Nakapasok na silang anim sa loob ng room ng biglang ipatawag si Gab sa Admin's Office.
*Sa Office ni Tanda
Gab: Good morning sir.
Tanda: Good Morning, alam mo ba bat ka nandito?
Gab: Depende kung sasabihin mo.
Bored na pagkakasabi ni Gab.
Tanda: Hayy nako kabataan nga naman, ang laki na ng pinagbago ng ugali mo.
Gab: Change is the only permanent thing here on earth.
Tanda: Bago pa tayo mapunta sa scientific na pagpapaliwanag mo, gusto ko lang sabihin sayo na sa darating na School's Tournament tayo ang in charge this year. Bahala na ang student council mag'manage.
Gab: Copy sir, anything else?
Tanda: Thank you
Gab: No problem, I think I should go now.
Tanda: No, Thank you.
Gab: You're acting weird.
Tanda: Thank you for what you did to my daughter and for keeping this a secret.
Gab: I did it on purpose, panget ang magiging takbo ng pangyayari kung magiging spoiler ako. I can't promise you to keep that secret a secret.
At umalis na ng Admin's Office si Gab at dumiretcho sa room, pinamalita nya na din sa mga Student Council members na may emergency meeting mamayang break.
*At room
Busy yung lima sa kanya kanya nilang buhay kaya naman kahit labag sa loob ni Gab eh pumunta na sya sa upuan nya katabi yung walang modong transferee na nagngangalang Alexander Franco. Ang aga-aga badtrip na agad sya kasi naman yung bag nung ganster na yun nakalagay sa upuan nya.
Gab's P.O.V.
Aba at ang kapal ng mukha ng low class mammal na to para matulog.
Gab: (inaalog yung ulo ni Alex) Hoy lalaking low I.Q. gumising ka nga dyan.
Mukha namang effective ang pag-alog ko sa walang utak na ulo ng lalaking to kasimukha namang gising na sya.
Alex: Ano ba yun! Ang aga-aga naman kasi nangbubulabog ka! Wala ka bang ibang pagkakaabalahan.
Gab: Yun bag mo kasi nasa upuan ko.
Alex: Eh ano naman ngayon? eh di itapon mo! Utak naman!
Utak naman! Utak naman! Utak naman! Utak naman! Utak naman! Utak naman!
Nagpaulit-ulit lang sa utak ni Gab yung sinabi ni Alex.
Gab: Aba ang kapal din naman pala ng mukha mo! Ako pa walang utak? Ipinapaalam ko lang sayo yung bag mo dahil kapag ako ang natapon nyan sa labas baka akusahan mo pa akong magnanakaw. May pinapahalagahan akong pangalan sa school na to, wag mo ko igaya sa katulad mong patapon!
Nakatingin lang ng seryoso si Alex sa akin. Kinabahan naman ako bigla, did I cross the line? Kinuha ni Alex yung bag nya ay biglang tumayo, akala ko magka'cutting sya papunta sa dun sa bintana at bigla nyang tinapon yung bag nya dun.
Gab: Bakit mo ginawa yun?!
Okay nakakahakot na kami ng atensyon ng mga estudyante.
Alex: Nung nandyan yung bag pinoproblema mo, ngayong wala na pinoproblema mo pa din. Anong klaseng utak ba ang meron ka?
BINABASA MO ANG
Circle of 5 + 1
AcakAnong klaseng babae ka? Everybody keeps on saying that NOBODY'S PERFECT. But why do all stories has this picture perfect girl who always find her happy ending? What about those girls whose simply who they are? This is the story how "THE ONE OF THE B...