Chapter 21

456 36 1
                                    

Marydale's POV

Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi ng maalala ko ang pagkikita namin ni Chloe. Tumingin ako sa side ni Zoey at nakita ko syang nakatingin sa akin. Tumango lamang ito at ngumiti.

Flashbacks

Halos araw araw kaming magkakasama nina Maddie, Elle at Audy. Ang sabi nila may dalawa pa daw silang kaibigan. Nalaman ko rin na simula mga bata pa sila ay magkakakilala na sila. Nag-aral daw sila sa iisang school simula primary to secondary. Kaya pala ganun na lang nila kakilala ang isa't isa. And I am so blessed dahil nakilala ko sila. And I can't wait para makilala pa ang dalawa nilang kaibigan.

After sometime, nagsimula na rin maging hectic ang mga schedules namim dahil na rin sa paparating na final exams, papatapos na rin kase ang school year. Kaya medyo na kaming lahat. Madalang ko na lang din sila makasama, although intact pa rin ang communication namin.

At that point nagsimula narin ako mamoblema sa isang unit ko, which is about math. To be honest I am not good at mathematics. Kaya nandito ako ngayon sa library halos mabaliw na ako kakasolve sa isang problem pero hindi ko talaga makuha ang tamang sagot. Gusto ko na ngang sumigaw dito pero diko magawa.

Then out of nowhere someone approach me, isang babaeng katamtaman ang haba ng buhok at may salamin. Umupo sya sa tapat ko, then she smiled and me.

"Hi, actually kanina pa kita tinitignan and it seems problematic ka dyan sa ginagawa mo, not to brag but pwede kita turuan if you want." Sabi nito.

"Oh, of course. Hindi ko na rin kase alam ang gagawin ko" I honestly answered.

Kinuha nito ang papel ko at pinakita sa akin kung paano nya nasolve ng napakadala ang problem. Napaka-easy nya lang ginawa na halos isang oras kong kinabaliwan. She even cared to explain it to me. At dahil mukhang math genius naman sya, nilubus lubus ko na. Nang matapos kami ay inaya ko syang kumain sa labas.

"At dahil tinuruan mo ko, let me treat you. As a way of saying thanks." sabi ko.

"Oh no need. It was a pleasure to help you" sabi nito at ngumiti ulit.

"I insists. Anyway just call me Dale. And you are? Kanina pa tayo magkasama di ko alam name mo" natatawang sabi ko.

"Ops, my bad. Just call me Chloe," she said.

"So Chloe, let's get going baka gutom ka na rin. Kase ako gutom na rin." sabi ko sabay tawa.

At dahil no choice na rin sya, dahil hinila ko sya dinala ko sa sya favorite place ko, McDonalds. Nagkwentuhan lang kami ng mga ibang bagay at about sa school. Pagkatapos kumain ay nagdecide na kami umuwi.

"Salamat sa treat Dale. Hope to see you around the campus." sabi ni Chloe.

"Magkikita pa tayo Chloe" sabi ko at sumakay na ako sa jeep na nakita ko.

Pagkarating ko sa bahay ay agad na nagtext ako kay Chloe para sabihing nakauwi ako ng safe. Yes, nakapagexchange kami ng contact numbers kanina. And I am so happy na may nadagdag na naman bagong kaibigan sa buhay ko.

Kinabukasan ...

After ko magreview sa library, I decided na magpahangin sa rooftop. May rooftop naman kase ang university namin eh. Still busy pa rin sila. Kahit si Chloe, tinext ko sya and she said na may group study daw sila ng mga blockmates nya.

Nang makarating ako sa rooftop, humanap agad ako ng masilong na part. Pero hindi pa man ako nakakaupo sa nakita kong pwesto may narinig akong humahagulgol ng iyak. Weakness ko pa naman ang mga taong umiiyak. Agad kong hinanap kung saan galing ang iyak.

Remember Me, MarydaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon