Nagising ako sa paghinto ng sasakyan. Agad akong napalinga sa paligid. Unang nakita ng mga mata ko ay ang pamilyar na pintura ng aming bahay. Nang nakapasok kami sa loob ng gate ng bahay ay biglang nagsilabasan ang aking mga kapatid. Nauna si Monica na namumugto pa ang mga mata kasunod naman si Ate, Mama at huli si Papa. Nakarehistro sa buong expression ng pamilya ko ang pag alala. Ngunit hindi ko ito mabalingan ng hustong atensyon sapagkat hinanap ko si Kuya. I want kuya right now.
"Anak...jusko. Anong nangyari? Sky....? Anong nangyari?" Naghehestriyang tanong ni mama.
"Tita... I'm sorry-...."
"Where's kuya?" Wala sa sarili kong tanong na nagpatigil sa lahat. Tinaasan ko sila ng kilay, tinatanong kung bakit ganon ang kanilang reaksyon.
"Marice...papasukin mo na muna sila " mando ni papa na agad namang sinunod ni mama.
Humihikbi pa si Monica sa likod kong nakasunod. Hinagod naman ito ni ate na pareho lang ding umiiyak.
"Ate.....asan si Kuya?" Gusto ko siyang makita ngayon. Saan na ba yun nag susuksok at di ko mahagilap.
"Morgan Laurel.....gutom ka na? Kumain na kayo Sky?"
Alok ni mama na nakapagpakunot ng noo ko."Ma. Asan si kuya?"
Medyo malakas na ang boses ko. Sabay na napalunok si Ate at Monica. Si mama naman ay napayuko. Si Papa ay nakahilot sa kanyang sintido. What the hell is wrong with these people. I want to see my brother."Hatid na kita sa kwarto mo, baby-.....I mean Morgan."
Asar ko siyang tiningnan. "Nasaan nga kuya ko. Kuya natin, Megan. Asan si Matthew Neil?"
"N-nandon sa presento? " Nauutal na sagot ni Ate. Agad namilog ang mga mata ko sa balitang nalalaman. "Anong...." napapikit ako sa isiping bugbug sarado na si Hans ngayon panigurado.
"What the hell....bat di nyo pinigilan?"
"Calm down, sis. You know Kuya. He is very obsessed with you. Kaya nong nalaman niya ang nangyari sayo ay kumaripas na siya papuntang preseneto. Huli na nang nalaman namin ang nangyari sayo. I'm sorry. " Nakayukong sabi ni ate. Napapikit ako. You know, I'm not that too bad na hayaan na lamang si Hans na mabugbog ni Kuya. Sure, may sala siya pero let the law work for it.
"Pupuntahan ko si Kuya. Samahan mo ako Sky. "
"Morgan Laurel! You need to rest. You need to change!" Ma-autoridad na sigaw ni papa.
"But Pa. Pano si Hans? Nabugbog na yun." Pagmamakaawa ko. But as I observed Papa's reaction. His stiffness shouting the NO. YOU CAN'T COME command makes me drained even more. "Pa...I want to see kuya. Aww fuck! " Napahawak ako sa sintido ko nang may tunog akong narinig na parang kampana at bumalatay ang sakit nito sa aking ulo. Huling nakita ko ay ang mukha ni Sky na nag alala at ang boses na Parang nasa kweba na nagmumura ang narinig bago nawalan ng mundo ang aking katawan.
Muli akong nagising sa kaluskos sa aking paligid. Inimulat ko ang mga mata bumungad sa akin ang kulay abo na kisame. Wala akong ibang nakita ngunit alam kong may tao sa silid dahil sa tinig ng boses na nanggaling sa kung saang parte kwarto ko. Dahan dahan akong naupo sa aking kama at napahawak sa sintido.
"Ma, gising na si ate Laurel."
"Oh my god"
Sunod sunod ang kanilang pagpasok sa kwarto ko. Ang narinig kong boses kanina ay kay Monica pala.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Teen FictionMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano