Muling bumukas ang mga ilaw. Nanliit ang mata ko habang inaadjust ang mata ko sa bagong liwanag na bumungad sa akin. Dahan-dahan ring namatay ang white lights at napalotan ng mga de-color.
"Wooooooooohhhh."
Sigaw ng mga taong nanonood nong kinalabit ko ang aking guitara. Mayabang akong napangisi sa kanilang reaksyon. Alam na alam talaga nila ang kantang ito.
"Ready?"
Tumango kami kay Vincent sabay ngiti.
(Song:Sa Ngalan Ng Pag-ibig by December Avenue)
Lalaki ang original na kumanta nito pero binago ko at ginawang Female Version. Nakikisabay na ang mga tao sa intro pa lamang. Masaya akong kumakanta habang patingin tingin rin minsan sa aking guitara. Ito ang pamilya ko. Dito ako masaya. Dito ko nagawa at napailabas ang sama ng loob ko.
Dumating sa chorus ang kanta kaya mas lalong lumakas ang boses ng mga nanonood. Napapangisi ako habang mahinang kumanta at hinayaang ang crowd ang kakanta niyon. Hanggang sa dumating ang bridge ng kanta. Ako ang kumanta nito at nag s-second voice naman si Maiko sa gilid ko. Hanggang sa matapos ito at agad nag switch ang tono.
(Song:Hindi na nga)
Ang lahat ay nagbabago.
Ganon din ang puso ko.
Di alam kung pano aamin.
Kung dapat bang sabihin to.
Ngunit kailangan ng tapangan at sabihin ang nararapat na hindi na nga.
Hindi nga nga~
Alam kong mali na.......
Pero di ko kayang bumitaw
At ika'y masasaktan dahil pangako ko'y walang iwanan.
Alam kong hindi na alam kong hindi na nga mahal~
Dumilat ako galing sa pagkakapikit dahil sa pagkanta at diretso sa guitara ang tingin habang walang kahirap hirap na tumugtog nito. Binalik ko ang tingin ko sa crowd dahil instrumental pa ngunit nahagip ng tingin ko ang taong nagpatibok ng puso ko. Napalunok ako nong nagkasalubong ang paningin. Na wala ako sa kanta buti na lang at nasangga ako ni Kurt. Nabalik ako sa huwestyo ng tumingin si Maiko sa akin. Nagtataka kung bakit ako hindi ako kumanta sa pangalawang sa verse. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa guitara ko at nong dumating ang pangalawang chorus ay bigay todo ko ng kinanta.
Ganon na sa bridge hanggang sa natapos ang kanta ay hindi na ako tumingin sa pwesto nila. Nanlamig na ako habang nag instrumental pa kami. Nagpapasikat ang mga boys. Boys. Tsk!
Itinuon ko ang lahat ng atensyon ko sa pagpaplucking ng aking guitara hanggang sa natapos ang pagpapasikat tsaka ko pa inangat ang tingin ko sa mga tao.
Ngumingiti ako sa kanila habang sila ay nagsisigaw ng 'more'. Nag apiran ang mga ka-banda ko at niyakap nila ako. Hinalikan nila ang noo ko. Ganito na ang nakagawian namin. Parang mga kapatid ng ang turingan. Niyakap ko rin sila isa't isa.
Binalik ko ang tingin ko sa crowd at agad na hinanap ng aking mata ang nakita ko kanina at hindi nga ako nabigo. Andon parin siya sa pwesto nila kanina. Marami sila. Mga kaibigan siguro.
"That was awesome, Guys"
Bati ni Kuya Deo sa amin nong nakababa na kami. Sinalubong niya kami ng matatamis na papuri na palagi naman naming naririnig sa kanyang bibig."Well, thanks to Morgan tho"
Sabay ngiti ni Clark. Nagkibit balikat lamang ako. Walang masabi dahil iba ang nasa isip ko. Ano kaya ang ginawa niya rito?
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Genç KurguMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano