Chapter 3: An Imaginary Real Kiss

102 6 0
                                    

Hello, mortals! And welcome to the world of Being the Rockstar's Girl! Ohohoh! Ang joho naman ng intro hahaha!

Hello ulit! Heto na ang chapter 3 at sana ay patuloy nating samahan ang paglakad nila sa daan na tinatawag na LIFE.

READ AND ENJOY BAES!

--

Chapter 3:

One message from Andy x-x

"Ang hirap talaga magsalita ng patapos."

Napa-iling nalang ako at napangiti sa sarili ko tsaka ako umuwi na ng deretso sa bahay. Hindi ko maiwasang mag-isip nanaman.

Ano nanaman kaya kailangan ni Andy? Sinabihan ko na siya na wag siyang magpapakita ulit sakin o magpaparamdam pero heto nanaman siya at nanamantala dahil wala sa Pilipinas ang fiancé ko.

Inaasahan kong hindi na siya ulit magpaparamdam pa sakin dahil limang buwan na ang lumipas simula nung huling kita namin sa kaniya.

Inakala kong lumayo na talaga siya ng tuluyan dahil sa hindi niya kinaya ang mga pananakot ng Tres Gwapos at ni Zachary sa kaniya. Pero syemrpe, sino ba tong tinutukoy ko? Si Andy hindi ba?

Pagkatungtong na pagkatungtong ko sa kwarto ko, agad kong binuksan ang laptop ko at binuksan ang isang site kung saan makikita kong live ang mga ginagawa ng fiancé ko at ng Tres Gwapos. Itinabi ko lang muna ang pag-iisip ko kay Andy.

Ayokong makita ni Zach na may iniisip at gumugulo sakin ngayon. Alam kong makikita niya kaagad yun kaya hangga't maaari tama na munang malaman niya na may iniisip ako pero hindi tamang makita niya na si Andy yun.

Wrong timing naman kasi to si Andy eh.

Akala ko talaga nanahimik na siya ng matagal at tuloy tuloy na pero masyado akong na-excite sa isang happy ending.

"Yeeaaahh! Woooooh!"

Napaangat ako ng tingin sa laptop ko at nakita kong umaandar na ang live chat ng Rejected sa mga fans nila. May iba't ibang tao rin akong nakita sa baba ng video at karamihan parin dito syempre ay ang mga fans nilang babae.

As usual.

"Hello, guys! Thanks for viewing our last live chat of the year." – Zach. *ngumiti ng nakakaloka*

"Last live chat.." – Leo. *nods*

"Yes, last live chat." – Josh. *fake crying*

"Last.." – Jack.

Hindi ko naiwasang hindi tumawa habang pinapanuod ko sila kasi para silang mga timang at inulit ulit lang nila ang sinasabi ng isa. Napangiti nalang bigla si Zach ng mas malaki at feeling ko magkausap kami.

"Baby, I know you're watching." Sambit niyang bigla sa video at may kasama pang mayabang na ngiti at may narinig akong tunog ng tilian sa ibang nanunuod ng live chat nila.

Pinaghahampas naman siya ng mga kababata niya sa kilig, siguro at nakita ko ring namumula ang tenga ni Zach. Mukang maliliit na kamatis.

Hindi ko naiwasang ngumiti at napansin kong lumabas ang maliit na screen sa baba at nandun ang pagmumuka ko. Nag-gasp ang ilang tao at parang mas kinikilig pa sila kaysa sa Tres Gwapos at sa mismong fiancé ko.

"Hey, babe." Bati sakin ni Zach at alam kong sobrang pula ko ngayon.

"Hi.." sagot ko naman habang kinikilig at pakiramdam ko mas mapula pa ako sa tenga ni Zach. Pambihira naman kasi kung magpakilig tong lalaking to eh. Live chat pa!

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon