Bago kami bumaba sa kanyang sasakyan ay tiningnan niya muna ako saka lumapit at hinalikan ang noo ko.
"Gusto kong manligaw sayo" bulong niya. Nakatingin siya sa mga mata ko.
"Hindi ako nagpapaligaw ngayon." Direktahang sabi ko.
Ngumuso siya saka umayos ng upo. Bumuntong hininga siya at tumayo.
"Kailan kung ganon?" Lingon niya sa akin.
Nasa harap na kami ng bahay namin. Kung bakit dito niya ako dinala ay hindi ko alam. Nanatiling nasa labas ng sasakyan ang mga mata ko.
I'm not ready.
"Hindi ko alam. Hindi pa ako handa." Ngumuso ako at dahan dahang tumingin sa kanya. Nahihiya ako. Ewan ko kung bakit.
"Then I'm going to wait, then." Hindi iyon tanong.
"No. You're not going to wait. You can have fun with other girls, you know. Hindi ko pipigilan ang kagustuhan mong mag explore dahil lang maghihintay ka sa akin."
Nagtagis ang bagang niya saka matalim na tumingin sa akin. Kinunutan ko siya ng noo.
"I want to explore with you. You really can't understand me. I only want you, nothing else. I want my first time with you in this life. It's either you or no."
Napakurap kurap ako sa bilis ng pagkasabi niya. Hindi ako nagsalita. Kaya lumabas nalang ako ng kotse niya. Sumunod naman agad siya.
Akala ko galit siya pero nagulat na naman ako nang hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming naglakad sa loob.
"But I'm not yet ready." Bulong ko habang naglalakad kami.
"I'm not rushing things. I'll wait until you're ready." Bulong niya pabalik.
"Then what is this?" Tinaas ko ang kamay naming dalawa na magkahawak.
Malambot siyang tumawa saka hinalikan ang likod ng aking kamay.
"Ganito naman tayo simula noon."
"Are you going home, Sky?" Tanong ni mama nang nasa hapag kami. Kompleto ang pamilya.
Nandito ang asawa ni ate, si kuya at ang pamilya niya. Ang boyfriend ni Monica ay nandito din.
Reunion huh.
Tahimik akong kumakain habang nag uusap sila sa kani kanilang mga hilig.
Ramdam ko ang patagong pag hawak ni Sky sa hita ko tuwing tinatanong siya ni Papa tungkol sa mga babaeng kasama niya sa magazines.
Nasa likuran ng upuan ko ang kanyang kabilang braso at ang isa ay nasa hita ko. Bahagya niya itong hinimas himas tuwing sumasagot siya kay papa.
Nilalagyan niya nga patahimik ang plato ko ng mga pagkain. Sinasalinan ang baso ko ng tubig. Ginagawa niya ang mga iyon habang sinasagot niya ang tanong ni papa tungkol sa business at mga babaeng nakasama niya.
Alam ko naman ang mga iyon. Wala akong pakialam kung ka ano ano niya iyon. Ganon naman talaga ang anak ng mayayaman.
"Are you alright?" Bulong niya sa akin ng nag iba ang topic nina mama. Inusig niya ang kanyang upuan sa akin na akala mo kulang pa ang lapit naming dalawa. Ngumuso ako sa ginawa niya.
Tinanguan ko siya saka uminom ako ng tubig.
"The girls.... they're just business....uh..." Nahihirapan siyang mag paliwanag sa napag usapan nina papa. Nilalaro niya ang kanyang panga. Panay ang lunok niya at maya't maya ang hanap sa mga mata ko.
Hinayaan ko siyang nahihirapang mag paliwanag kahit hindi naman ako apektado. Natatawa ako sa mukha niyang takot.
"It's just business, Laurel." Mapanuyo niyang sabi. Tinaasan ko siya ng kilay saka tumango ulet. Walang salitang binitawan.
Wala lang. Trip ko lang.
Nag excuse ako sa lamesa at tumayo. Sinundan niya ako ng tingin at nang napansin na papunta ako sa kwarto ay bigla siyang nagsalita.
"Are you going to sleep?" Anunsyo niya kaya lahat sila ay napatingin sa akin.
"Morgan, medyo maaga pa." Si papa. Alam ko na kung ano ang ipinahiwatig ng kanyang tono.
"I'm not going to sleep. Busog pa ako. Manonood lang ako ng anime." Kalmado kong sabi sa kanila. Parang nabunutan ng tinik si Papa sa sinabi ko.
Problema nito.
Tiningnan kong nag bubulungan si Mama, Papa, at si Sky.
"Can I come?"
Tumaas ang kilay ko sa kanya saka nilibot ang paningin sa pamilya ko.
"Sige na, Morgan." Si mama.
Kumunot ang noo ko sa kanila. Lalo pa nong tumikhim si kuya na pilit.
Naglakad patungo sa akin si Sky at kahit malayo pa siya ay inabot niya ang kamay ko saka hinawakan iyon.
Sabay ang pamilya kong napatingin doon. Nag iinit ang pisngi ko. Ano kaya ang sasabihin nila?
"Are you dating?" Si kuya na hindi na nakapag pigil. Talent niya po talaga ang pag tsitsismis.
"Hindi pa po." Magalang na sambit ni Sky.
"Nanligaw ka?" Si Ate na parang tuwang tuwa sa nakikita niya. Ngumuso ako sa kanya. Walang hiya. Lalo pang namula ang pisngi ko sa mga nagkikislapan nilang mga mata sa paghintay ng sagot ko. Wtf.
"Hindi ako nagpapaligaw." Matigas kong sabi sa kanila. Nagtawanan silang lahat. Mga weirdo.
"Yeah. Whatever Morgan Laurel." Si Kuya na hindi kombinsido.
"Let's go"
Hinila ko si Sky. Mabilis ang hininga ko nang nakapasok na kami sa kwarto ko.
Umangat ang gilid ng labi ni Sky kaya binatukan ko siya.
"Ouch!"
Ngumuso siya kunwari pero natawa naman kalaunan.
"Anong ginagawa mo? Nahahalata nila!" Inis kong sambit saka naupo sa kama.
"So what?" Natatangahan niyang sambit.
Tinabunan ko ng unan ang mukha ko at gumulong sa kama. Nakakahiya.
"Hey. What's wrong?"
Ang unan na ginamit ko ay binato ko sa kanya. Nasalo niya ito kaya mas lalo akong nainis.
"Anong what's wrong. Nakakahiya kaya!"
Bumuntong hininga siya at umupo sa kama. "Come here."
Pinaupo niya ako saka inayos ang buhok ko. "Alam naman na nila. Walang nakakahiya don." Kalmado niyang sabi. Nakatingin lang sa aking mga mata.
Napatili ako nang inangat niya ako galing sa pagkakaupo at pinaupo sa kanyang kandungan.
He snaked his arm around my waist and hide his face in between my shoulder and jaw. He sniffed my scents there and slowly he relaxed.
Ramdam ko ang mumunting halik niya doon.
His messy hair is too much to take. Hindi ako clingy na pagkatao but right now all I know is raking his hair with my fingers.
Inamoy ko pa ito.
"Naligo ka ba?" Biglaang tanong ko sa gitna ng aming katahimikan.
"Bakit? Mabaho ba buhok ko?" Inangat niya ang paningin sa akin at nasalubong ko ang namumungay niyang mga mata.
I gulped at the sight at napailing. "Hindi naman. Natanong lang."
Tumaas ang gilid ng kanyang labi saka binalik ang mukha sa aking leeg. His hugged tighten as his kisses go up to my chin.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Fiksi RemajaMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano