CHAPTER 16

3 1 0
                                    

Paglabas ko ay nakita ko sa sala si Sky at Monica na nag kukwentuhan. Nilock ko ang pintuan ng room ko at bumaba. Umangat ang paningin nilang dalawa sa akin. Tumaas ang kilay ni Sky na nakatingin sa akin. Si Monica naman ay wala lang.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Sa bar."

"Bakit? Anong gagawin mo dun?"
Nanlaki na ang mga mata niya. Hindi makapaniwala.

"Sa banda niyo ate?" Malumanay na singit ni Monica at pumunta sa akin.

"Oo Monica. May gimik sina kuya Kurt mo don. Kaya pupunta si ate." Ningitian ko siya at ginantihan niya naman ito nang tumango tango.

"Banda? P-pwede ba akong sumama? Hindi pa kasi ako nakapunta doon e." Ngumuso si Sky habang nakatunghay sa akin.

Hinalikan ko ang kapatid sa pisngi tsaka sya yumakap sa akin at nagpaalam na matutulog na

"Bawal ka don."

"Ha? Bakit? Kasi grade 8 palang? Minor de edad? Eh ikaw nga e!"

"Oo kasi minor de edad. Pwede ako dun kasi kilala ako sa bar na yun at vocalist ako don! Kaya dito ka na!"

Ngumuso siya lalo kaya nahawa ako. Ang tigas ng noo ng 'sang ito.

"Bakit? Sino ba ang may ari niyan at nang masabihan ko na bawal na papasukin ang isang tulad mo!"

Kinunutan ko siya nang noo. Yabang. Ano? Gagamitin niya naman ang kapangyarihan ng magulang niya.

"Ano naman gagawin mo? Tss. Wag ka nang mag aksaya ng laway at panahon dahil di mo matatakot iyon. Tss." Saka sila tinalikuran doon.

Habang naglalakad ako tungo sa garage namin ay ramdam ko ang yabag ng paa niya. Napabusangot akong nilingon siya nang biglaan kaya ganon na lang ang paglaki ng mata niya at bahagya pang napatalon. Gusto kong tumawa sa naging reaksyon niya pero pinanatili ko ang busangot ko na mukha.

"Ano ba? Bakit sunod ka ng sunod sa akin? Sabi ko na bawal ka dun!"

"Ehhh? Pwede naman atang sabihin mo sa mga nandoon na kapatid mo ako. Sa ganon ay malaya akong makapunta doon"
Nakanguso siya. Kinukutkot ang sariling kuku. Gagu!

"Tss. Hindi ka ba hahanapin ng Madame? Baka iinsultuhin na naman ako non pag nalamang kasama kita!" Galit na talagang asik ko sa mukha niya.

"H-hindi niya naman malalaman e."
Nakanguso pa rin pero nandon na ang ngiti na pilit niyang itinago.

"Bahala ka sa buhay mo, letseng buhay naman oo. Sige na nga. Sumama ka na!"

Nagtatalon siya sa saya at hindi na napigilan ay niyakap na niya ako.

"Tss tumabi ka nga. Baka makita tayo ng ispeya ng magulang mo" tinabig ko siya at umangkas na sa motor.

Tumingin siya sa akin  nang binuhay ko na ang makina.

Akmang aangkas na siya ng tinulak ko siya.

"Bawal?"

"Malamang! May sarili ka namang sasakyan. Doon ka na. Malaking bagay na nga iyong pinayagan kita, at hihingi ka pa ng isang tawad, aangkas ka pa? Tss"

"Bakit bawal?"

"Kasi ambaho mo. Tabi. Aalis na ako."
Saka walang alinlangang pinatakbo ko ang motor ko.

"Huy hindi ako mabaho ah."
Rinig ko ang pagsigaw niya pero hindi ko nilingon. Ilang minuto lang din ay nakasunod na sa akin ang sasakyan niya.

Pinarada ko ang motor sa labas ng bar tsaka bumaba. Nasa tabi ko rin naman ang sasakyan niya.

Colonus Series 1: Wake Up GriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon