Prologue

338 8 0
                                    

Hi or hey guys! Woooh! Here comes the prologue of the book 2 ng Superstar series :D Hindi ko papahabain ang librong to since tungkol lang naman to sa kung anong klase ang buhay na meron si Chiena simula nang maging official na sila ni Zach. Hihi

Sana mag-enjoy kayo mga pare. *wink wink!

Oo nga pala, balak ko itong ipagsalit salit ang point of view ng ating mga bida. Kunware sa chapter 1 e si Chienks tapos sa 2nd chapter naman e si Zach. Parang ganun? Para malaman nating lahat ang nararamdaman nila. Pero di ko pa sigurado yun. Pag-iisipan ko pa kasi maduguan ang POV ni Zach sa English. (JUICE KO PO!) hihihihi

Pabor ba kayo dun o hindi ? ANO? ANO ? ANO ?! hahaha!

Don't forget to READ AND ENJOY!

VOTE COMMENT AND SHARE.

Save mo na rin library mo para masubaybayan ang buhay fiancé ng rockstar.

LOVE YOU!

Prologue:

"Kay, apo! Si Nico andito na!" pagsigaw ni lola sa kwarto ko.

Kasalukuyan akong nasa harapan ng laptop at kausap ang pinakamamahal ko.

Oh yes. It's Zachary James.

One week na ang lumipas simula nung umalis sila at araw araw kaming nag-uusap sa skype o kaya naman sa face time na tinuro niya sakin bago siya umalis.

"Hi lola Rita!" sigaw naman ni Zach na narinig ni lola at kumaway sa camera. *shakes head Lumabas din agad si lola.

Ngumiti si Zach at tsaka naalala kung sino ang naghahanap sakin.

"What's Nico doing there so early in the morning?" tanong niya na may kasamang pagsasalubong ng mga kilay.

Bumuntong hininga ako at nagpaliwanag.

"Zach, napag-usapan na natin to diba? Ayaw mo kong mag-drive sa malayong lugar kaya heto si Nico, sinusundo ako."

Pupunta kasi kaming leadership camping ngayong weekend at syempre bilang president at vice president ng Dance Club eh required kami.

Narinig ko siyang nag-growl at napatingin ako sa kinikilos niya. Yumuko siya sa study table niya at nagkamot ng batok. Narinig ko rin siyang bumuntong hininga at tsaka ulit humarap sakin na may kasamang pamumula ng muka.

Ewan ko kung sa galit to o ano.

"I know. I know. I just don't trust him fully yet." Sagot niya ng pabulong at napangiti ako sa sinabi niya. Napaka seloso niya talaga kahit kelan.

Ngumiti ako sa kaniya at sinamaan niya ako ng tingin. Ang cute niya talaga! Sayang lang at di ko makurot ang mga pisngi niya! ARGH!

"Zachary. I love you so much." Yun nalang ang isinagot ko sa kaniya dahil sa alam kong yun ang mga salitang makakapagpahinahon sa kaniya. Aba malay natin kung trip niyang basta lumipad pauwi dito sa Pilipinas ng hindi ko alam diba?

Pano career niya? hahah!

Nag-pout siya sa camera at hindi ko maiwasang kamutin ang kamay ko dahil sa pangangating nararamdaman ko sa pagkurot ng pisngi ni Zach. "I love you more." Sagot niya sakin habang nakanguso.

Waaaah. Gusto ko siya hawakan at kurutin ng sobrang higpit.

Nag-lean ako sa laptop ko at halatang may pagtataka sa muka ni Zach. Pagtataka na may kasamang amazement. "Gusto kitang kagatin, Zach." Sabi ko sa kaniya at ngumiti siya ng nakakaloko.

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon