Beauty and Brains

104 6 0
                                        

Gab's P.O.V.

Five minutes and fourty eight seconds after ng last subject ko ay nakarating na ako sa parking lot sa bilis na three meters per minute. Para na rin akong nag'cardiac exercise since bumilis ang tibok ng puso ko dun sa ginawa ko. Nararamdaman kong wala kang idea sa sinasabi ko, sanay na akong mahirap sabayan ang talino ko eh. Im sorry for being matalino at maganda, over qualified ako if ever sumali ako ng Binibining Pilipinas kasi ako ang buhay ng imahe ng totoong beauty and brains.

To make things short, nasa parking lot ako ngayon para hintayin si Alex ang tagal nya, ilang SEGUNDO na akong naghihintay dito. Di nya ba alam na maraming pwedeng mangyari sa bawat segundo? Ayoko ng i'enumerate baka pati ikaw kunin akong tutor.

Alex: Oh nandyan ka na pala, sumakay ka na sa kotse.

Abay diridiretcho sya sa drivers seat...

Alex: Bat nakatayo ka pa dyan? (Habang inistart ang makina ng sasakyan)

Gab: Di mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto?

Alex: Di ka ba marunong magbukas ng pinto ng kotse?

Gab: Like duh?! Walang bagay ang hindi ko alam.

Alex: Marunong ka naman pala eh, pumasok ka na.

Gab: Pagbuksan mo ko ng pinto.

Alex: Nasa loob na ako papapasukin mo pa ako?

Gab: Oo

Alex: Bat ba ang big deal sayo ng pinto? Wala ba kayong pinto sa bahay nyo?

Gab: Buksan mo na lang kasi ang dami mong arte!

Alex: Ikaw kaya yung papasok na lang ang dami pang arte!

Gab: FINE!

Pinagbuksan ko ng pinto ang sarili ko at padabog tong sinara.

Alex: Ang corny mo.

Gab: Last time I check ikaw ang may kaylangan sa akin.

Biglang lumabas ng kotse si Alex. Hala anong problema nya? Umikot sya at binuksan ang pinto.

Alex: Labas.

Gab: Bakit naman ako lalabas?

Alex: Labas.

Nakakatakot sya, lumabas na ako baka kaladkarin pa ako eh. Pagkalabas ko sinara nya yung pinto, tapos binuksan nya ule.

Alex: Pumasok ka na.

Gab: Huh???

Alex: Di ba gusto mong pagbuksan ka ng pinto? Ayan na. Pumasok ka na.

Gab: (Binatukan si Alex)

Alex: Masakit! Para saan naman yun?

Gab: Sira ulo ka kasi.

Alex: Ang dami mo kasing arte.

Saglit lang byahe papunta sa bahay ni Alex. Kahit pa malapit ang bahay ng parents ko, ayoko silang puntahan dahil alam kong maprapraning lang sila. Infairness ang laki ng bahay ng pamilya ni Alex.

Alexa: Daddy!!!!

Out of nowhere bigla na lang tumatakbo palapit si Alexa kay Alex na nakanguso, gusto nya ata ng kiss. Nung buhatin na sya ni Alex saka nya na ako napansin.

Alexa: Mommy :)

Nakaspread ang dalawang kamay nya, gustong magpabuhat. Aawwww sobrang cute talaga ng batang to.

Me: Hi, naaalala mo pa pala ako.

Alexa: Opo syempre opo.

Tinignan ko si Alex.

Circle of 5 + 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon