Nanlaki ang mga mata ng mga kagrupo ko habang nakatingin sa likuran ko.
Halos magka stiff neck ako sa kahihiyan. Hindi ko magawang lumingon sa kahit saang direksyon. Narinig niya ang sinabi ko.
But I realized....ano naman ngayon kung narinig nga niya? He deserves to hear those words a thousand times. Kung alam niya lang kung ano nakakabwesit ang patawa tawa nila kanina. Kulang pa ang mga naririnig niya.
Namataan ko na dahan dahang umatras ang mga ka grupo ko at tuluyan na nga akong iniwan doon. Mga traydor!
"What are you saying?" Malamig niyang tanong ulet.
Ngayong medyo nakabawi na ako sa gulat ay hinarap ko na siya. Nakataas ang pareho kong kilay.
Tiningna niya ako mula ulo hanggang paa. Nanliit ako sa mga ngiti niyang nanunuya. Nabubuwesit din ako sa kanyang pakagat kagat sa kanyang labi. Nakakairita. Lalo na kapag naalala ko ang maiikli niyang halakhak kaharap ang babaeng iyon.
"Narinig mo naman ata, Mister." Sabay ngiti ko sa kanya.
Nawala ang kanyang pasimpleng ngiti at napalitan iyon ng malamig na tingin. Medyo naapektuhan ako niyon pero agad kong tinabunan ng angas ko.
"That's rude you know, after we listened to your-" nilagay niya ang kanyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. He shifted his weight saka swabe akong tiningnan.
"Oh please, you're not listening to me. And that's the rude thing you're talking about."
Kumunot ang noo niya. Tinabingi niya ang kanyang ulo saka dinilaan ang pang ibabang labi. Bahagya itong pumula dahil sa ginawa niya.
"We're listening..."
"Ewan ko sa'yo. Wala akong pakialam sa inyo." Sabay talikod sa kanya at mabilis na naglakad. At dahil nakatakong ako ay muntik na akong matapilok. Dahil mataas ang pride ko, hindi ko gustong tinutulungan sa oras na galit ako, hinubad ko ang aking takong at nakapaang tinahak ang hallway.
"Damn it, Laurel!" Rinig kong sigaw niya.
Nasa likuran ko na siya ngayon at pilit inaabot ang mga braso ko pero dahil may pagkabakla siya, hindi niya nakuha ang mga braso ko.
Tuloy ako sa paglalakad na nakapaa. Pinag titinginan na kami ng mga estudyante doon. Nag bubulungan sila. Isa sa pinaka ayaw ko pag na engaged ako sa kanya.
Sa parking lot ay binalibag ko ang takong ko sa basurahan na malapit. Muntik pa siyang matamaan niyon.
I heard him cursed. Frustrated na masyado ang mukha niya. Magulo na ang buhok ngayon unlike kanina.
"Why are you mad?" Galit na nga siya. Namumula ang leeg niya hanggang sa mukha patungi sa tenga niya. At wala akong pakialam magalit siya dahil galit din ako!
"Kami na nga itong nasabihan ng walang kwentang nilalang, ikaw pa ang galit?" Natatangahan niyang sabi.
"Wow! Ako lang naman itong nagsasalita sa harap na tinatawanan ng dalawang law students! Why? Dahil ba hindi ka lebel sa inyu ang intelligence namin? Pinagtatawanan niyo na?" Sigaw ko sa kanya.
Natahimik siya bigla. Medyo kumalma ang kanyang postura saka huminga ng malalim.
"Isn't it insulting when you're talking in front then two motherfucker laughing about something out of the fucking blue?"
Hindi siya nagsalita. Kaya kinuha ko ang helmet ko. Pero agad na bawi niya ito. Tinago niya iyon sa likuran niya.
"Give it to me!" Sigaw ko sa kanyang mukha. Pero mas lalo lang niyang nilapit ang sarili sa akin.
Bumilis ang hininga ko. Sinalubong niya ang galit kong tingin. Hanggang hindi ko makayanan ay bumigay ako.
Sino bang niloloko ko dito? Kahit naman anong rason ang ibibigay ko dito hindi magsisinungaling ang mga mata.
"You're jealous" bulong niya.
Tuluyan niya akong nahawakan at dahan dahang niyakap.
Natamaan ako ng hiya ng kumalma ang hininga ko nang niyakap niya ako.
"I'm sorry" bulong niya sa tenga ko.
Hindi ako nakapagsalita. Galit ako di ba? Nasaan na ang galit mo Morgan Laurel? His scents calm me.
Gusto kong maiyak.
"Yung helmet ko. Uuwi na ako." Matigas kong sabi.
"Ihahatid na kita."
Matalim ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Kung gaano ka talim iyon ay ganon din ka mapanuyo ang kanya.
Tiningnan niya ako from head to toe, saka napakamot sa kanyang kilay.
"Ang tigas mo talaga..." Mahina niyang sabi. "Hindi ko talaga kapag nagseselos ka. Kung ano ano ang mga nasasabi mong masakit. Hindi mo nakokontrol ang mga ginagawa mo." Sabi niya habang inayos niya ang polo dress ko saka ang buhok.
Pinagmasdan ko siyang naglakad tungo sa kanyang kotse at may kinuhang...tsinelas.
"Wear it"
Lumuhod siya at pinasuot sa akin.
"Bakit may pambabae kang tsinelas sa kotse mo? Kanino ba 'to? Bakit ka size ko? At favorite color ko pa?"
Nakanguso akong nakatingin sa kanyang nakaluhod.
"Isn't it obvious? Favorite color mo, size mo. What does it mean? You think?"
"Para sa'kin to? Bakit nandon sa kotse mo? Hindi pa naman ako nakasakau dyan--" dahan dahang humina ang boses ko nang naalala noon.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Let's go. You might be hungry. Parang kaya mo na ngang lapain si Miss Damian kanina sa meeting e"
"What did you say?" Matalim agad na tingin ang tumama sa kanya. Pero tinawanan niya lang.
"Nothing. Ipapakuha ko na lang ng driver ko ang motorbike mo."
At tuluyan na nga kaming sumakay sa kotse niya.
Sa byahe ay panay ang tingin niya sa akin. Ako namay nasa bintana lang ang tingin at tinitingnan ang mga gusali.
Then out of the blue....."Nasaan ba ang mga babae mo?"
Imbis na sagutin ako ay malakas na tawa ang natanggap ko. Baliw.
"What's funny?" Naiinis kong sabi.
"Baby...." At humahalakhak siya. "We're not going to discuss my girls right now. At wala naman akong mga babae."
"Really, huh?" Mapanuya kong saad.
"You're unbelievable!" He exclaimed.
Nagkibit balikat ako. "Malay ko bang nasa newspaper na ako bukas. Spotted flirting with the only son of Wattson empire. Mistress."
Muli siyang natawa.
"Hindi ako kailanman nagka girlfriend. Simula nong kabataan natin." Seryoso niyang sabi.
"Aba malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo, eh ilang taon akong nawalan ng memory"
Mapait kong sabi. Natahimik kaming dalawa.
Dahan dahan kong naramdaman ang kamay niya sa akin. Hinawakan niya ito at dinala sa kanyang mga labi.
"Hindi kailanman ako umibig."
Napatingin ako sa kanyang hinalikan ang kamay ko.
"Ikaw lang palagi. Noon hanggang ngayon. Walang nagbago."
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Teen FictionMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano