George P.O.V.
After ko magkalat sa kusina aakyat na sana ako ng kwarto para matulog ule kaso naisip ko na baka akyatin naman ako ni Mommy sa kwarto at i'recite ang mga pagkakamali kong nagawa bilang tao. Aba masakit din sa tenga pakinggan talumpati nya lalo na kung paulit-ulit lang. Kaya tatakas na ako sa pamamahay na to, babalik na lang ako pagnakauwi na si Daddy.
Bago umalis ng bahay nagbukas muna ako ng fb para lang makita saan magandang mangdemonyo ng kahit sinong taga St. Nicolas at di na ako pinahirapan ng pagkakataon. Nakita ko yung post ni Anna na may date pala sya ngayon, otw na daw. Evil idea comes to my head, see you later Anna. I will ruin your day.
I try to find the place sa post ni Anna, ang cheap naman sa park lang sila. Hayy nako makapag'post pa sa fb kala mo naman kainggit inggit yung gagawin nya. Pag yang lalaki panget pagtatawanan ko sya lalo.
Habang hinihintay ko ang naghihintay na Anna para sa lalaki na wala atang planong dumating, eh lalo akong naiirita sa mga tao dito sa paligid ko. Lahat sila masaya, ang mas nakakainis bat lahat sila may mga kasamang jowa. Ako nga itong maganda walang love life tas sila kung maglandian sa harap ko kala mo may forever! Pagbalatin ko kayong lahat ng patatas eh! Sira na sana araw ko ng may matanaw akong gwapong nilalang sa di kalayuan.
Me: Yummy...
Ako lang ba o papalapit sya? Alam kong maganda ako, pero wag namang masyadong mabilis. Pagkatingin ko sa kanya nakita ko syang napangiti, Oh my! Killer smile! Nasa moment na ako na todo pagpapa'cute kasi ang lapit nya na sakin. Tatayo na sana ako para kausapin ng biglang lagpasan ako! Aba bastusan! Hindi natanggap ng ego ko yun ah! Sinundan ko ng tingin yung panget na bading na yun tapos bigla nyang yinakap si Anna! WOW! Di ako makakapayag dun! Yan?! Eh ang panget kaya ni Anna! Di na nga maganda di pa sexy, ano namang nagustuhan ng Johnny Bravo na yan kay Anna????
Sa sobrang inis ko, patago pa din akong sumusunod kina Anna at si guy na tawagin na lang natin sa pangalang Johnny Bravo. Aba HHWW pa ang drama ng dalawa eh baka nga pasmado pa yan si Anna eh Eeeewwww.
Papunta silang dalawa sa rentahan ng bike. Feeling endless love??? Ang corny naman ng dalawang to. After nila magrent ng isang bike which is cheap for me. Di ba afford ng lalaki ang mag'rent ng dalawang bike? Kung alam ko lang binilhan ko pa sila. Paikot lang naman ang kalsada dito sa park kaya tinakbo ko ang kabilang lane dahil for sure maya maya lang eh dadaan na sila dun. Ang sama ba ng gagawin ko kung plano kong masemplang yung dalawa? Hindi naman di ba? Kaya naman yung mga average size na bato ni linya ko na sa daan. Busy naman silang dalawa sa pag-uusap habang tinatakot ni Johnny Bravo si Anna kasi ang bilis nya magpatakbo tas igegewang gewang nya ang manibela. Okay lang yan, mas madidisgrasya kayo nyan. Tama nga ang hula ko, na semplang na nga yung dalawa! Gusto ko sanang tumawa ng malakas kaso pagtingin ko sa paligid, ay ako lang ang tao? Biglang tago agad ako dahil baka makita pa ako nung dalawa mahirap na.
Pagkatago ko sa mga halaman sinilip ko yung dalawa. Aba feeling bagong kasal naman sila ngayon, buhat-buhat ni Johnny Bravo si Anna. Itong Anna naman pa'smile smile pa, saglit lang yang sparks nyo buset ka.
Linapag ni Johnny Bravo si Anna sa pinaka malapit na bench at umalis din, saglit lang yun at bumalik na sya na may dalang plastic. Lumuhod si Johnny Bravo sa harap ni Anna, sus gagamutin lang pala yung sugat ang dami namang landi ng baklang to.
Hayy nako sayang naman ang beauty ko kung magtatago lang ako dito. Hinubad ko ang cardigan na suot ko kaya naman kitang kita ang abstract crop top at high wasted short ko. Like duh? Kahit magsuot ako ng basahan magmumukha pa din akong maganda, sadyang susubukan ko lang kung may talab ang beauty ko kay Johnny Bravo.
Umikot ako at sinigurado kong nasa likod ako ni Anna. Tumayo ako, chin up, stomach in and butt out. Ganto na ba ako kaganda? Nakatayo pa lang ako pero napansin na agad ako ni Johnny Bravo. TAKE NOTE: Na'star struck sa beauty ko! Ngumiti ako ng seductive sa kanya. Aba halos maglaway na! Napahinto sya sa ginagawa nya kaya napansin ni Anna at tinignan kung ano bang pinagkakaabalahan ni Johnny Bravo. Pagkalingon nya... It's me! The one and only Dyosa ng every positive na adjective.
Anna: Anong ginagawa mo dito?
Me: Naghahanap ng pwedeng maging bf.
Anna: That's funny.
Me: Mukha mo kaya ang funny.
Anna: What???
Me: Ano paulit-ulit???
Johnny Bravo: Girls calm down.
Nakatingin sa akin si Johnny Bravo at nginitian ko lang sya.
Me: I know a way how you can calm me down.
I say that sa pinaka sexy accent ko. Naglakad ako papalapit sa kanya, at nung malapit na ako ngiting aso naman itong loko.
Johnny: I think I know what your thinking.
Anna: What???!!!
Me: You can calm me down by...
Johnny: by? :)
Agad kong hinalikan si Johnny sa harap ni Anna. Pang-asar lang!
Me: Thanks.
Sinabi ko ang salitang thanks habang nakaharap kay Anna.
Me: Sinabi ng mas maganda ako sayo ayaw mong maniwala.
Pulang pula na ang mukha ni Anna. Demonyita na ba ako kung sasabihin kong natutuwa akong nakakapang-asar ng ibang tao? Masaya kaya, try mo.
Umalis na ako bago pa makipagsabunutan ang babaeng to at mukhang namang nasa cloud 9 pa si Johnny Bravo dahil sa kiss ko. Hayy nako ang hirap talaga maging maganda. Buti na lang di mo mararanasan.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Author's Note:
Dat kahapon ko tapos ang update na to, pahinto hinto lang dahil kakalaro ng Clash of Clans :) Saka nanuod pa ako bagong episode ng TWD. Btw, please check out my short stories. Thanks :)
BINABASA MO ANG
Circle of 5 + 1
RandomAnong klaseng babae ka? Everybody keeps on saying that NOBODY'S PERFECT. But why do all stories has this picture perfect girl who always find her happy ending? What about those girls whose simply who they are? This is the story how "THE ONE OF THE B...