Nagising ako sa isang katok. Tamad akong bumangon saka pinagbuksan iyon. Laking gulat ko na si kuya ito. Halatang halata ang gulat kong mukha. Ilang linggo niya ako denedma at hindi man lang niya ako tinitingnan.
"Papasok ka ba o matutulog ka lang buong araw." Malamig niyang sabi sa akin.
Lumaylay ang balikat ko sa katotohanan na galit parin pala talaga siya sa akin. Pero may kalahating parte sa akin na nasasayahan dahil pagkatapos ng ilang linggong pag inignora sa akin ay sa wakas kinausap na niya ako kahit pagalit pa iyan.
"P-papasok-" hindi ako natuloy sa sasabihin dahil tinalikuran na niya ako. Galit parin talaga. Well, atleast kinausap na niya ako di ba? Yun ang importante doon.
Mabilis akong naghanda para sa school at dahil wala akong susi, gaya ng sabi ng pulis na bawalan kaming humawak ng susi sa mga sasakyan ay maglalakad ako patungo sa paaralan namin.
Naiwan na naman kasi ako dahil sa tagal kong nagising. Mag isa akong naglalakad nang may biglang sumabay sa akin.
"Good morning" bungad ni Nova sa akin.
"Oh? Good morning"
"Sorry ah. Hindi na tayo masyadong nakapagbonding dahil...alam mo naman siguro ang dahilan" hilaw siyang tumawa.
"Nah, it's fine. I understand your parents, tho"
Natahimik siya. Totoo ang sinasabi ko na naiintindihan ko ang mga magulang niyang ilayo siya sa akin pero hindi ko mapigilang masaktan at maisip na ganon ako ka bad influence sa pag layo nila nito sa akin. Para akong may virus na nakakahawa. Nawala na nga si Sky sa akin nilayo pa si Nova sa akin.
Sa batang isipan kong ito maaga kong napagtanto na ang mga tao sa paligid mo ay hindi mananatiling nandyan para sayo. Nawawala sila. Lumalayo. Kahit ano pang gawin mong paraan para lang mapanatili ang mga bagay bagay, sa huli wala ka paring kontrol sa pag alis at paglayo nila. Sa huli sarili mo lang talaga ang kakampi mo.
Sa mundong ito puno ng pait at sarili mo lang ang kasama mo para malampasan ang mga iyon.
Paaralan at bahay lang ang punta ko dahil grounded ako. Sa weekends ay nasa kwarto lang ako. Minsan naririnig ko pa ang bangayan nina mama at kuya.
Sakal na sakal na ako sa kawalang silbi ko sa amin. Pakiramdam ko pabigat ako sa kanila. Pakiramdam ko pag wala ako dito sa amin ay masaya sila. Walang sakit sa ulo. Walang problema. Kasi sa totoo lang, ako lang naman ang rebelde sa aming magkakapatid. Ewan ko ba, naiiba ako sa kanila. Pag may pupuntahan ako iyong naiiwan dahil hindi ako nasasama. Hindi rin naman nila ako sinasama kaya hindi nalang din ako.
Nahinga ako ng malalim. Ano ba talaga ako dito sa mundo?
Bumukas ang pintuan ng kwarto ko nang nakita ko si lolo doon. Sumisilip. Pinatuloy ko siya.
"Kamusta apo?"
"Ays lang, lo"
Matamis na ngiti ang kanyang iginawad sa akin. Nagtaka ako kung ano ang ipinunta niya rito. Siguro ay ang pangaralan na naman ako.
"Kamusta ang pag aaral?"
Napalunok ako bago nakasagot. "Ahh, eh mabuti naman, lo. Ganon parin naman tulad noon"
"Mabuti naman. May narinig akong balita tungkol sa mga nagagawa mong kalokohan sa paaralan" matamis ang kanyang ngiti kaya di ko mawari kung ano ba talaga ang reaksyon niya.
"Ahm, pasensya na po, lo"
Tumango tango lamang siya tila inintindi ang kung ano man.
"Yung gulo po lang talaga ang lumalapit sa akin. Ayoko naman pong mag paapi kaya napatulan ko talaga" kakamot kamot kong saad.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Teen FictionMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano