Chapter 28: I'm On My B*tch Mode, You B*tch!

38 0 0
                                    

Hi or hey rejects!

Salamat sa matagal tagal tagal tagal na paghihintay. Alam kong advance ako magsulat at late mag-upload. Well, I have reasons.

Sinisigurado ko muna kasi na aabot ng 20 reads ang bawat chapter kaya naman late ako lagi mag-upload. Plus, I'm so so sooooo buys with adult life. Don't grow up too fast, kids. Enjoy school and enjoy being a teen, a child or a baby WAHAHAHAHA

Dumidepende kasi ako sa reads so..ayon lamang haha kaya kung ako sa inyo sipagan niyo ang magbasa, comment at vote. Ikalat niyo rin ang story nila Chiena at Zach para mabilis ang update. Para maabutan niyo ako sa pagsusulat ko.

Isa pa, grabe kayo ha. Mas maraming reads ang SPG chapters OMG talaga buwahahaha! Obvious kayo ha. Nako. Pano nalang kapag tinamad na akong gumawa ng mga yun edi wala na ring reads to? XD

Isa pa ulit, guys kung akala niyo ay stand alone na klase ng book tong BTRG e hindi po. BOOK 2 ito ng Superstar Series. Ang book 1 ay ang MY SUPERSTAR. Pinagiisipan ko pa kung gagawin kong trilogy to o dalawa nalang. Kasi naisip kong unfair sa BUONG REJECTED SERIES kung si Zach lang ang may tatlong books. XD

Gets niyo ba ako? So dedepende parin talaga ako sa reads, votes and comments. :)

Anyways, enough of the chitchat chararat.

Here's chapter TWENI AYT

--

Chapter 28:

Nagpatuloy ang napaka-sayang araw naming reunited barkada. Naitext ko na si lola Rita na nakarating kami ng maayos ni Zachary at syempre bilang 'paboritong' apo naman nung isa e tinawagan niya ang lola ko.

"Oh lola! Of course! I'll take care of her." Pasipsip na sabi ni Zachary sa lola ko na kausap niya parin. Nasa tapat kami ng fireplace na magkakabarkada at nakwentuhan lang sa mga updates sa buhay ng isa't isa.

Nakakapag-chat parin naman kami pero syempre, iba kasi ang feeling kapag magkakasama talaga kayo. Kaya naman ako e hindi ko inaksaya ang oras.

For one week, nandito ako sa New York at mag-cecelebrate kami ng New year dito. Well, technically, Christmas parin dito kasi December 24 palang ngayon dito ng hapon.

Ang saya diba? Dalawang pasko ang napuntahan ko sa taon na to! *laughs*

"So he's like the favorite apo now?" natatawang tanong ni Jack sakin. Napatingin ako sa kaniya sabay tango. Nagtawanan ang barkada at napatingin samin si Zach sabay ngiti ng nakakaloko.

Kaya bigla akong napalo ng bestfriend ko kasabay rin ng paghawak niya sa tiyan niya habang humahagikgik dahil sa ngiti ng lalaking to.

"Bwisit nga e. Imbis na ako ang spoiled apo aba! Siya na ngayon!" sambit ko habang hinahawakan ko ng mabuti ang mug ng hot chocolate na hindi ko parin nauubos. Narinig kong tumawa ulit ang lahat kasama ang loko loko at sipsip kong pinakamamahal.

"You're just jealous." Pang-asar niyang sabi bigla at bumulong siya ng buh-bye kay lola tsaka hinagis ang cellphone niya sa direksyon ko. Sa kasamaang palad, nasalo ko.

Napairap ako dahil sa sinabi niya at may biglang pumasok sa isip ko na alam kong ikakaasar niya rin gaya ng pagkakaasar ko sa tuwing naiisip kong siya na ang 'paboritong' apo.

Hindi ko naiwasang hindi mag-smirk sa kaniya at napataas siya ng kilay sakin. Narinig ko nanaman na nagtawanan ang twins at kita ko sa mga muka ng mga kaibigan namin na inaabangan nila ang pambawi ko sa ubod ng yabang ni Zach.

"Alam mo, okay lang pala kung ikaw na ang favorite ni lola ngayon." Mayabang kong sabi habang pinapaikot sa kamay ko ang cellphone niya na biglang nag-vibrate. Hindi ko ito pinansin.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon