Chapter 24: A Wrapped Banana?

35 1 0
                                    

Hi or hey Rejects! Kamusta? May mga pasok ba kayo sa ASEAN? LOLS

Anyways, hindi ko na patatagaling pa to. Isa pa, wala sa mood ang utak ko para sa mga intro hahahaha hahaist

ENJOY!

--

Chapter 24:

Hindi ko alam kung nakailang movie na kami ngayon. I mean, sila Ana, Seth, Nico, Nina at pretty boy. Eh kasi sumanggi kani-kanina lang sa isip ko na hindi pa pala kami naliligo ni Zachary.

Kaya ayun, habang nagsaksak sila ng chick flick na movie e aba ginawa ko yung chance para makatakas sa mga ka-kesohan na scenes sa movie na yun. Baka kapag napanuod ko yun e dumagdag ang cheesyness na meron ako sa katawan ko.

Baka maumay sakin si Zachary.

"That would never happen, you know." Biglang sabi ng gwapo kong katabi habang nakasalampak ako sa sahig. Opo, nasa sahig parin ako umupo kahit na nakaligo na ako at take note kakatapos lang. Tinignan ko siya at saktong napatingin rin siya sakin.

"Binabasa mo nanaman ba isip ko?" bulong ko sa kaniya.

Umiling iling siya sabay smirk. Ngumiwi naman ako sa kaniya dahil sa ayan nanaman siya sa kayabangan niya. Sinuntok ko braso niya ng mahina dahil dito.

Lambing ko yan bakit ba. Wag ka nga mangialam. Pasimpleng chansing lang yan sa bulgy biceps niya. Bleh.

Nagpatuloy lang kami sa panunuod at dahil sa may dalawa kaming baliw na kasama, oh wait, sige tatlo nalang e sila lang tawa ng tawa sa mga nangyayari. Wag niyo ng hulaan ang tatlong baliw na iyon dahil sa alam kong alam niyo ang tatlong tao na magkakasundo sa isang kwarto na to.

"Hahaha! Itsura!" malakas na sabi ni Matt habang nakahawak pa sa tiyan niya at hinahampas pa niya yung likod ni Seth na humahagalpak na rin ng tawa. Magkatabi silang tatlo, opo.

Ang nakakatawa pa eh walang awkwardness sa kanila kahit na may history sa kanila noon. Pero kung iisipin, past is past nga naman kasi talaga. Bakit ba ko kasi na-curious? Haha!

"Para talagang baliw yang tatlong yan." Bigla namang sabi ni Nico. Kahit na malakas ang pagkakasabi niya e parang walang narinig sila Ana sa comment ng pinsan niya. Tumango naman si Nina at obvious na uma-agree sa sinabi ng boyfriend niyang singkit.

Nagsalita naman ako. "Bakit? Normal na bang ganyan sila? I mean, walang awkwardness or whatever?" mahina kong tanong. Sinigurado kong kaming apat na 'others' lang ang makakarinig ng sinabi ko.

Take note, kami pa ang others. At heto pa, maalala niyo ang alam ko libro namin to ni Zach eh diba?

Tumango ng dahan dahan si singkit at napasalubong ang mga kilay niya. "Well, yeah. That's normal for them. Actually, I don't exactly know what happened between those three in the past but based on what we see, well they had moved on."

Sagot niya sakin na may kasama pang pag-shrug ng mga balikat niya dahilan para mapasama ang pag-galaw ng ulo ni Nina. Nakahiga kasi siya sa balikat ni Nico eh. Haha! Ang cute nga nila eh. EKEKEKE!

Lahat kami e napatingin kila pretty boy, Seth at Ana. Ganun parin sila at masayang nagtatawanan. Nagkekwnentuhan rin sila tungkol sa nakakatawang scene kanina hanggang sa mapunta na sa reminiscing ang ginagawa nilang topic.

Para sakin, sobrang bilib ako sa kanila. Sa friendship nilang tatlo. Parang kung ako ang nasa kalagayan nila e baka hindi ko magawang tumawa tulad nung sa kanila.

Pero mas bilib ako sa kaibigan kong si Ana.

Maraming babae ang nagkakandarapa kay Seth at para bang wala ito sa itsura niya na sobrang stressed siya sa popularity ng fiance niya. Kahit na maraming naghahabol sa kaniya e deadma nalang. Kahit na nagkaroon sila ng pagsubok noon tungkol sa mga 'secrets' na meron sila sa relationship nila pero na-overcome nila ito ng maayos at obvious naman na masaya silang parehas sa meron sila ngayon.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon