WIN’S POV
“The auditorium fills with people jumping with the music that performs by the famous band here in Thailand which is the SCRUBB. And I am here in the crowd together with my handsome prince, Sarawat. We are singing together with my favorite band but then Sarawat turn at me and said “Thank you for coming into me, my nuisance, Tine.” Then pats my head. I answer him “Thank you for finding me too Sarawat.” I smile to his caress and before we turn again our gazes back to the band we gave high five and put our arms on each other shoulder. THE END.”
“Win Metawin Opas-Iamkajorn! Seryoso ka yan talaga ni publish mo na ending? Jusko andaming naghangad sa novel mo, top-selling pa at pinag-uusapan halos sa buong mundo tapos yan lang ang magiging ending mo? High-five?!?!”
Napahawak nalang ako sa sentido ko dahil ke aga-aga yan agad ang bunganga ng manager ko. Kagigising ko pa nga lang tas siya rat na ng rat.“Manager Eed hindi lahat ng story nagtatapos sa kissing scene tsaka I want to make my story as light as ever and I know my readers will gonna understand it.”
“Come on Win even just a peck of kiss? Hindi talaga pwede? Ang damot mo naman.” Sagot sa akin ni Manager Eed na animo’y nanunukso.
Bumuntong hininga nalang ako.“The end is the end hindi na mababago yun tsaka na publish na siya so I can’t change anything about it.” Sabi ko habang kumukuha ng towel at naghahanda na para maligo.
Napataas nalang ng kamay ang manager ko tanda ng pagkatalo niya. “Okay sige total wala na akong magagawa. Sige alis na ako aasikasuhin ko nalang yung books mo at mga sales. Bye!” paalam ng manager ko at kumaway nalang ako pabalik.
Pumasok na ako sa banyo para maligo at maghanda.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at dumiretso agad ako sa study table ko at inopen ang laptop ko para tignan ang mga feedback nila sa novel ko.@skye.hyaa: Yung ang ganda na ng simula eh pero sumabit lang talaga sa dulo. Okay na sana eh yung high-five lang talaga hays.
@medethebyun: a love story with a high five ending wow what an incredible ending tsk.
@sarawat_wives: Mabuti na sakin yung high-five kasi sa ako talaga iki-kiss ni Sarawat kyaaah!!
….Eeh?? Bakit ba ang big deal sa inyo ng kiss? It’s still a love story tsk. Gigil niyo ko ha mga haliparot kayo.
Inisarado ko nalang yung laptop ko at gusto kong magpalamig dahil nag-iinit ang ulo ko sa mga comments nila.
Hindi naman sa pagmamayabang eh aside sa sikat ako eh gwapo rin tong novel author niyo kaya kailangan kong magdisguise para di ako dumugon ng mga tao. Nagsuot ako ng plain white t-shirt na pinatungan ko ng black leather jacket at ripped jeans naman sa lower at isang black converse. Nagsuot na rin ako ng black cap at shades. Hindi naman siguro ako magkakamalan na magnanakaw nito no. Lumabas na ako ng condo ko at naglakad papunta sa pinakamalapit na coffee shop dito.
Pumasok na ako sa coffee shop at umorder agad ng favorite drink ko na Blue Hawaii. Habang hinihintay ko yung order ko ay may narinig akong mga nagchi-chismisan.
“Hoy mga mars nabasa niyo na ba yung ending ng 2gether?”
“Ay mars oo done ko na yun jusko naloka ako sa ending myghas.”
“Akala ko may rambulan sa room magaganap hihi.”
“True mars hahahaha.”
Aba kung makasalita sila sa novel ko ah. Edi kayo nalang sana gumawa ng ending, mga bruhang to. Lalapitan ko sana sila ng dumating na ang order ko. Napailing nalang ako at humanap ng lamesa para umupo muna saglit at magpalamig dito. Kinuha ko nalang phone ko at nagpakababad dito.
“Gago hotdog ko yan!”
“Damot mo naman tsaka meron kana mang iyo oh.”
“Bakit ikaw wala ba?”
“Eh kahit na akin na yan!”
“Blee bahala ka jan.”
Narinig kong bangayan sa kabilang table. Argh kong makapag-usap sila parang kanila tong shop ah. Ang ingay-ingay bwisiit.
“Boss B! Yun oh gwapo natin ah.”
Sigaw nung isa na may bigote.Napatingin ako sa tao na kakapasok palang ng shop. Matangkad siya. Matangos ang ilong at mataas ang buhok na umabot na sa ilong niya. Hindi ko makita ang mata niya dahil naka shades siya pero mas nahagip ng mata ko ang magandang kurba ng labi niya. Hinawi niya ang kanyang buhok patalikod at ngumiti sa mga kaibigan niya.
“Kamusta ang America maganda ba? Marunong ka parin bang magtagalog?”
“Loko!” Sagot niya. Ang b-boses niya parang narinig ko na at pamilyar sa akin.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya at tinitigan ko siya na parang may na alala akong kakaiba.
“Siguro naman hindi mo kinalimutan mga pasalubong namin.”
“Oo naman ako pa haha.” Sagot niya habang tinatanggal niya ang shades niya.
Ang mata niya. Ang mga mapupungay niyang mata. Hindi. Hindi pwede. Hindi maari.
Nakatitig lang ako sa kanya at di ko namalayan na may luha na palang namumuo sa mga mata ko. Dali-dali ko itong pinunasan at tumayo na ako para umalis na sa coffee shop na ito. Habang papaalis na ako ay hindi ko natingnan ang dinadaanan ko dahil punas ako ng punas sa mga luha ko at nabunggo ko siya. Napasubsob ako sa kanya at hinawakan niya naman ako sa baywang. Itinaas ko ang mukha ko at nakasalubong ko ang mga mata niya. Sinubukan kong basahin ang mga mata niya ngunit hindi ko na ito makita dahil sa mga luha ko na naguunahang lumabas.
“Teka umiiyak ka ba?” Tanong niya na naguguluhan dahil naka shades parin ako.
Natauhan ako kaya umayos ako ng tayo at lumayo sa kanila. Inayos ko ang sarili ko at tumikhim.
“S-sorry.” Yun nalang ang nasabi ko at dali-daling lumabas ng coffee shop.
Walang tigil sa pag-agos ang mga lukha ko.
Naaalala niya kaya?Naaalala niya kaya ako?
Naaalala niya kaya ang dating kami?
Naaalala niya kaya ang kanyang ‘nuisance’?
Hindi ko akalain na sa susunod na buhay makikita ulit kita, Sarawat. My handsome prince.

YOU ARE READING
Duyog (BW)
FanficWin is a novel writer while Bright is a book reader. One day Bright happens to read Win's one work entitled "2gether" and there he felt a strange feeling that all of the happenings in Win's novel, happened to him in his past life. (P.S. I didn't pla...