Chapter 34: Nice To Meet You

55 3 0
                                    

Hi or hey kamusta kayo guys? Nawawala wifi connection namin hinahanap ko pa kaya natagalan ng upload ng bagong chapter huhu

Tiis tiis.

Hindi ko na pahahabain ang A/N dahil hahaba ang chapter wahahahahahsjdnakdankasnlol

Heto na ang chapter 34

READ AND ENJOY

--

Chapter 34:

"So how was your flight?"

Pambungad kong tanong sa kaniya pagkabukas ko ng face time.

Kasalukuyang break time namin sa OJT at agad kong binuksan ang data ko.

"Not good. You were not beside me when I woke up." Medyo paos niyang sabi dun sa kabilang line. Tinitigan ko siya at halata sa mga mata niya na pagod nga siya.

Ngumiti ako sa kaniya at naglakad ako sa pinakamalapit na bintana na meron dito sa opisina. Napatingin naman sakin yung mga kasama ko sa OJT na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanila.

"Sus, miss mo lang ako kaya ka ganyan." Pabulong kong sabi at nakita kong ngumiti siya sabay hikab na rin. Tinignan ko yung background niya at mukang nasa kwarto siya.

"Sobrang namimiss na kita. Lalo na't di mo man lang ako pinagbigyan nung gabing bago ako umalis ng pangatlong round sa coffee table mo sa kwarto. Kainis." Rinig sa tono ng pananalita niya na naiinis siya dahil nga sa ginawa kong pagtanggi.

Opo, tinanggihan ko nga siya. Well, third round na niya kasi yun if ever eh. Isa pa, sa coffee table ang gusto niya paano ako pepwesto dun?

"Eh para mamiss mo ko." simple kong sagot sa kaniya at nag-gusot siya ng mata niya at hikab nanaman. Napangiti ako kasi ang cute niya sa tuwing ginagawa niya yan. Gusto ko pa siyang makausap pero halatang inaantok na siya lalo na't alam kong kakarating niya palang ng LA agad niya akong tinawagan para lang makapag-face time kami sandali.

"Zachary, go to sleep." Mahinahon kong utos sa kaniya at bumusangot lang siya sakin pero obvious parin naman ang pag-iling niya ng konti. "I..I don't want to, yet. I still want to talk to you while you're on your break." Pabulong niyang sabi at halos pumikit na ang mga mata niya dahil sa itsura niya antok na antok. Kahit na face time to eh nahalata ko ang malaki niyang eyebags. Kitang kita lang kasi yung pangingitim eh.

"Look, you're a handsome guy and you shouldn't let yourself get eyebags. Bahala ka, mas gwapo na sayo si Seth niyan." Mapang-asar kong sabi at para bang nanlaki ang mga mata niya nung una pero agad rin itong lumiit at nag-pout pa siya. "You are so mean. But I still love you even when you're being mean." Mahina niyang sagot sakin at tuluyan na siyang pumikit.

Hindi na ako nagsalita pa dahil sa tingin ko, half asleep na siya sa lagay niyang yan. Yung itsura niyang nakasubsob siya sa kumot tapos half face lang niya ang nakikita. Marahan niyang paghinga at ang dahan dahan niyang pagkakabitaw sa phone niya.

Ayun na nga, knockout.

Ini-screenshot ko ang itsura niya na medyo kita pa naman at ang cute lang ng dating. Half face siya tapos kita mo yung mataas na ceiling ng kwarto niya na may glow in the dark na stars. Hindi ko naiwasang hindi mapa-giggle dahil sa para parin talaga siyang bata. May ganun parin pala siya sa kwarto niya hanggang ngayon.

Nakita kong nag-scrunch ang ilong niya at maski yun e ini-screenshot ko rin. Nakakatuwa lang kasi ang tagal niya talagang nakaganun na para bang alam niyang kinukuhanan ko siya ng picture. Maya maya lang e nawala ito at mas lalo pa siyang sumiksik sa kumot niya at humigpit ang paghawak niya sa cellphone niya.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon