Chapter 46: Want to Want You

15 0 0
                                    

I was listening to Yiruma's Indigo while writing this and I got too emotional wahahahahahahaha anyways, here ya go guyth!!!

READ AND ENJOY 💕

--

"Alam mo, araw araw ka na atang sinusundo ni Trey ah."

Napabuntong hininga ako sa bulong sakin ni Nico habang papasakay ako sa back seat ng kotse niya at tinitignan ang figure ni Trey na papalapit samin. Nilingon ako ni Nina na nakaupo sa passenger's seat na halatang may gusto sabihin pero di ko alam kung bakit niya kailangang pigilan.

Siguro tungkol rin kay Trey yun. Naunahan lang siya ni singkit.

"Pansin mo rin pala? Akala ko puro si Nina nalang nasa paningin mo eh." Pasimple kong pang-aasar at kung noon, iirapan niya pa ako ngayon ngingiti siya sakin ng napakayabang sabay kindat kay Nina. Pfft! Oo push and pull parin sila hanggang ngayon.

"Binusted mo na ba kasi? Baka mamaya asado pa yan sayo." Pagbabalik ni Nico sakin at napa-snort ako. "He knows that I'm not looking for a relationship right now. Playmate pwede." Malandi kong sagot at nakita ko ang panginginig ni Nico sabay tingin ng may lungkot sakin. "Chienks, that's unhealthy. I've been there and knew the consequences so stop that." Pahapyaw-hapyaw niyang tingin kay Nina na malamang narinig sa iba ang nga shenanigans ni Nico noong wala pa siya sa buhay nito.

Hindi ako sumagot hanggang sa nakalapit samin si Trey at hinalikan ako sa magkabilang mga pisngi. "Hey, had a great day at school?" Pagbati niya sakin at napangiti ako. May mga pagkakataon na ganito siya ka-sweet pero may mga pagkakataon rin naman na parang hindi babae ang tingin niya sakin. Dahil ba to sa nangyari samin sa shower rooms?

"Hi, Trey. Kahit pagod sa practice, I had fun today." Sagot ko naman at lumingon siya kila Nico at Nina na para bang nag-aabang ng eksena sa teleserye. Hindi ko maiwasang di matawa sa muka nilang dalawa kasi si Zach lang naman mahilig gumawa ng eksena. Lol

Speaking of Zach...

*ring ring*

"Fiancé?" Tanong ni Nico sakin na may kasama pang angas at inirapan ko siya. "Ex-fiancé, Nic." Umiling iling siya sakin at alam kong naiisip niya rin na break man kami, kaming dalawa parin magkikita sa altar. Unless may miracle na mangyari at hahayaan kami ng families namin na pumili ng iba. Pero sa huling nangyaring ganun sa pamilya namin, hindi maganda ang ending.

"Kay Trey nalang ako sasabay." Sambit ko ulit at kinuha ko ang gym bag ko na hinawakan naman ni Trey agad. Ngumiti ako sa kaniya tsaka sinagot ang tawag ni Zach.

"Yes?"

"Chiena! You answered at last!"

Napairap nanaman ako sa pagkakataong to dahil siya nga tong na-delay ang pagtawag sakin matapos nung narinig kong kaguluhan sa line niya nung isang gabi. Dahan dahan akong naglalakad habang nakakapit ako sa braso ni Trey. "What's up?" Paboring kong tanong at narinig ko siyang bumuntong hininga. "Can you at least sound excited by just hearing my voice? I missed you." Malungkot niyang sabi pero dinig ko ang ngiti sa boses niya. Napabuntong hininga ako. "Zachary, anong kailangan mo?"

"Baby, please. Patawarin mo naman ako. I have reasons!" Napa-snort ako sa endearment niya at naramdaman ni Trey na nababadtrip ako lalo na't inakbayan niya ako na para bang kino-comfort ako. Pabalik-balik niyang hinaplos ang braso ko. "Reasons to leave me? Tulad ng ano? Dahil may Thea ka diyan ganon ba? Dahil kaya ko mag-isa at siya hindi? Dahil siya nauna mong girlfriend at hindi ako? Dahil ba kahit na anong mangyari tayo parin sa dulo, ganun ba?!"

Matagal siyang hindi sumagot at napatingala ako dahil naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Pinahid ko kaagad ito pero mas mabilis ang mata ni Trey. Nakita niyang bumabagsak ang luha ko at inabutan niya ako ng panyo. "Chiena, hindi sa ganun. Everything right now is so damn stressful at ayokong madamay ka sa mga nangyayari sakin ngayon dito. Alam nilang engaged ako pero ini-ignore nila ang fact na yon ayokong pati ikaw habulin nila sa mga issues ngayon. Please, I'm simply protecting you from all the sh*t."

Being the Rockstar's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon