Chapter 23: Guys Are All Perverts

39 3 0
                                    

Hi or hey Rejects! This is the TWENI THIRD chapter of BTRG. Hehe! Kamusta kamusta? Masaya ba ang sembreak? May highschoolers bang reader nito? How about college students? Comment kaya kayo ano? Hahaha!

Read and Enjoy!

--

Chapter 23:

Pagkatapos naming 'maglandian' ni Zach sa couch e syempre, asahan na ang bigla biglang dumadating na mga tao.

Saktong nakabihis na ulit ako e biglang dumating si King.

I mean, uncle.

"Ma'am Chiena, may bisita po kayo." Dere-deretso niyang sabi at agad na lumabas. Natanaw ko pa siyang namumula na para bang kamatis. Sinubukan ko siyang kausapin kung okay lang ba siya pero kasi ang bilis niya umalis eh. Parang may tinatakasan.

Tsaka teka nga! Tinawag nanaman niya ba akong 'ma'am'?

"Let's go. May bisita ka daw." Natatawang sabi naman nung lalaking manyak na kasama ko dito. Nakatayo na ako samantalang siya ay nakaupo parin sa sahig na may carpet.

Tinignan ko siya at ngumiwi sa kaniya sabay irap. Narinig ko siyang nag-snort lang at nag-chuckle.

Paano niya napagsasabay yun at nagagawa niyang pang-gwapo? Haha!

"Tara na nga. Ang landi mo kasi eh." Pabulong kong sabi at nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Zach sa pagkakaupo niya sabay yakap sakin ng mahigpit. Bumulong siya sakin. "At least, sayo lang ako lumalandi."

Dahil sa sinabi niya, hindi ko na ikakaila pa ang pag-akyat ng dugo ko sa pagmumuka ko. Alam kong namumula na rin ako gaya ni King kanina nung nakita niya kaming magkayakap at nakaupo ako sa lap ni Zach.

Siguro, yun ang dahilan kung bakit siya tumakbong bigla.

Nanginig pa ako dahil sa kilig at naging dahilan ito para tawanan ako ng napaka-gwapo kong fiance na sobrang hot, sexy, gwapo, talented at kung ano ano pa na si Zachary James Gutierres. Taray ko magpakilala sa kaniya e ano? Ang daming adjectivessss. Hahaha!

Nang nakapaglakad na ako ng maayos para pumunta sa visitor's lounge alam kong nakasunod lang sakin ang gwapo kong fiance.

Kahit na hindi niya ginagawa ang mga pasimple niyang hawak sakin e halata naman sa kaniya na minamanyak nanaman niya ako sa tingin niya palang.

Ramdam ko kasi yung hotness ng titig niya sa likod ko eh.

Nang makatungtong na kaming visitor's lounge ng mansyon e una kong nakita ay si King na may parang kinakausap dun. Nakatalikod kasi yung taong yun pero dahil sa minsan na siyang naging parte ng buhay ko, kilalang kilala ko na siya sa likod palang.

Lalo na kung simula bata e para na kaming kambal na hindi mapaghiwalay. Idagdag na rin natin ang maingay na bibig ng kapatid niya na tuloy tuloy talaga at kung minsan e walang sense ang pinagsasasabi. Tapos yung gwapo niyang kapatid rin na crush na crush ko noon.

"Ma'am Chiena." Nang matanaw ako ni King, tinawag niya kaagad ako at naagaw ko na ang atensyon nung tatlong magkakapatid. Lahat sila tumingin sakin. Samin pala ni Zachary.

Mag-iba man sila ng gupit, alam ko parin ang pagkakaiba ng likod ni Aidrian at Andy.

"King, wag mo na ulit akong tawaging 'ma'am'. Please. Salamat." Pagpapa-alala ko sa kaniya at para bang nag-iba ang aura ni King. Siguro, nakakalimutan niya parin talaga lagi na inampon siya ni lola. Ang kaso nga lang wala siyang ka-alam alam. Ganun rin ako.

Tumango siya at binaling ko naman ang tingin ko sa tatlong magkakapatid. Lahat sila nakangiti sakin lalong lalo na si Dean a nagtititili. Alam kong na-eexcite rin naman siya na makita ako pero kung talagang iisipin e hindi siya sakin sumisigaw ng ganyan.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon