Chapter 10: Welcome Back Party

79 5 6
                                    

Here's chapter 10.

And THE PEST is back. READ AND ENJOY. COMMENT VOTE AND SHARE NA RIN HA? Love you!

--

Chapter 10:

"Andy. Kamusta?"

Dapat talaga hindi na ako sumagot at basta ko nalang na binabi yung tawag eh. Pero anong kalokohan ng utak ko ang ginawa at sinabi ng bibig ko? Pambihira naman oh!

Tumawa siya sa kabilang linya at napapikit ako sa inis. Pagkadilat ko, agad akong lumingon sa fiancé ko na sobrang hindi na maipinta pero gwapo parin na pagmumuka niya.

Kaloka.

"Okay lang ako. Ikaw ba?" bigla niyang tanong ulit pero sa ngayon, nakapag-isip na ang utak ko ng maayos at handa na ang bawat parte ng katawan ko na gumawa ng tama. "Andy, salamat sa pagtawag mo pero wala akong oras para makipag-usap sa ngayon. Marami akong ginagawa. Salamat sa pangangamust-.."

Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, siningitan niya ako. Aba matinde, akalain niyo yun? Sa limang buwan na lumipas na hindi kami nagkakausap o ano pa man, walang nagbago sa kaniya.

Ang galing niya paring umeksena.

"Chiena, hindi lang ako basta nangangamusta. Kaya hindi mo ko kaagad na mapapalayas sa buhay mo." Naramdaman kong nakangiti siya sa kabilang linya at kinilabutan ako dahil dito. Argh!

Bago pa ako makapagsalita ulit, inagaw ito malamang ng pinakamamahal kong fiancé.

"Hey, as*hole." Marahang sabi ni Zach habang nakatingin ng masama sa sahig pero nakangiti naman.

Sa tingin ko pa nga, narinig kong nag-gasp sa kabilang line si Andy pero hindi ko masabi kung nang-aasar lang ito o sadyang nagulat nga talaga siya. Alam kong nagsasalita si Andy sa kabilang line pero hindi ko na maintindihan pa ito dahil malamang sa malamang, na kay Zachary ang phone at siya lang ang nakakarinig ng maayos ng kung ano mang sinasabi ni Andy.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa totoo lang hindi ko alam ang dapat kong sabihin at maramdaman sa mga kasalukuyang nangyayari.

Tinignan ko nalang si Zach at muling ninamnam ang kagwapuhan niya.

Ninamnam talaga? Kinakain lang? *laughs*

May pagkakataon pa nga na napapatingin sakin si Zach at nginunguso niya ang nguso niya. Ewan ko kung sign ng pagtatampo yun o nagpapakiss. Kaya ngumingiti nalang ako.

Feeling ko, pinapagaan lang niya ang aura saming dalawa dahil kahit siya alam niya ang negative aura na biglang lumabas sa katawan ko nung tumawag si Andy.

Isa sa mga dahilan kung bakit mahal na mahal ko itong lalaking to eh. Alam na alam niya ang kailangan ko sa bawat sitwasyon. Alam niyang pagaanin ang loob ko.

"Well, f*ck off dude. We don't need someone like you, f*cking sh*t." Mapang-asar niyang sabi kay Andy. Sa tingin ko, nagkakaasaran nanaman silang dalawa.

Napailing iling nalang ako at sumenyas ako sa kaniya na patayin na niya yung tawag pero matigas ang ulo talaga at patuloy na nakipag-asaran sa ga*o kong ex boyfriend. *shakes head*

Mga lalake talaga.

Tumayo siya sa pagkakaupo niya sa kama at pumuntang pintuan papalabas ng kwarto. Akmang bubuksan niya ito nang bigla itong nagbukas at bumungad nanaman si Ana. Nanlaki parehas mata namin ni Zachary nang dere-deretsong nagsalita ang maliit at mataray na babaeng to.

"Zacky! Oh my gosh, can we start the party at 8pm? Dapat mag-invite rin kayo ng iba niyo pang friends dito ha. Kausap mo ba yan ngayon?" napa-groan si Zach bigla dahil sa sinabi ni Ana at sabay hawak sa bridge ng ilong niya.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon