Puting kurtina ang bumungad sa aking mga mata nang ako ay nagising. Tunog ng machine ang unang narinig. At bukod doon ay wala na akong nakita at narinig na iba.
Ginalaw ko ang aking hintuturo. Nakakapagtaka na mabigat iyon. Ngumuso ako sa isipan. Nangangalay na ako at kailangan ko ng maigalaw iyon. Ngunit nang aking lingunin ay isang lalaki ang nakayuko doon , natutulog. Hawak niya ang aking kamay.
Imbis na kunin ang kamay ko ay hinayaan ko na lamang iyon. Baka madisturbo ko pa ang tulog niya.
Sinuri ko ang lalaki, napangiti ako. Sa paggising ko ay siya talaga ang unang nakikita ko. Hinaplos ko ang kanyang ulo gamit ang isang kamay kong bakante. Agad namang nag sisi nang gumalaw siya at hinawakan ang kamay kong humahaplos sa kanya.
"Hi" bungad ko sa kanya. Nanlaki ang kanyang mga mata. Ningitian ko siya.
"Gising ka na talaga?" Naluluha ang kanyang bagong gising na mga mata. Namamayat siya at malaki ang eye bags.
"Uh-huh?"
Nabigla ako nang kumaripas siya ng takbo at nang pagbalik niya ay kasama na niya ang babaeng nakaputi. At mga nars. Sa likod nila ay ang pamilya ko.
Hindi ko masyadong naalala ang mga nangyayari kung paano at bakit ako nandito. Ngunit hindi ko na maitanong dahil nasanay na ako sa mga pangyayaring ganito. Noon pa man.
Nilapitan ako ng Doktora at may kung ano siyang tiningnan sa akin. Hindi ko na masundan ang mga pangyayari dahil nasa pamilya ko na ang aking mga mata.
Malaking ngisi ang nilahad ko sa kanila. Sila naman ay umiiyak. Ano ba naman yan. Kakagising ko lang at ganito ang kanilang pinapakita.
Nang umalis ang Doctor ay dinumog ako ng mga kapatid ko. Umiiyak si Monica at ganoon din si ate. Natawa na lamang ako.
"Ano bang iniyak iyak niyo riyan?"
Mas lalo lang silang humagulhol na ikinatawa ko lalo.
"Sa loob ng dalawang buwang pagkakatulog mo gising ka na talaga, at last!" Maligayang sigaw ni Kuya. Sinuway siya ni Papa. Napangiti na lamang ako.
Ilang minuto nang dumating ang asawa at anak ni kuya. Kinumusta nila ako. Dinalhan ng mga prutas at mga bulaklak. Para namang pang patay ang mga bulaklak na ito. Muntikan ko ng maisatinig iyon.
"M-may bisita ka, Ate" si Monica.
Tinaas ko ang kilay ko. Napatingin ako sa pintuan ng ito'y bumukas at doon niluwal ang kabanda ko.
May dala silang bulaklak at mga pagkain. Matamis ang ngiti nila sa akin. Tila ba sobrang miss nila ako. Ang sarap sa pakiramdam nang ganoon. Na may mga tao pa palang nagbigay importansya sa presensya mo.
"Anong feeling pag tulog?" Sabay halakhak ni Kurt. Inirapan ko lang siya saka napangiti. Napakaloko loko talaga.
"Anong feeling pag nag ka girlfriend?" Asar k9 pabalik sa kanya. Natahimik siya saka namula. Tinawanan siya ng malakas ng mga kasama namin. Dahilan na umingay ang buong silid. Sinaway sila ni Clark na kunwari anghel siya. Yun pala ay iisa lang silang lahat. Mga gagu!
Marami kaming napag usapan. Nahinto ang banda dahil sa pag katulog ko ng dalawang buwan. Hindi rin sila naghanap ng bagong vocalist. Anila ay walang makakalampas sa talento ko kaya hindi na sila nag aksaya ng oras para maghanap. Isa pa, ayaw nilang mapalitan ako. Kahit na fifty fifty ang buhay ko. Kung mabubuhay ba o hindi ay hindi sila nagdalawang isip na hindi ako palitan.
Nakakagaan sa loob. Napangiti ako habang tinatanaw silang mag kukulitan at nag aasaran.
Nang bumukas ang pintuan ay si Sky ang lumabas galing dito. Maayos na siya tingnan. May eyebags parin pero sa ngayon ay mukang nakaligo na siya. Tinago ko ang paghanga ko sa kanya sa oras na ito at hindi ko pinansin ang pag baling ng tingin niya sa akin. Nakipag usap nalang ako kunwari nina Maico.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Ficção AdolescenteMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano