Mission Impossible

169 9 1
                                    

Recess na at hanggang ngayon missing in action pa rin si Charlie.

Vic: May pinagsabihan ba sya kung saan sya nagpunta?

Gab: Basta nakita ko syang pumasok ng gate kanina kausap si Dylan...

Chris: That is so imposible, like he is her HATED EX kaya.

George: Well that explains bat wala pa din sya ngayon.

Rence: Huh???

George: Like duh?! Halata namang affected pa din sya. It means meron pa ding feelings. Tama ba Gab?

Gab: Pwedeng Oo pwedeng Hindi.

Rence: Eh anong gagawin natin?

Chris: Eh di help natin sya mag'move on. So easy lang ng answer.

Vic: Eh paano kung gusto nya pa pala si Dylan?

George: Haller! 1st pa tayo nun anong petsa na ngayon.

Rence: Kaw na din nagsabi, "meron pa ding feelings" (gayang gaya nya ang way ng pagsasalita ni George)

Vic: Eh paano kung gusto nya na palang mag'move on kahit may feelings pa din?

Gab: Hanggat di natin sya tatanungin the answer will always be NO.

Chris: What if she think we make pakeelam of her buhay?

Vic: Magkakaibigan naman na tayo di ba? Siguro di naman masama yung gagawin natin.

Rence: Hayy nako pabayaan na lang muna natin sya problema nya, kung ayaw nyang sabihin satin desisyon nya yon.

Chris: Agree!

George: Eh di ibang problema na lang ang problemahin natin.

Vic: Gaya ng ano?

George: Ang love life ni Rence! Oh my im so excited

Chris: That is OMG! Rence may bf ka na???

Gab: That is impossible.

George: Ang sama nyo naman! Wala man lang bang moral support para sa crush ni Rence?

Vic: Sino bang crush nya?

Rence: SECRET!!!!

George: Ay pa'bebe? Purkit di ka crush ng crush mo?

Gab: Naipaliwanag ng physics noon pa man bat ka crush ng crush mo.

Rence: Weh???

Gab: Di ba nga ayon sa Law of Interaction, for every action comes a opposite reaction.

Chris: I don't get it.

Gab: Sa lahat ng love na gagawin mo hindi love ang magiging reaction.

Rence: Ang kulit mo kasi George sinabi ng imposible maging kami ni Victor eh.

Vic: Si VICTOR???!!!!

Chris: That is "O" to the "M" to the "G". The fall ka sa playboy???!!!

Gab: Para lang kayong Parallel lines never magmi'meet.

George: Kesa naman kay Charlie na still finding the value of "X".

Chris: Why sya pa? Iiyak ka lang gurl.

Rence: Kala nyo ba gusto ko tong nararamdaman ko? Hindi noh.

Matagal na walang nagsalita sa kanila, natapos lang ang katahimikan ng magsalita na si Gab.

Gab: Well it may seems MISSION IMPOSSIBLE pero we can always find a way.

Vic: Paano naman???

Gab: Eh di baguhin si Rence into Ideal Girl.

George: Hahaha! Baka nakakalimutan mongAmazona to.

Gab: Why not? Kaylangan lang naman natin ng pagka'girly ni Chris, innocence ni Vic, fashion sense ni George, make believe ni Charlie at konting utak.

Vic: Hindi natin magagawa to.

Gab: Tama ka, kaylangan natin si Cyrus dahil iba pa rin ang feedback ng lalaki.

George: Bakit si Cyrus???

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin mawala sa isip ni George ang mga sinabi ni Cyrus kaya hanggat maari eh iniiwasan nya ito.

Vic: Mukha namang mabait si Cyrus at saka kasama naman natin si George kaya mauuto natin yun.

Gab: I know

Chris: So what are we gonna do na?

George: To the mall, para sa make over mula anit hanggang kalyo ng paa ni Rence.

Vic: So hindi na kayo nakaganito bukas?

Tinuturo nya ang suot suot nila.

George: Init na init na ako alam mo ba yun?

Chris: And you also hindi na din dapat magsuot ng ganto.

Vic: Paano yung mga bisugo?

Rence: Kami na ang bahala.

At the Mall

Vic: Ano una nating bibilhin?

George: Ang proper uniform!

Chris: Rajo Laurel make tahi tahi of my uniform. Dun na lang din sila gurl... Mura lang mga 25 000 isang pair.

Rence: Ganun???

Vic: Para lang sa uniform sa sikat na fashion designer pa???

Gab: Mayaman naman sya, pabayaan nyo na lang sa mga luho nya.

Kinausap na ni Chris si Mr. Laurel para maigawa na ng uniform yung dalawa. Pareho na din silang may 3 inch black shoe. Dumaan na sa salon, nagpakulot si Vic samantalang may pagkawavy lang ang buhok ni Rence. Nirentahan ang buong spa para lang matanggal ang mga libag at kalyo nung dalawa sa katawan. Nakikiliti ng sobra si Rence yan tuloy nasipa nya yung nagpo'foot spa sa kanya. Kawawa naman. Hindi problema ang pera dahil mga anak mayaman naman sila basta ang focus nilang lahat ngayon ay magawan ng happy ending ang love story ni Rence.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note:

Update lang ng update hanggat kaya kasi next week di muna ako paparamdaman.

Leave a comment the click Vote. That's all thank you :)

Circle of 5 + 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon