CHAPTER 18

5 1 0
                                    

Umiling ako saka tinalikuran siya. Sunod lang siya ng sunod sa akin. Binalewala ko ang paalala niya. Nakakarindi talaga ang boses niya. Kaya hinayaan ko na lang.

"Morgan, hindi ba sumakit ang ulo mo nong nakaalala ka? Baka pinilit mo, Laurel. Wag mong pilitin baka ano pang mangyari sa iyo" tunog nag alala siya sa akin habang panay ang sunod kung saan ako pupunta.

Napunta ako sa sala nang nakabuntot parin siya.

"Morgan Laurel makinig ka" bahagya ng tumaas ang kanyang boses ng binalewala ko lang ang lahat ng kanyang sinasabi. Marami akong reaksyon sa mga sinasabi niya pero mas pinili kong huwag magsalita sapagkat alam kong hindi rin siya makikinig.

"Nakikinig naman ako, Ate"
Kalmado kong sabi habang nasa TV na ang paningin.

"Hindi ka naman nagsasalita e" parang maiiyak na siya sa lagay na yan.

"Kasi nakikinig ako ate."

"Ewan ko sa'yo. Ewan ko na lang talaga. Kailangang malaman ni Papa ito" natataranta na siya. Napakunot ang noo ko sa ka oa-han niya.

"Huwag mong gambalain ang magulang natin, Megan. Nasa trabaho sila"

Tiningnan niya lang ako ng masama. "Pwede ba? Kailangan nilang malaman ito ngayon din!"
Sobrang nag papanik na talaga siya.

"Kung tatawagan mo ang mga iyon ngayon ay uuwi ang mga yun! Madidisturbo lamang ang kung anong trabaho nila. Lintek!" Tumaas na rin ang boses ko. Ang sakit sa ulo niya talaga.

Natahimik siya. Nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Nakonsensya na nasigawan ang kapatid. Ayan kasi hindi nakikinig.

"P-pero sigurado ka bang walang masakit sa'yo?"  Tunog surender na talaga ang boses niya.

"Wala. Hindi ko namang pinilit na makaalala. Bigla na lang iyon." Napapailing ako habang inalala ang alala na iyon.

"Okay..." Yumuko siya. Bumuntong hininga ako.

"Ehem!"

Ganon na lang ang pagtalon ko sa aking kinauupan nang narinig ko ang tikhim na iyon. Sa gilid ko! Lintek lang at agad nagka buhol buhol ang ugat ko sa aking puso dahil sa lakas ng tibok nito. Hindi ko inasahan na ngayon ko siya makikita!

"Anong ginagawa mo dito?" Ganon na lang talaga ang panlaki ng mga mata ko. Binalingan ko si ate na ngayon ay nag iwas ng tingin. "Ate...?" Tanong ko.

Napalunok siya at nagkukumahog na makasagot.

"A-ah...nakita ko lang siya kanina dyan sa labas ng gate nong papasok ako dito kanina e. Kaya pinapasok ko na." Alinlangan niyang paliwanag.

Ngumuso ako at nag iwas ng tingin. Anim na buwan ko siyang hindi nasilayan dahil sa pag iwas ko sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Seine. Iyong dalawang babae na nag away dahil sa kanya. Si lein at iyong taga kabilang section. Mas lalo akong ngumuso nang naalala iyon.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin kung bakit ko siya gustong iwasan. Sa anim na buwan kong pag iwas ay nalaman iyon ng aking pamilya kaya sinabi ko sa kanila na ayaw kung makita muna siya. Isa sa dahilan niyon ay ang sunod sunod ng pagsakit ng ulo ko tuwing may mga bagay na nakakapag trigger sa alala ko.

"Uh... I'm sorry. Aren't you comfortable with me around? I can go home now."
Nasa akin siya nakatingin kaya binalingan ko siya sa buryo kong ekspresyon. Kitang kita ko ang adams apple niya habang napapalunok siya.

"It's okay. Hindi naman ako siguro ang pinunta mo dito. Sige...dito ka na. Si ate naman ang binisita mo" Saka ako tumayo at akmang aakyat sa taas. Pero bumalik ako sa pwesto ko nang hinila niya ako pabalik at tiningnan ng kanyang mapupungay na mata.

Colonus Series 1: Wake Up GriceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon