CHAPTER 14

2 1 0
                                    

Imbis na dumiretso pauwi ay huminto muna ako sa isang cliff kung saan tanaw ang buong lungsod ng Dalaguete. Tinawag itong Paling-paling ng mga taga rito.

Hinubad ko ang helmet at naupo sa bench doon. Nakaharap sa tanawin habang higop higop ang minute made na inumin.

Napabuntong hininga ako. Naisip kong hindi na muna uuwi dahil sa katotohanang sasabunin na naman ako ng mga magulang ko ay nawalan na ng gana. Bukas ko na lamang ipapasa ang mga ito. Nilingon ko ang katabing itom na bag.

Napatayo akong nadapo ang tingin ko sa paparating na Aston Martin. I groaned to myself knowing who is it coming. What the hell are he doing here?

Nang naiparada ni Sky ang kanyang sasakyan matapos siyang bumaba ay naiwas ko ang aking tingin nang namataan ang kanyang galit na mukha.

Muli kong tinanaw ang mga gusaling nag tatayugan sa lungsod na iyon. Hindi pa masyadong improve ito ngunit hindi naman nalalayo sa civilization. Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin at ang kanyang titig. Gustuhin ko mang lingunin siya'y di ko magawa sapagkat nahuhumaling talaga ako sa kagandahang natanaw.

Bumalik ako sa sarili nang nagsalita siya.

"Bakit nandito ka?" Tanong niyang nasa akin pa rin ang paningin.

"Kung tatanungin kita kung bakit narito ka, sasagot ka ba?" Seryosong sambit ko.

"Kasi nandito ka?"

"Bakit mo ako sinundan, gayong di mo alam ang dahilan bakit nandito ako?"

"Kasi nag alala ako!" Medyo tumaas na ang boses niya.

"Tss. Kaano ano ba kita't nag alala ka?"

"Teka bakit ba narito tayo sa usapan na to, ang tanong ko ay bakit nandito ka? Paano napunta sa akin ang usapan?"
Lumalakas ang boses niya. Nag eecho sa bundok na nakapalibot.

"Napunta sayo ang usapan dahil pakialamero ka. Susunod-sunod tapos galit lang pareho ang ilalabas. Kaumay na pakinggan ang mataas na boses at puro hinala at duda lang naman makikita sa mata"

Sinabi ko iyon ng hindi siya tiningnan. Kalmado din ang boses ko. Parang  hindi big deal sa akin ang pagsulpot niya dito.

Natahimik siya ng ilang minuto. Hindi ko talaga siya tiningnan. Patuloy ang pagkamangha ko sa tanawing minsan ko lang masilayan dahil puro gusali sasakyan at libo ng tao ang natatanaw ko doon sa lugar namin. Puro ingay ng tao, busina ng sasakyan at makinarya ang naririnig hindi katulad dito na huni ng ibon, bulong ng hangin at nagsasayaw na dahon lamang ang tanging marinig ng iyong tenga. Mistulan itong musika sa aking pandinig.

Not until nong dumating ang 'sang kupal na 'to.

"Sobrang galit ni Matthew nong umalis ka doon sa inyo"

Sa wakas ay nakapagsalita na siya.

"Nagkita kami kanina. Mukhang galit nga." I chuckled as i replayed his reaction lately when he saw me.

"Bakit ka nga pala umalis ng hindi nagpapaalam, Laurel. May pamilya kang nag aalala..."

"Anong hindi nagpapaalam. May isinulat kaya ako sa sticky note, nakadikit iyon sa ref. hindi ba nila nabasa? Ganon naman ang nakasanayan kong pagpapaalam. Ngayon lang ata hindi nila nabasa. Tss"

"Pwede naman kasing sinabi mo ng harapan, Laurel. Hindi iyong may pasulat sulat ka pang nalalaman."

"Aba'y magaling ka pa sa'kin ah? Eh kung palit kaya tayo ng sitwasyon? Ikaw ang Grice at ako ang Wattson?"

He just glare at me. Nag 'tss' naman ako sa reaksyon niya.

"Bakit ka nga nandito?"

Napapikit ako sa inis. Talaga bang sasabihin ko? Hindi ba talaga nila nabasa ang sulat ko doon?

Colonus Series 1: Wake Up GriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon