Chapter 1: College Week Part 1

177 8 2
                                    

Hi or hey guys! Woooh! Here comes the first chapter of the book 2 ng Superstar series :D

Don't forget to READ AND ENJOY!

VOTE COMMENT AND SHARE.

Save mo na rin library mo <3

LOVE YOU xx

Chapter 1:

5 months na ang lumipas simula nung umalis sila Zach.

5 months ko na siyang hindi masolo.

5 months ko na siyang hindi mahawakan.

.

.

.

.

"Chiena! Let's go! Malelate na tayo!" napalingon ako sa sigaw ng kaibigan kong si Nico mula sa labas ng bahay. Kasalukuyan akong nakatulala habang nakaupo sa front porch hinihintay ang pagdating niya. Hindi ko namalayan na nakatitig lang ako sa picture namin ni Zach.

Yung huling picture naming dalawa.

Nasa airport kami nito at sobrang galing mag-picture ni Larah talaga.

Nakayakap ako sa kaniya at hinalikan niya ako sa noo. P.S. WITH FEELINGS.

Nakapikit pa siya nito habang ako ganun din at may tumutulong luha pero nakangiti. Parang tanga nga lang eh. (lol)

Kahit na full body ang shot ng picture na to, kitang kita naman ang engagement ring na bigay sakin ni Zach at syempre ganun rin ang sa kaniya. Ang lakas nga maka-book cover ng romance genre eh.

Hands down sa aking bestfriend sa galing niyang mag-shot.

"Hey! Come on!" tawag ulit sakin ni Nico. Nilingon ko siya at nginitian pero inirapan ko rin agad. Narinig ko siyang nag-snort.

"Ang bagal!" pang-aasar niya. Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit sa kotse niyang pinangalanan kong si Bumblebee. Pumasok naman ako agad sa passenger's seat ng kotse niya. Ngumiti siya sakin at agad rin kaming umalis para daanan naman si Nina.

December na ngayon at sobrang lamig ng panahon sa Pilipinas. Ang abnormal ng temperature, nako. Kulang nalang mag-snow! Ang kaso nga lang maraming mamamatay dahil sa tropical country ito at hindi sanay ang mga tao. Kaya wag ng ipagdasal na mag-snow. Hahaha!

Mabilis na tumakbo ang mga araw nung umalis sila Zach pabalik ng LA.

Nag leadership camping pa nga kami nung July eh. Grabe sobrang saya nung time na yun! Mountain life na mountain life talaga!

Cabins. Barbecue na magkasunod sa dalawang gabi tapos syempre may courage test kami! Girls-girls at boys-boys naman kaya masaya at syempre puro babae kasama ko sa isang cabin at himala pa, kinakausap nila ako at nagpakilala pa sila isa isa sakin.

Paano ba naman? Eh inutos daw ni Mr. Popular sa kanila. *shakes head*

Si Mr. Popular lang naman e syempre wala ng iba kundi si Nico Montenegro! WOOOOOH! WIWIT! *clap clap*

Iba talaga kapag maraming connections.

Siya na gwapong chinitong pinoy!

"Wow grabe. One week nalang at Christmas break na." biglang sabi ni Nico habang nagmamaneho siya na may ngiti sa muka niya.

Sa totoo lang, nung mga nakaraan buwan e lagi na siyang ganyan. Medyo creepy dahil hindi ako sanay na ganito siya. Isa pang pagbabago, hindi na niya masyadong sinusupladuhan si Nina.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon