Rence's P.O.V.
Nandito ako ngayon sa basketball court habang training ng boys basketball team, nagbabakasakaling nandito si Water Boy. Etong hayop na malanding linta na si Victor akala nya sya ang pinunta ko dito. Makakindat kala nya naman bagay, mukha lang naman syang kirat. Hilahin ko pa eye balls nya eh.
Coach: Okay 15 minutes break.
Iniikot ko ang paningin ko kung saang lupalop nagtatago ang hinayupak na crush ko.
Victor: Hi Rence, bat mo nga pala ako pinapanuod sa training?
Letse ka Victor wag ka ngang ngumingiti sa akin baka di kita matancha.
Rence: Lumayas ka nga sa paningin ko.
Victor: Pano ko magagawa yun kung alam kong ako ang laman ng puso mo?
Rence: Sigurado ka ikaw laman ng puso ko?
Victor: Oo
Rence: Pasalamat ka wala si Gab di ko alam kung anong ibabara ko sa sinabi mo, basta ang alam ko ang landi mo.
Victor: Kelan ako naging malandi? Wala akong ginagawang masama, babae ang kusang lumalapit sa akin. Ano ba ang nakita mo? I can explain.
Rence: Talaga lang ah, paano mo ipapaliwanag yung nakita ko sa Prime at may kasayaw kang babae na kulang na lang maglampungan na kayo dun ha? Linawan mo ang paliwanag mo kung ayaw mong magdilim ang paningin ko sayo.
Victor: Anong araw ba yun?
Aba'y hayop! Mukhang gabi-gabi pa pala sa Prime ang hinayupak na to. Magagalit pa sana ako kaso nakita kong papasok ng court si Water Boy.
Victor: Oh saan ka pupunta?
Rence: Tatae sama ka?
Hindi ko na nilingon si Victor basta pupuntahan ko si Coach kasi kausap nya si Water Boy.
Coach: Bat ba ngayon ka na lang uli pumasok? Gusto mo bang alisin kita sa team?
Rence: Kasali sya sa team???
Nakaturo ako kay Water Boy at takang taka.
Coach: Ano bang kaylang mo Rence?
Rence: Wala naman coach, papaalis na sana. (Kahit hindi naman)
Coach: Umamin ka na anong kaylangan mo?
Rence: Sa totoo nyan hindi ko din alam.
Nangiti naman si Water Boy sa sinabi ko.
Rence: Tawa ka? (Tanong ko kay Water Boy in a siga tone)
Water Boy: Hindi ako tumatawa, ang tawa may tunog.
Rence: Eh bat mo ko tinawanan ng walang tunog?
Coach: Seriously Rence? Bat ka ba nandito? (Galit na si Coach)
Bigla namang nag'ring ang phone nya at tinignan ito.
Coach: Babalikan kita Sebastian.
Lumayo na si Coach para sagutin ang tawag.
Rence: Yung Sebastian ba pangalan or apelyido mo?
Water Boy: Bat mo ba inaalam?
Rence: Ilang taon ka na ba?
Water Boy: Nasa tamang edad na ako.
Rence: Anong year ka na?
Water Boy: Ang dami mo namang tanong, quiz bee ba to?
Rence: Eh kung sinasagot mo ng maayos yung tanong ko di ba?
Water Boy: Dun ka nga, close ba tayo?
Rence: Oo in the future.
Nag-umpisa ng maglakad si Water Boy.
Water Boy: Wag mo nga ako sundan.
Rence: Ano nga ba kasi buong pangalan mo?
Water Boy: Miguel Sebastian, ano masaya ka na?
Rence: Hindi pa.
Miguel: Lalayuan mo na ba ako?
Rence: Bat ka water boy kung kasali ka naman pala sa team? Saka bat wala ka ng salamin? Ano ba talaga?
Miguel: Ang dami mong tanong, di nasabayan ng utak ko.
Rence: Nasa first line ka ba?
Miguel: Hindi
Rence: Bat naman, ang galing mo kaya.
Miguel: Si Victor tanungin mo wag ako.
Rence: Ano namang connect ni Victor?
Miguel: Sinabi nya kay Coach na wag.
Rence: Bakla ka ba? Wala ka man lang ginawa?
Miguel: Ilang beses na akong na'drop baka pagpinatulan ko yun masipa naman ako paalis ng high school.
Rence: Ahhh kaya pala pa nerdy effect ka pa date. Di mo din kinaya noh?
Miguel: Ang init kaya kapag mahaba ang buhok.
Rence: Buti alam mo, mukha kang bangs na tinubuan ng mukha.
Miguel: Mga babae talaga mapanglait.
Rence: Hindi naman ako ganun.
Miguel: Bakit babae ka ba?
Rence: Hayop ka! (sabay batok ko sa kanya)
Miguel: Haha kalma lang binibiro lang kita.
Victor: Di mo sinasabi magkailala pala kayo.
Rence: Ako ba kausap mo si Miguel?
Miguel: Wag mo nga akong tawaging Miguel.
Rence: Eh ano pala Basty?
Miguel: Saan mo naman naisip yan?
Rence: Basty as in Bastian.
Victor: Ano ba pansinin nyo nga ako!
Rence: Wala ka naman kasing importanteng sasabihin kaya sayang effort lang.
Miguel: Alam mo parang gusto ko yung Basty.
At nagdadaldalan lang kami ni Miguel habang palabas ng court at di man lang pinansin si Victor.
Rence: Haha ang astig ng ginawa natin kay Victor.
Miguel: Kawawa naman yung bata.
Rence: Makabata ka naman, ilang taon ka na ba?
Miguel: 18
Rence: Pwede ka na palang ipakulong.
Miguel: Oo, sama ka?
Rence: Ayoko kung gurang na kagaya mo lang din naman makakasama ko.
Miguel: Makagurang ka sa akin kala mo napakalaki ng agwat ng edad natin ah.
Rence: Ano nga pala number mo?
Inabot ko yung cellphone ko
Miguel: Wag mo namang ipahalatang crush mo ko.
Rence: Bakit big deal ba sayo?
Miguel: Crush mo ko?!
Rence: Nakakagulat ba yun?
Miguel: Seryoso ka crush mo ko?
Rence: Oo nga.
Miguel: Eh bat parang hindi naman.
Rence: Ano bang gusto mo?
Miguel: Di ka man lang ba mahihiya?
Rence: Bat naman ako mahihiya sayo?
Miguel: Ang weird mo ah, pero I like it.
Kinuha nya yung phone ko at nilagay nya ang number nya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note:
After a long time nakapag update na din. Ganun talaga busy sa thesis eh :) Please vote and comment. Thank you.

BINABASA MO ANG
Circle of 5 + 1
RandomAnong klaseng babae ka? Everybody keeps on saying that NOBODY'S PERFECT. But why do all stories has this picture perfect girl who always find her happy ending? What about those girls whose simply who they are? This is the story how "THE ONE OF THE B...