Chapter 12: Pinching and Biting

60 5 0
                                    

Hi or hey guys! Hindi na ko masyadong magpapaligoy ligoy ligoy ligoy pa. dahil heto na ang chapter 12. Ohoho!

READ AND ENJOY!

Warning: MADRAMA TONG CHAPTER NA TO KAYA SIGURADONG MAAASAR LANG KAYO. Lol

--

Chapter 12:

"Mahal ko pa kasi ang fiancée mo, Zach. Pasensya na."

Nagising akong bigla ng marinig ko nanaman ang mga salitang yun. Napatingin ako sa mataas na ceiling ng kwarto ni Zach dito sa hacienda at agad agad kong kinapa ang side ng kama kung saan alam kong natutulog ang fiancé ko.

O kaya sabihin na nating nakahiga lang siya at wala pang tulog.

Time check? 3:15 am.

Nakatulog na ako dahil na rin siguro sa nakainom ako pero siya hindi parin.

Hinarap ko siya at mas lalong sumandal sa kaniya. Narinig ko naman siyang huminga ng malalim at iniangat ko ang tingin ko. Nakita ko siyang napatingin rin sakin.

"Hi." bulong ko at sinagot niya ako ng halik sa noo ko. Alam kong hanggang sa mga oras na ito, naaasar parin siya sa narinig at ginawa ni Andy kanina lang.

Alam kong napapaisip parin siya sa mga sinabi ng baliw kong ex boyfriend.

Well, sa tagal niyang hindi nagparamdam samin inakala naming lahat na talagang nilayuan niya na ako at tumigil na siya sa pagpapantasyang babalikan ko pa siya. Pero as usual, nagkamali kami sa mga hinala namin tungkol sa kaniya.

Para siyang muka ng isang tao.

Hindi maintindihan.

Ang hard ko e no? Haha, joke lang.

Pero seryoso, hindi namin siya maintindihan.

.

.

.

Nung binitawan ni Andy ang mga salitang yun habang umiiyak sa harap namin, natigil ang oras.

Ang kaso nga lang hindi literal.

"What the f*ck are you saying again?" pabulong na tanong ng fiance ko pero rinig at halata sa boses niya na galit siya.

Bumangon ng konti si Andy sa pagkakahiga sa lupa at hinatak akong bigla ni Zach sa pagkakaupo ko sa tabi nito nang tinitignan ko siya kung paano umiyak.

Oo, tinignan ko siyang umiyak. E bakit ba? Na-curious lang ako dahil ngayon ko lang ulit nakita ang expression na ito ni Andy.

Siya ang sagad sa pagiging kontrabida sa love story namin ni Zach pero kahit papano naman ay may kalungkutang tinatago ang taong ito.

At alam nating lahat kung ano.

"Chiena, please. Mahal parin kita." Sabi ni Andy habang nakatingin sa mga mata ko. Kahit na nandito ang mga kaibigan namin sa tabi namin ngayon, nagpatuloy lang siya sa pagsasalita niya.

"Chiena, hayaan mo kong patunayan pa sayo na hindi ko na gagawin ang mga kaga**han ko noon. Kung kinakailangan ko ulit magsimula sa umpisa, gagawin ko. Kung kinakailangang magsibak ulit ako ng maraming puno, gagawin ko." tuloy tuloy niyang sabi at napangiti ako ng konti dahil sa bigla kong naalala ang pagkakataon na nagsibak nga talaga siya ng kahoy para lang mapapayag na manligaw siya sakin noon.

Nagpalakas siya kila nanay at tatay. Hindi mismo sakin.

"He really did that?" hindi makapaniwala na tanong ni Matt sakin. Nag-shrug lang ako ng balikat at napanganga si pretty boy.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon