Dark Past

162 9 0
                                    

Charlie's P.O.V.

"Paano mo ba masasabing napamahal ka na?"

"Siguro kapag kaya mong magpakatanga kahit alam mong ginag*go ka na."

Nawalan na ako ng gana na pumasok pa, ewan ko ba kay Dylan sa dinami dami pa ng panahon ngayon pa uli kami magtatagpo. Ang sakit lang paanong ang isang katulad nya nakukuha pang maging masaya samantalang ako hanggang ngayon nagdudusa. Nagtataka ka siguro sa pinuputok ng butchi ko noh? Well Dylan is nothing but my EX.

Tignan mo nga naman ang tadhana, dinala ako ng mga paa ko ngayon dito sa botanic garden. Kung may pag-iisip lang at kayang magsalita ng mga halaman, dati pa lang dapat sinabi na nilang ang isang DYLAN OCAMPO ay isang CHEATER. Isa syang anghel na laging nakangiti sa harapan mo pero iba ang ginagawa sa likod mo. Siguro sya ang dahilan bat naging ganito ang ugali ko. Wag nyo akong sisisihin dahil sa kanya ko lang natutunan to.

Want to know more of my dark past? Well this is how it started...

First year high school pa lang ako alam na ng kahit sino na crush na crush ko isang lalaki na nag ngangalang Dylan Ocampo. Im too young to think I already fall inlove. Si Dylan naman on the other hand ngiti lang ang laging response pagtinutukso kaming dalawa. Magkaklase kami kaya sobrang pasasalamat ko na sa araw-araw mukha nya ang nakikita ko.

Sobrang saya ko pa noon sa mga simpleng bagay, yung tipong kinukulit ko mga kaibigan nya malaman ko lang kung ano ang middle name nya. Nung nalaman ko ang araw ng birthday nya ginagawa kong password sa kahit ano. Halos mamatay na ako sa saya nung mga bandang September eh tinanong nya ako kung pwede bang manligaw.

Mag-iinarte pa ba ako eh ako nga tong patay na patay. Sa sobrang patay na patay ako sa kanya wala ng ligaw ligaw na naganap. Mabilis pa sa kidlat ang mga pangyayari. Wala akong pake kung easy to get man ako para sa iba, basta ako masaya ako nuong araw ng September 16 2011. That day is very memorable. That moment I thought that was the best but turned out to be the worst decision I've ever made.

Alam ng lahat na kame, proud na proud ako kasi yung feeling na nakuha mo yung gustong gusto mo? Heaven di ba?

Buong akala ko stable kami, yung akala mo hanggang sa dulo ng walang hanggang kami pa rin? Nabulag ako sa konsepto ng pag-ibig. Akala ko kase ang mahalaga mahal ko sya, pero hindi pala dapat ganun.

February 14 2012 nun ng maisipan ko lagyan ng regalo ang locker nya para ma surprise ko sya tutal two days na lang monthsary na namin pero ako pa pala ang masu'surprise.

Nandun sya sa tapat ng locker nya may kahalikang iba... Dinala lang ako ng mga paa ko sa botanical garden at duon binuhos ko lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ako na talaga ang patunay na may TANGA, kahit na alam kong niloloko nya ako nagpanggap lang ako na parang walang nangyari. Ang paniniwala ko basta mahal mo ipaglalaban mo, ganun ang pag-ibig. Ginawa ko ang lahat para mapasaya sya pero sadyang hindi ako ang babaeng gusto nya. Sa mga nagdaan na mga araw-araw lalo lang sumasakit ang puso ko sa mga nalalaman ko. Matanggap ko pang lokohin nya ako para sa iisang babae, pero hindi! Madami syang babae sa buhay nya! Saan? Saan ba ako nagkulang? Hindi ko kasi alam kung ano ang dahilan. Mababaliw na ako alam mo ba yun? Minahal ko sya hanggang sa makakaya ko pero bakit parang di pa rin sapat? Nakakaawa kung kung sino man ang namamahala dito sa botanical garden dahil sa tuwing iiyak ako yung mga damo ang napagdidiskitahan ko tuwing hihilahin ko sila sagad hanggang ugat mukha tuloy binungkal ang lupa.

April 22 2012 ng sinabi kong gusto kong mag-usap kami. Plano kong sabihin sa kanya na ayoko na kapag di sya pumayag ibig sabihin lang nun mahal nya ako. Ganun naman talaga sa pag-ibig babagyuhin kayo ng problema.

Nasa park kami nagkita para tahimik tutal hapon na din at walang mga bata na naglalaro. Kampante ko pang sinabi sa kanya na "Ayoko na" dahil alam kong mahal nya ako. Yun na lang kasi ang bagay na pinanghahawakan ko. Pero naiyak na lang ako sa mga sumunod na pangyayari. Niyakap na ako ng napakahigpit halos di na nga ako makahinga tapos bigla nya na lang sasabihin ang salitang "Salamat"

Salamat?! Isa salita na nakagawa ng milyon-milyon na tanong sa utak ko. Salamat para saan??? Gusto pa sanang magsalita kaso bumitaw na sya sa yakap ay nag-umpisa ng maglakad palayo. Bakit pinanuod ko lang sya na iwan ako? Bakit wala man lang salita na lumabas sa mga bibig ko?

Buong gabi wala akong ibang ginawa bukod sa umiyak kahit na hindi ko na alam ano bang iniiyakan ko. Ganun pala pag first love para kang dinala sa langit pero para ka namang bumagsak sa impyerno kapag naranasan mo na ang first heart break mo.

Bakasyon pero mabilis kumalat ang balita, alam na agad ng lahat. Trending na agad ako at puro pangalan ko ang makikita mong pinag-uusapan sa fb. Alam mo kung anong masakit? Alam na pala ng lahat na niloloko nya na ako noon pa lang pero bakit kay Dylan pa na aawa ang mga tao? Kung sabagay paanong hindi sya kakaawaan kung ang kwentong binuo nya ay "naipit lang ako sa sitwasyon". Gustong-gusto kong isigaw na Walang pumilit sayo g*go! Pero walang nasa tabi ko para alamin ang side ko. Ganun? Naipit lang sya sa sitwasyon kung saan ang anak ng Senador ng Pilipinas at Gov ng bayan ay patay na patay sa kanya at wala syang ibang magawa kundi ang sabayan na lang ang agos. Well f*ck you!

Since that day, natutunan kong kung ano ang sinasabi ng nakakarami ay ang totoo. Magaling magpauto ng mamamayan ang mga magulang ko, wala namang masama kung gagamitin ko sa mga tao sa paligid ko at ipakitang mabait ako. Simula na araw na yon naging ganito na ang Charlie na kilala nyo.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note:

Any comments sa Dark Past ni Charlie? :) Leave a comment then click Vote :D Thank You :*

Circle of 5 + 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon