Chapter 26: Beanies And Hoodies

61 0 2
                                    

Hi or hey guys!

Try ko pang mag-update ng pang-apat tonight wahahahahha babawi talaga ako lalo na't asean ngayon at wala kong pasok. Hayyyy

Oo nga pala, yung mga scenes sa airplane na first class e ewan ko kung totoo yun pero kasi nag-base lang ako sa movie na napanuod ko at yung sa airport naman e ewan ko kung yun nga talaga yung mga sinasabi ng mga attendants XD

Hindi pa kasi ako nakakalabas ng bansa gaya ng Chiena. Tanging Pilipinas palang ang nalalakbay ko.

It means that I haven't been inside the international airports that we have here in PH. Sa NAIA terminal 3 palang ako nakakapasok at nung nakapasok ako dun e wala pang international airlines dun so alam kong ibang iba ang pagpapatakbo ng mga tao sa NAIA 1 at NAIA 3 hahaha sarreeh!

Anyways, here's chapter 26.

Sabi ko na nga ba't hahaba ang holidays arc. *shakes head

READ AND ENJOY

--

Chapter 26:

"Ma'am, Sir. Do you want some coffee?"

Napaangat kami ng tingin ni Zach dun sa flight attendant na lumapit samin. Ilang beses na kumurap si Zachary dahil sa sinabi niya at tsaka siya tumango. "Hot or cold?" malanding tanong nung flight attendant sa fiance ko at sa tingin ko e napansin ito ni Zachary kaya naman nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Zach sa dibdib niya.

Opo, nakahiga nanaman kami at kasalukuyang nanunuod ng movie sa maliit na screen na meron sa airplane.

Parang nagulat yung flight attendant at nag-ayos siya ng posture niya. "Hot coffee please." Sagot ng fiance ko ng hindi na nakatingin sa babaeng yun at naka-concentrate sa rated r na pinapanuod namin. Uhh...actually dahil sa ka-hyperan ko e hindi niya ako pinayagang mamili ng papanuorin.

Ang sama diba? Tapos ang pinili pa niya e yung mga tipong Jason versus Freddy, o kaya yung Friday the 13th lang. Yung mga palabas na may kasamang sex scene? Oo, ganun na nga.

Eh sa hindi ko trip yung mga ganung movie ngayon kaya naman nagtiis ako sa mga malamanyak na tingin sakin ng manyak pero gwapo kong fiance.

Kulang nalang nga e mag-live performance kami dito. *shakes head

Lalo na kung kanina niya pa ako minamanyak. As in yung hahawakan niya dibdib ko. Yung mga ganun? Pero ang nakakatawa eh kinuha niya talaga yung kumot na provided ng airline at itinaklob samin.

Pero kahit na manyak parin siya.

"Thank you." Sambit ni Zach na maikli dun sa flight attendant. Titig parin si Zach dun sa scene at heto na nga ba ang sinasabi ko. May rated r na scene nanaman. Napaangat ako ng tingin dun sa attendant at nakita kong humahapyaw siya ng tingin sa screen at sa fiance ko.

Napailing nalang ako bigla. "Miss, may kailangan ka pa?" mahinahon kong tanong sa kaniya at para bang bigla siyang nagising sa pantasya niya. Sus, if I know, iniimagine niya ang sarili niya at ang lalakeng yakap yakap ako. Di na nahiya. *shakes head

"Um! W-wala na p-p-po." Mabilis niyang sabi at agad agad siyang umalis sa harap namin at sinundan ko pa siya ng tingin kung madadapa ba siya o hindi. Napabuntong hininga ako.

"Oh shit. That was hot." Narinig kong bulong ni Zach at naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sakin. Napabaling ako ng tingin sa kaniya at titig na titig parin siya dun sa scene hanggang sa ako na mismo ang gumising sa tumatakbo sa isip niya. "Huy! Ikaw talaga ang manyak mo."

Mapang-asar kong sabi sa kaniya at nag-pout siya sakin sabay halik sa labi ko ng sandali. "Well, at least I'm only perverted when I'm with you." Pagmamalaki niya at hindi ko napigilan ang tumawa na para bang isa akong nagpapacute na babae sa fiance ko.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon