Chapter 47: The Root of A Mistake

10 1 0
                                    

Let's see what's gonna happen to these love triangle.

Who's gonna end up with who?

READ AND ENJOY!

AND HAPPY NEW YEAR (♡∀♡)

--

Dahil sa tagal na rin naming hindi nagkikita-kita at tanging sila sila nalang rin ang nagkaka-bonding moments, hindi ko pinalagpas ang request nila. Nung una ayaw pang pumayag ni Andy dahil malamang alam niyang hindi maganda ang pakiramdam ko pero alam niya rin na gusto kong tumakas sa realidad.

Realidad kung saan lumalabo ang lahat samin ni Zachary.

"Chin, di ka parin tapos?" Nababagot na reklamo ni Andy sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Kasalukuyan akong nasa harap ng malaki niyang salamin dito sa kwarto niya at namimili sa limited wardrobe slash maleta ko ng susuutin sa night out namin ngayon.

"Andy, I seriously can't decide what to wear." Natatawa kong sagot sa kaniya at tinignan niya ako ng mga nanliliit niyang mga mata. Maya maya lang ay tumayo siya sa pagkakahiga at pumunta sa kabinet niya. Napataas ako ng kilay sa ginagawa niyang paghawi ng ilan niyang damit at napangiti ako nang makita kong may medyo maliit siyang shirt. Lumapit ako sa kaniya at pilit kong hindi pinansin ang paghagod ng tingin niya sa katawan ko.

Hindi ako magtataka sa ginawa niyang yon dahil heto ako't nakabalandra ang katawan ko sa loob ng kwarto niya habang naka-bra at panty lang.

"Argh, sh*t Chiena. Bakit ka ba ganyan?" Kinakabahan niyang bulong at napahagikgik ako sabay kuha sa black shirt niya na pwede kong i-tuck in sa shorts ko. "You've seen all of me." Sagot ko naman habang sinusuot na ang shirt niya. Nagkatinginan kami at hindi ko napigilang di ngumiti nanaman dahil sa nakakatunaw niyang titig. Maya maya lang ay naramdaman ko ang mga kamay niya sa leeg ko at ganun rin ang pagpapaulan niya ng faint kisses sa leeg at balikat ko.

Hinayaan ko siya sa ginagawa niyang yon habang inaayos ko naman ang shorts ko. Nang humarap ako sa kaniya, hinalikan ko ang corners ng labi niya. "Pwede na ba ako mag-make up?" Pang-aasar ko at umirap siya sakin. "Parang awa, Chin. Maganda ka na. Bumaba na tayo please." Natawa ako sabay kuha ng sling bag ko kung san nakalagay ang kikay kits ko. Tutal may kotse naman e dun nalang ako mag-aayos.

My skills are so damn good kahit moving vehicle pa keri ko pa. Lol

Nang makababa kami, sakto rin naman ang paglabas nila Aidrian at Dhea sa mga kwarto nila. Tumili pa si Dhea nang makita niya ang shirt na suot ko at tumingin naman ng may meaning si Aid.

"Ay, bro. Ano yan ha. Bakit ganyan? Hahaha! Tang*na niyong dalawa!"

"OMG MY GOSH GOSHY GOSH! Bakit kayo ganyan kinikilig ako kahit na hindi na dapat para kayong ewan na dalawa! Mama, papa! Si Andy oh! Territorial! BWUHAHAHAHAH!"

"Mga g*go! Manahimik nga kayo! Hahaha!"

Lumingon naman ang parents nila na nanunuod ng TV dahil sa pagbabangayan nung tatlong magkakapatid. Tinignan nila ako at halos maramdaman ko ang pamumula ng muka ko ng titigan nila ang intertwined fingers namin ni Andy at ganun rin ang suot kong damit.

"Mhmm, sabi ko na nga ba't bagay talaga kayong dalawa eh. Pati damit ni Andy e bagay sayo." Pang-gagatong naman ng mama nila at napangiti ako ng may hiya. Pinahapyawan ko ng tingin si Andy at nakita ko ang pamumula ng pisngi niya. "Andy, anak. Ingatan mo ang prinsesa nila pareng Ethan ha." Napangiti ako sa sinabing yun ng papa nila. Binitawan ko ang kamay ni Andy at lumapit ako sa parents nila.

"Thank you, tito. Tita. Love you two." Bulong ko sa kanila at kiniss ko sila sa mga pisngi nila. Narinig ko pang humagikgik ang mama nila at niyakap nila kong dalawa. "Oo naman, iha. Mahal ka rin namin ng tito mo. Naku, ang lambing mo talagang bata ka."

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon