Chapter 3

602 55 12
                                    

Edward's POV

Tagaktak ang pawis ko ng magising ako ng madaling araw. Tumayo ako at nagpasyang kumuha ng maiinom. Nadatnan ko naman si Jax sa may mini bar ng bahay.

"Oh bro, bat gising ka pa?" tanong nito ng makita ako.

"Wala lang bro, kukuha lang ako ng maiinom. Ikaw ba? May problema ba?" tanong ko

"Wala naman bro, miss ko lang siguro si Zoey." sagot nito at tinungga ang baso na may alak.

"Mahal mo talaga sya noh?" tanong ko.

"Yes bro. I love her more than anyone knows." sabi nito na tinignan ang wallpaper sa phone nya.

"Kelan kaya mabubuo ang barkada noh? Namimiss ko na rin sila. Isa pa, huling nakumpleto tayo noong 1year nila." sabi ko.

"You really miss them bro, Dale and Jandale?" he asked while looking at me.

"Oo naman bro, walang oras o araw na di ko sila naiisip. Just like now, nagising ako kase nasa panaginip ko si Dale. She's telling me that I will be okay. That we will see each other soon. That we will be happy again together with our son. Parang napakaimpossible di ba? Pero alam mo ba na may parte ng puso ko at utak ko ang nagsasabing maniwala lang ako na babalik sila? Nakakatawa minsan bro, di naman siguro masamang di ba?" nasabi ko sa kanya.

Seryoso lang syang nakatingin sa akin, tapos bigla syang ngumiti sabay sabing

"Maniwala ka lang bro, di masama ang maniwala sa mga imposible." sabi nito at tinapik ako sa balikat.

Patuloy lang kaming nagkwentuhan hanggang sa dalawin na kami ng antok.

Kinaumagahan, nakita ko si Jax na nasa may pool area, nakabihis na ito mukhang papasok na sya.

"Bro, pwede ba ako sumama sa office?" I asked him.

"Eh? Sigurado ka ba?" tanong nito.

"Yes bro. Ayoko lang mainip dito. Wala man lang ako makausap." natatawang sabi ko.

"Sure sige bro." payag nito.

Pagkarating namin sa office nito ay binati kami ng mga ibang nagtatrabaho doon. Malaki na rin pala ang inasenso ng business nila. Sayang di ko man lang nakita ang pag-asenso nila. Busy akong buuin ang sarili ko nung mga panahon na yun.

Pumasok kami sa mismong office nina Jax, namiss ko ang ganito. Ang magtrabaho. Simula kase ng mamatay sina Dale di na ako bumalik sa trabaho.

"Yes, babe. He's with me." sabi ni Jax. Mukhang kausap nito si Zoey. Matagal ko na rin syang di nakikita. Mukhang super busy din nya ngayon.

"Oh, good to hear that babe. I'll see you tonight. Love you. Drive safe okay." paalala nito. At binaba na nito ang cellphone nya.

"She's coming home?" I ask him

"Yeah bro, finally I can see her again." he said, while smiling widely.

"Anong oras sya darating bro?" I asked

"Di ko lang alam, may dadaanan pa daw muna sya. Bakit?" tanong nya.

"Let's go somewhere, I wanna freshen up." I said.

"Gusto mo ngayon na? Tara na!" tumayo ito at kinuha ang cellphone.

"Eh? Wala ka gagawin?" tanong ko.

"Tara na! Makakapaghintay naman yang trabaho, di naman tayo magpapakalasing.  9am palang oh. Chill chill lang tayo." sabi nito sabay ngiti.

Sumunod na lang ako sa kanya, hanggang sa nakapasok na kami sa isang bar. Mukhang pang-elite ang bar ito, maaga pa lang pero bukas na.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon