The Who si Water Boy?

105 7 0
                                    

Cyrus's P.O.V.

Naglalakad na ako papuntang parking lot na lutang ang utak. Minsan talaga ang sarap batukan nitong tatay ko eh. Nananahimik ang buhay ko tas ipapakilala nya na akong anak nya. Nakakainis bat kaninang umaga dinadaanan lang nila ako tapos ngayon kulang na lang maglumpasay sa harap ko tong mga babae na to.

"Hoy panget!"

Kahit nakatalikod ako, alam ko kung kaninong voice box galing ang tunog wang wang na yun.

Me: Ano na naman bang problema mo ha?

George: Anak ka pala ni tanda, ang swerte mo di mo sya naging kamukha.

Kahit walang lumalabas na maganda sa bibig ng babaeng to ewan ko ba bat nagustuhan ko to.

Me: Nagtanong ka ba?

George: Ikaw ang sama na ng ugali mo.

Me: Ikaw matagal ng masama ugali mo.

"Cyrus! Male'late na tayo sa shoot."

Oh sh*t muntik ko ng makalimutan. Tumakbo na ako papasok ng van. Btw, sya nga pala si Pat or Patricia anak ng ka'business ni Papa at may shoot kami ngayon sa isang business magazine. Don't get me wrong, di ko planong maging sikat kaya ayokong ginagamit apelyidong De Guzman.

George's P.O.V.

Sira ulo din itong Citrus na to eh, kinakausap ko biglang umalis??? Bwisit! Parang date lang todo pa'cute pa yun sa akin tas ngayon di na ako pinapansin. Ang malala pa nyan kung makapagsungit kala mo sya ang may menstration sa aming dalawa.

"Kase na'sayo na binalewala mo pa"

Me: Ano ba naman yan Gab! Bigla ka na lang sumusulpot.

Gab: Uwian na kaya, magulat ka kung papasok pa lang ako.

Me: Pano mo nga pala na basa ang iniisip ko?

Gab: Hindi ako Madam Auring noh! Naabutan ko lang talaga yung usapan nyo ni Citrus.

George: Ang malisyoso mo.

Gab: Parang date lang dinadaan daanan mo lang yan si Citrus ngayon ikaw pa naghahabol.

George: Hoy! Hindi ako aso para maghabol. Like duh! Lalaki lang yan.

Gab: Alam mo nakakairita kayong dalawa ni Citrus, pareho nyo namang gusto ang isa't-isa.

George: Hoy! Hindi ko sya gusto no!

Gab: Sure?

George: Oo

Gab: Sure na sure?

George: Kainis ka! Oo na gusto ko sya pero konti lang.

Gab: Sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo.

George: Bat ako eh sya yung lalaki.

Gab: Date nya pa kaya sinabi sayo nararamdaman nya initchapwera mo lang.

George: Kahit na, labag sa batas ni Maria Clara yung pinapagawa mo.

Gab: Kinakabahan ka lang na baka hindi ka na nya gusto eh.

George: Bat ikaw ang kausap ko gantong bagay?

Gab: Sino gusto mong kausap si Chris?

George: Eeewww no way, that would be nakakairita.

Gab and George: Hahahahahahahahaha!

Gab: Tara na nga umuwi na tayo.

Rence's P.O.V.

Papasok pa ba ako ng gym? Wag na lang kaya? Paano kung nandyan si Victor? Malamang nandyan sya sa loob, captain kaya sya ng basketball team! Hayy bahala na!

"Splash!!!"

Ang tanga! Ang tanga talaga! Nakakainis basang basa tuloy ako!

Me: Ano bang problema mo apat mata?

Walang pakinabang salamin ng water boy na to! Hindi man lang ako nakita.

Water boy: So-sorry na Rence.

Me: Puro buhok kasi yang mukha mo eh, kaya hindi mo makita yang dinadaanan mo.

Water boy: Sorry

Me: Hayy kainis ka!

Victor: Oh anong problema dito?

Umalis na ako bago pa ako demonyohin at maputol ko ang kinabukasan nitong si Victor. Kairita.

*After Practice

Naiwan na akong mag-isa sa locker room ayoko kasing may kasabay sa shower.

Paalis na sana ako kaso may naririnig akong tunog ng bola.

Me: Gabi na ah.

Sinilip ko kung sino yung naglalaro. Wow! Ang galing nya maglaro. Bat di ko kilala ang lalaking to? Sa sobrang galing nya napapalakpak na ako eh.

"Ka-kanina ka pa ba dyan?"

Me: Kakarating ko lang, grabe imba ka. Ang galing mo!

Guy: Hu-ah hindi naman masyado. Sige alis na ako.

Me: Teka lang!

Hinabol ko sya, nung maabutan ko. Bat kamukha nya si Rukawa ng Slamdunk? Ang pogi nya.

Guy: A-ano aalis na ako, sorry sa pagtapon ko ng tubig sayo kanina.

Pagtapon ng tubig sakin kanina??? WATER BOY???!!! Paglingon ko ang layo na ng tinakbo nya. Ang gwapo pa naman sana tinatakpan nya lang ng buhok ang mukha nya. At ang mas nakakapagtaka, bat water boy lang sya kung magaling naman pala sya maglaro? AT ANO ANG PANGALAN NYA???!!!

Circle of 5 + 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon