Pinaka'DYOSANG Chapter

101 6 0
                                        

George's P.O.V.

     The moment na nagising ako ngayong umaga ay isa na namang blessing, may magandang nilalalang ang sa mundong ito ang nananatiling buhay.

     Dahil sa ako ang pinakamatagal kumilos dahil sa ako ang pinaka maganda, ako na lang mag-isa ang pumapasok sa school. Sinasadya ko talagang wag ng pumasok ng maaga, isang umaga kasi lumabas ako ng bahay naimbento na agad ang salitang Magandang Umaga. Date pagkapunta ko sa bayan naimbento ang salitang Crush ng Bayan. Ako ang DYOSA NG LAHAT NG POSITIVE NA ADJECTIVE. Minsan nga naisip ko ang selfish nung nasa itaas, nung gawin nya ang mga tao lahat ng kagandahan nilagay nya sa akin. Wala naman akong magagawa hindi ko naman pinili to, kung ako nga lang masusunod binahagian pa kita.

     Nakarating ako ng school at malapit na mag'bell, ibig sabihin marami ng tao at ibig sabihin nun maraming makakakita sa nabubuhay na Dyosang kagaya ko. Kawawa naman ang mga babae mai'insecure sila sa ganda ko pagnalapit sila. Ang hirap maging Dyosa ng kagandahan pakiramdam ko hindi ko kaya ang responsibilidad. Para akong anghel na binaba ng langit para kainggitan sa lupa.

Boy: Kainis ang malas ng araw na to! Kanina pang umaga walang nangyayaring maganda!

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang salitang MAGANDA, may tumawag ata sa akin. Agad kong nilapitan yung lalaki.

Me: Hoy!

Boy: Ano?

Me: Kung walang nangyayaring maganda sayo tumingin ka na lang sakin.

Boy: Huh?

Me: Atleast kahit walang nangyayaring maganda sayo may nakita ka namang MAGANDA.

Kinuha ko ang wallet ko at kinuha ang isang picture ko at binigay ko sa kanya. Umalis na din ako kasi 7:00 a.m. na eh 7:20 a.m. ang bell.

*At the room

Dumiretcho na ako sa upuan ko, kaasar bat kasi katabi ko tong anak ni tanda? Dat dun na lang ako sa kahit isa sa mga taga-kabilang branch ng SNU eh. Mga gwapo pa man din yun.

Cyrus: Ang aga-aga nakasimangot ka, panget mo na nga lalo ka pang pumapanget eh.

Me: Nakikita mo ba itong mukha na to? (Nakaturo ako sa pang'DYOSA kong mukha)

Cyrus: Ano naman? (Bored na bored nyang sagot)

Me: Tong mukha na to, crush na crush mo to.

Cyrus: Date yon di na ngayon, past tense na dapat sentence mo.

Me: Mamaya itatanong ko kay Gab, nandyan na si Ms. Dizon.

*Break Time

Dahil P.O.V. ko to,  bawal muna sina Rence, Chris, Vic, Charlie at Gab. Nabasa mo naman title di ba? Pinaka'DYOSANG Chapter ibig sabihin para lang sa akin to. Imbis na samahan ang mga SIXter ko sa table nasa bench ako sa ground at ipinapakita sa mundo ang maganda kong mukha. Well to be honest kaya lang naman ako nandito para makita ako nung mga taga-kabilang branch. Sasakalin ko talaga ang author kung mauunahan ako ni Vic magka'love life sa kwentong ito.

Me: Aray!!!

Ano ba yun bat may bumato ng empty bottle sa maganda kong ulo. Nilingon ko kung sino. Enebenemen yen si Teddy leng pele.

Me: Ekew be yeng bumetow? Eng shaket ah.

Teddy: Mukha ka na kasing basura umupo ka pa sa malapit sa basurahan.

ANONG SABI NG POKLAY NA TO??? AKO MUKHANG BASURA???

Me: Hoy mag'sorry ka!!!

Teddy: Wala naman akong ginawang masama kaya bat naman ako magso'sorry? Tsss...

Shet bigla syang nag'mukhang dark prince sa paningin ko nung sinabi nya yung "Tsss..." ang hot bhe <3

Teddy: Outch! Who is that???

May bumato din ng empty bottle sa ulo ni Teddy. Pagkalingon ko si Cyrus ang HALATANG-HALATANG BUMATO dahil nakangiting aso pa ang loko.

Teddy: You want to start a fight???

Cyrus: Binato ka lang nagagalit ka na, paano pa kaya yung babaeng binato mo kanina???

Sabi ko na nga ba patay na patay sa ganda ko hanggang ngayon itong Citrus Calamansi na to eh. Si Teddy ang aking Prince tas itong si Cyrus mukhang Pauper.

Me: Guys pwede ba okay lang ako, di nyo kaylangan mag-away. Alam ko naman na nakakabaliw ang gandang meron ako.

Cyrus: Mag-aaway kami dahil sa empty bottle hindi dahil sayo, GANDANG GANDA KA NA NAMAN SA SARILI MO.

Aray ah! Sakalin ko tong lalaki na to eh.

Teddy: This is non-sense. (Umalis na si Teddy)

Me: Bat ka umalis agad??? Gagawa pa dapat tayo ng nakakakilig sa chapter na to :( </3

Cyrus: Praning ka ng babae ka, nakakahiya mga pinag'gagagawa mo sa sarili mo.

Me: Cyrus lagi ka na lang sumusulpot sa lahat ng exposure ko sa kwentong to.

Cyrus: Ang nag-iinarte yung malaki ang boobs okay? Sa sobrang flat ng sayo para ng tabla na naghihintay ng kung sinong gustong maglaba.

Me: Kapal ng mukha mo average ang size ng boobs ko.

Cyrus: Average na pala yung sayo dumikit ka pa sa mga pinagpala.

Me: L*tse ka wag na wag mo akong kakausaping hayop ka!

Cyrus: Truth hurts, makaka'move on ka din.

Umalis na ako dahil nararamdaman kong mapapatay ko tong si Cyrus anytime now.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note:

Super tagal ng mga update ko noh? Pasensya na busy eh :)

Circle of 5 + 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon