor ang katawan ni Dale kung ginalaw ba sya o hindi."

"Sa kabutihang palad naman ay hindi nila inabuso ang pagkababae nito. Simula nung araw na yun, nagdesisyon akong mag-imbestiga. Kasama ng isang private investigator na kaibigan ni Ate Lori. Nalaman namin na may kasama si L, sa pagpapahirap kay Dale."

May pinakita akong mukha sa monitor. Marahil kilala nila ang iba doon. Dahil naging kaeskwela namin sila noon.

"Kung susumahin, anim silang lahat kasama si L. At sa ngayon, dalawa na lang ang buhay sa kanila." mariin kong sabi.

"What do you mean na dalawa na lang ang buhay?" Maru said.

"Wag mong sabihin na....." sabi ni Chloe sa laptop

"Oo, I killed the four of them." I said

"Hindi mo magagawa yun Zoey, ikukulong ka nila." Maddie exclaimed.

"Ipapaliwanag ko, ng malaman namin na may mga ibang kasama si L sa pagpapahirap Dale. Kinausap ng private investigator ang mga pulis na may hawak ng kaso, ng maibigay namin ang mga sapat na ebidensya. They give the order na arestuhin sila. Unfortunately natunugan nila yun. Kaya later on, nagdeclare ang mga pulis dahil na rin sa utos ni Ate Lori ng shoot to kill order." lahat sila nagulat.

"I asked the chief of police, na kung ako ba ang makakita, ayus lang ba kung ako na ang pumatay. Nung una ayaw nila pumayag, pero eventually napapayag ko rin sila. Dahil na rin sa tulong ng Private Investigator. Pinag-aralan kong humawak ng mga baril. Just in case makasalubong ko sila , madali na sa akin ang mapatay sila. And I succeeded. Four of them are dead." sabi ko.

"Pero mali pa rin ang ginagawa mo Zoey, kahit patayin mo sila hindi na natin maibabalik ang nangyari na!" Issa said

"Oo tama ka. Pero alam nyo kung bakit ko nagawa yun? Natatakot ako. Natatakot na baka hindi lang kay Dale mangyari ang mga yun. Iniisip ko kayo, kase ayokong madamay kayo. Dahil tahimik na ang mga buhay nyo. Alam nyo ba ung pakiramdam na araw araw kong sinisisi ang sarili ko dahil di ko nailigtas sina Dale at Jandale. Kelangan pang tumalon ito sa bangin para iligtas ang anak nya. Alam nyo ba ung takot ko na akala ko hindi ko na kailanman makikita si Dale?" nanginginig na sabi ko. Shit! Here it go again. Calm down please self.

"Sa bawat araw na nakikita ko si Dale, sa bawat oras na umiiyak si Jandale. Hindi kinakaya ng utak ko. Kaya sabi ko igaganti ko sila. Sisingilin ko ang lahat ng may kasalanan sa mga nangyari." sabi ko. Umupo ako patalikod sa kanila. Hinawakan ko ang dibdib ko nagsimula ng manikip ko. Please just a little more.

"Hindi ko sinabi kay Edward na buhay si Dale at Jandale. Hindi dahil sa ayaw ko. Kundi dahil natatakot ako. Bago pa man umuwi ng Pilipinas si Edward. Buo na ang pasya kong kausapin sya. Pero nagpadala ng mga litrato si L sa akin. Mga litrato ni Edward sa mga pinupuntahan nito. Hindi lang yun, kapag sinabi ko kay Edward, ang lahat..." huminga ako ng malalim at muling nagsalita.

"Madadamay sina Tita at Tito, pati na ang kuya at mama ni Dale. Now tell me? Paano ko magagawang ipagtapat lahat kay Edward kung alam kong madadamay silang lahat." sabi ko.

"Hindi nyo ako masisisi bakit naglihim ako. Yun ay dahil sobrang importante kayong lahat sa akin. Ayaw kong maulit ang mga nangyari noon kaya naglihim ako. Pero tama ka Jax, walang sikretong di nabubunyag kaya nagdesisyon akong magtatapat na sana sa inyo. Pero napaaga lang, tumakas kase si Dale sa bahay ni Ate Lori noong isang araw. Kaya hinanap ko sya. Mabuti na lang nakausap ko ang nasakyan nyang taxi at sinabing papunta nga rito ang nasakyan nyang bus. At laking pasasalamat ko dahil dito sya kina Mama Ludy napadpad." huling sabi at nagdilim na ng tuluyan ang paningin ko.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Jax's POV

Mabuti na lang at nasalo agad ni Zeke si Zoey  Shit! What happened to her?

"Dalhin na natin sya hospital Jax, hindi natin alam ang kondisyon nya. Hindi normal ang heartbeat nya" madaling sabi ni Maddie

Kaagad naman namin syang naisugod sa malapit na hospital, naghihintay kami lahat dito sa labas ng emergency room ng biglang dumating si Ate Lorie.

"Where is Zoey?" hangos na tanong nito

"She's inside the emergency room." sabi ko.

"Just wait me here. I'll explain everything later" sabi nito at nagmamadaling pumasok sa emgy room.

Makalipas ang isang oras, lumabas na sila ng emergency room. Agad na nagsilapit kami sa kanya.

"How was she?" I asked

"She's okay now. Ililipat na sya mamaya sa private room. Doon na natin sya hintayin. At habang hinihintay natin sya I'll explained everything." sabi nitong seryoso.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note :

Sorry po sa mga typo errors, di na po ako nag-edit eh. Salamat po.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon