Wait, let me take a selfie

142 9 1
                                    

Vic's P.O.V.

Sunday morning mga 5:30 a.m. ng maisipan kong mag'jog muna kasi naman puro fit yung biniling damit ni George eh hindi naman pang bench body ang katawan ko. Ang pinaka masaklap pa sa lahat, harap-harapan nyang pinakita na tinapon sa trash can mga old clothes ko sabay sunog! Grabe bat ba ang lupit ng babaeng yon??? Hayy buti na lang maganda. Malayo-layo na din natatakbo ko nung mapansin ko yung lalaki na parang may hinahanap.

Me: Excuse me, need help?

Magalang na sabi ko sa kanya.

Guy: Kung kaylangan ko ng tulong eh di sana humingi na ako kanina pa.

Aba at ang kapal din pala ng mukha ng lalaking to, ako na nagpapakabait ako pa masama!

Me: Ikaw na nga tinutulugan ang arte mo pa kala mo naman chixx ka!

Ang gwapo na sana ni kuya eh ang sungit lang. Buset sira ang umaga ko sa kanya, imbis na mag'jog pa ako bumalik na lang ako pauwi para matulog ule. Buset talaga.

          Mga 8:00 a.m. na ng gising ako ni Mama may pupuntahan daw kame so I made my way to the c.r. di ko na planong mag-almusal. Kung date wala pang 30 mins tapos na ako sa paliligo ngayon inaabot na ako ng forever sa paliligo. Pano ba naman kasi kung anu-anong sabon ang pinapagamit sakin nila George, may body soap, facial soap, whitening soap, feminine soap halos lahat na ata ng nagtatapos sa soap. Date nga shampoo lang solve na ngayon may conditioner at treatment pa! Akalain mong kinaya ng utak ko kung paano ang pagkakasunod-sunod ng paglagay nun sa katawan ko. Pinakamasaklap sa lahat ang WAX! Bukod sa mainit na, masakit pa! Naaalala ko tuloy yung unang wax ko, parang torture. Mga 10:00 a.m. na ng matapos ako sa mga orasyon na turo ni George sakin, 2 hrs ng paliligo.

          Pagkababa ko umalis na agad kami ni Mama, may imi'meet daw syang business partner. Well, it's all about friends friends with everyone, Charlie ang magaling dito dat sya na lang sinama ni Mama. Nandito na siguro kami, pumasok kami sa isang hotel at may sumalubong sa amin at hinatid kami sa isang office may nakita akong mag-asawa at si.... Si FEELING CHIXX!!! Anak sya ng business partner ni mama? Patay malisya lang ako dahil busy sa cellphone yung feelingero na yun.

Mama: Hi Mr. and Mrs. Shin, this is my daughter Vic.

          I smile sweety sa mag-asawa at umupo na kami ni mama.

Mama: About dun sa pagkakaroon ng restaurant ng hotel nyo, kelan uumpisahan ang renovation?

Mr. Shin: Next week maybe. Let's not talk about business, I have here my son Troy.

          Pagkaharap nya sa amin nanlaki ang mata nya ng makita nya ang mukha ko.

Troy: Ikaw???

Mama: Magkakilala kayo Vic?

Me: Hindi ah.

          Di ko naman talaga sya kilala bat ko sasabihin na magkakilala kami di ba?

Mr. Shin: My son study in St. Nicolas University too pero 1st yr college na sya, Business Add.

Mrs. Shin: Hayy nako nakahinga kami ng maluwag ng makagraduate ng high school yan.

Me: Halata naman pong sakit sya sa ulo.

          Tinignan ako ng masama ni Troy.

Mrs. Shin: I like your daughter already :)

Mr. Shin: Kala ko lahat ng babae mabibilog ng anak ko, Haha.

Mama: No doubt naman na magandang lalaki ang anak nyo Mr. Shin.

          Kung bored ako sa utuan ng matatanda, aba mas bored na tong kasama ko. Kulang na lang matulog sya ng harap harapan eh. Nasa gitna ng pag-uusap ang matatanda ng may biglang tumawag sa cp ni Mr. Shin

Mr. Shin: Yes.... Okay.

Mrs. Shin: What is it?

Mr. Shin: Nandyan yung interior designer gusto tayo ma'meet.

         Oh no! Wag nyo ko iwan kasama ng feelingero na to! Pagkatingin ko kay Troy nakangiti sya ng nakakaloko sa akin. Umalis na ng kwarto si Mr. and Mrs. Shin kasama si Mama.

Troy: So you're name is Vic.

Me: So?

Troy: Come on, Im trying to have a conversation.

          Nakangiti pa rin ng nakakaloko sa akin ang bwiset na to. Ano bang problema nya?

Me: Wag mo nga akong nginitian!

Troy: I just find you funny, ang ganda ng way ng pagpapapansin mo sa akin. Gumising ka pa ng sobrang aga makausap lang ako.

          Aba! Ang hangin, natatangay ako! Nasobrahan na ang lalaking to.

Me: Kapal naman ng mukha mo! Bat naman ako magpapapansin sayo eh hindi nga kita kilala. Kapal ng mukha mo, baka akala mo ang gwapo mo.

Troy: Haha calm down baby, wag kang maggalit-galitan para itago ang pagba'blush. Kung gusto mo ako, Im okay with it sanay na din naman ako.

          Aba talagang ang kapal ng mukha ng lalaking to! Isang-isa na lanh mababalian ko na ng buto to.

Me: Grabe! Ang hangin tinatangay ako! If I know ikaw ata tong patay na patay sa akin!

Troy: Dream on, hindi ang kagaya mo ang trip ko. Wag ka ng sumigaw, di ka naman dapat kabahan.

          Narinig mo yung sinabi ng lalaking to?!! Awatin nyo ko, sasaktan ko na talaga to.

Me: Hoy! Hindi ang gaya mo ang trip ko!

Troy: Im every girls type.

Me: Wow!

          Yun na lang nasabi ko dahil out of words na ako sa kayabangan ng lalaking to. Akmang ibabato ko sa kanya yung pen holder ng

Troy: Wait, let me take a selfie.

          Di ko alam ano nangyari within that second basta ang alam ko nanggagalaiti ang mukha ko dun sa picture! Bwiset! Lalo lang akong iniinis ng lalaking to.

Me:  Hoy burahin mo yun!

Troy: Bat naman kita susundin???

          Binato ko na talaga sya ng pencil holder pero nakaiwas naman sya. Kahit naka heels at floral dress ako hinabol ko sya para lang saktan, lam mo yung feeling na nasa mood kang makapanakit ng tao? Ganun na ako ngayon eh. Habang ako sasabog na ang mukha sa sobrang inis, itong lalaki naman na to, abay tawa pa ng tawa. Sabi ko na nga ba at baliw ang lalaking to eh. Kakatawa nya napatid sya sa kung saan dahilan para madapa sya. Karma. Di na ako nag-aksaya ng oras at nahablot ko sya sa buhok sabay sabunot. Di naman malakas yung sabunot ko, saktong gigil lang.

Troy: Get off me you monster!

Me: Monster mo your face!

Mama: Aba mukhang nagkakamabutihan na pala kayo ah.

          Pagkalingon ko, nakita ko yung tatlong matanda na ang laki ng ngiti sa amin ni Troy. Pagkalingon ko kay Troy halatang nahiya din sya sa naabutang sitwasyon namin ng mga magulang nya.

Troy: This is embarassing.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Author's Note:

          Gumawa ako ng bagong cover ng Circle of 5 + 1 yan lang kaya ng editing powers ko Haha :)

           Btw, please try to read my other short stories. Thanks alot :)

Circle of 5 + 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon