Chapter 45: The Clock Is Ticking

19 1 0
                                    

OKAYYYYY WASSUP!!!

READ AND ENJOY WAHAHAHAHA

GIVE ME LOVE GIVE ME HATE IDC JUST LETS ALL BE HAPPY 💕

--

"Where did you sleep?"

Pagkarating ko ng bahay ito ang bungad na tanong sakin ni King habang pinapakalma si lola Rita. Napabuntong hininga nalang ako at nagbeso kay lola.

"Apo, tinatanong ka ng uncle mo sagutin mo." Napapikit ako at humawak sa nose bridge ko na para bang masakit ulo ko. Hinarap ko silang dalawa at ngumiti ng tipid. Sakto naman ang pagpasok ni Andy at agad niyang binati sila.

"Um, goodafternoon po madam Rita." Pa-awkward niyang sabi habang pabalik-balik ang tingin saming tatlo. "That man is my uncle. Batiin mo rin, Andy." Tumango siya sakin at nakipag-shake hands naman siya kay King.

"What's the meaning of this, Kay?" Hindi makapaniwalang tanong ni lola sakin at umiling ako. "Kapag nandito ba si Andy meron dapat meaning? He's still my friend and we had history. I want him with me." Para bang na-shock si lola at King sa mga sinabi ko at di sila nakapagsalita. Hinila ko ang kamay ni Andy at umakyat kami sa kwarto ko. Nagpahabol pa siya ng paalam at bati sa kanila pero hindi na rin siya nasagot ng mga to dahil sa pagmamadali ko.

Agad kong sinara ang pinto ng kwarto ko ng makaakyat kami. Naupo ako sa kama at sinundan ako ni Andy don. Tinanaw niya ang muka ko at ngumiti ng tipid sakin. "Okay ka lang ba? Parang ang lakas ng tensyon sa baba kanina. Akala ko tayo lang may ganun. You know, sexual tension?" Pagpapatawa niya at napa-snort ako. Nahiga siya sa tabi ko at ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya.

"Iniisip nilang nababaliw na ako dahil nag-uwi ako ng lalake na hindi lang basta friend kundi ex boyfriend." Sambit ko at naramdaman ko ang paghaplos niya sa braso ko. Ibinaon ko ang muka ko sa leeg ni Andy at sininghot ang kung anong pabango niya don.

He smells like sex and manly spice.

"Weird ba yon? Dinadala mo si Trey dito diba? Pati yung...Nico ba yon?" Tumawa ako sa sinabi niyang to at tumitig sa kaniya. Para kaming tanga na dalawa sa pagtititigan namin kasi parang hindi kami nag-break at nagkaroon ako ng ibang boyfriend. Yung mga tinginan namin na pasimple at ngitian, Tawanan at asaran, parang normal parin ang lahat.

Parang hindi niya ako gin*go at parang hindi ako nagkarelasyon sa iba.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin?" Bulong niya na may kasamang mahangin na salita at hinaplos haplos niya pa muka ko. Umiling ako at ngumiti bilang sagot. Hindi ko maalala kung gaano kami katagal na magkatitigan at nagngingitian lang pero naputol rin naman to nang tumunog nanaman ang cellphone ko.

Napairap ako at tinignan kung sino ang caller. Napangiti ako nang makita kong si Larah pero nag-alangan akong sumagot dahil alam kong ngayon narinig na niya kay Zachary ang lahat ng ginagawa ko.

Pero, si Larah to. Bestfriend ko siya at alam kong sa pagkakataong to ako ang kakampihan niya pero panigurado rin na sesermunan niya ako tungkol kay Andy.

"Um, si Zach nanaman ba?" Alanganin niyang tanong sakin at umiling ako. "No, it's Larah. Sasagutin ko to." Tumango si Andy sakin tsaka siya bumangon sa pagkakahiga sa kama ko. Hindi ko alam kung san siya pupunta nung una pero nang hatakin niya ako sa terrace sabay yakap sakin mula sa likod, napangiti ako. He's so sweet, what the heck.

Sinagot ko ang tawag at hindi ako sanay na marinig na malumanay na pananalita ni Larah. Malamang, kakapanganak niya at syempre nagpapahinga pa siya.

"Bes, hindi ako magpapaligoy-ligoy. May sinabi sakin si Zacky." Umpisa niya agad at napatawa ako. Na-iimagine kong tinataasan niya ako ng kilay ngayon bilang senyales na gusto niya ng explanation. "Beshie, nagkataon na narinig niyang nangangarera ako. Sino ba siya para sabihin sakin na itigil ko ang gusto ko?"

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon