^__^
Napamura ako nang malutong pagkagising ko. Late na ako. May deal kami ni papa. !_!
Wtf.
Agad akong naligo at dali dali akong nagbihis. Kumain at pumunta na sa school. Gaya ng inaasahan ko ay nagsimula na ang klase. Kingna naman.
Kinalma ko ang sarili ko at pumasok. Pagka tapak ko sa pintuan ay rinig ko ang buntong hinga ng mga kaklase ko. Pinangungunahan ito ng Presidente namin.
"Morgan Laurel late ka na naman." Salita ni Lein Almagro- ang president.
"Araw araw akong late at nakakapagtaka na ngayon ka lang nag complain?" Nginisihan ko siya nang nakakaloko. At tinapunan ko ng tingin ang buong klase. Akala ko wala pang guro pero nagkamali ako. Nakatayo na pala ito sa harap at nakatingin sa aming dalawa ni Lein.
Hmmm little teacher,huh. Corny ng mga tao ngayon. Tiningnan ko siya ng buryo at nginitian ng nakakaloko.
"Natural dahil may bisita tayo at sya ang magtuturo sa atin sa Math. Nakakahiya naman kung may nahuhuli sa lecture niya at kailangan pa niyang balikan ang natacle na."
Acting as Better President huh. Eh siya nga iyong puro kalandian lang ang alam.
"Alam ko. Isa pa, pwede naman kayong magpatuloy sa na-tacle niya at baliwalain ang isang estudyante na late, hindi ba Miss President? Total yun naman nakasanayan niyo. Ang iwan ang isang estudyante."
"Kasalanan mo. Kung naging maaga ka lang sana nang kunti eh di hindi ka maiwan."
"Ahh oo nga. Kaya pala pag ikaw ang absent o di kaya'y late ay binabalikan ang lesson na na-miss mo. Pero pag ako at ang ibang kaklase natin ang absent or late, hindi binibigyan ng pagkakataon na makahabol. Ohhh damn how i hate special treatment." Sinabi ko iyon na tamad na umupo sa upuan ko. Naiwan si Lein doon na nakatunganga at di makagalaw.
"Lakas ng loob mong sabihin sa akin yan. Wala kang karapatang--"
"Bakit wala? Eh pareho lang tayong estudyante dito. At kung hindi ka Presidente sa classroom na ito ay mas masahol ka pa kesa sa mga pinaggagawa ko. Hindi ba, Vice President Lily?"
Natahimik silang lahat. Tsk. Totoo ang mga pinag sasabi ko. Hindi ko intensyon na isigaw sa mundo o sa classroom na ito ang mga mali niya bilang presidente. Presidente lamang sa pangalan wala sa gawa.
"Morgan. Stop it." Malumanay na saway ni Lily sa akin. Bumuntong hininga nalang ako at di na umimik. "Oh. Wala ka na bang balak maupo ulet dahil nakikita mo na ang kulang bilang presidente? Nahihiya ka na?--"
"You! Stop it right now." Natahimik ang lahat nang biglaang sigaw ng little teacher sa harap namin. Napataas ang parehong kilay kong nakatingin sa kanya. Tinatanong kong ako ba ang tinutukoy niya.
"Oo ikaw. Hindi mabuti ang sagut sagutin mo ang Presidente mo. Respetuhin mo siya--"
"Math ang klase diba? Bakit nag Values ka na riyan?" Walang ganang sambit ko at natawa naman ang lalaking kaklase ko.
"Bastos!"
"Bastos ako, oo. Nakakaumay na ang bansag na iyan. Pwede bang iba naman?" Mas lalong umugong ang tawanan sa buong klase. Namumula na ang mukha ni Sky at any time mukang sasabog na siya sa inis.
"Huy, Presidente. Maupo ka na. Baka gusto mong si Sky pa ang magsabi na pwede ka ng maupo?"
Namamangha ang reaksyon ng mga lalaking kaklase ko. Hindi rin nila kasi gusto ang pamamalakad ni Lein bilang isang Presidente. Favouritism amp-
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Novela JuvenilMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano