"Anak tama na muna ang alak" binawi ni Mama ang alak sa aking kamay. Umiikot ang buong bahay. Damn. Am I drunk?
"Not yet, Mama. I am enjoying. Stop" tatawa tawa kong hinawi ang kamay niya pero sadyang mapilit si Mama. Nakuha niya ang baso at binigay sa katulong.
Napapikit ako saka sinandal ang batok sa sandalan ng sofa.
An image of him being touched of that gagu is driving me insane. I wanna kill that man! I wanna tear him apart and crushed all his limb.
"Stop crying, son. Morgan is doing good now"
Hindi ko na nasundan ang iba pang sinabi ni Mama dahil tuluyan ng pumikit ang mga talukap ko.
Nagising ako sa katok ng katulong at sakit ng ulo ko. May klase pala ngayon.
Pilit kong ayusin ang hitsura ko dahil ayokong makitang ganito ka wasted ni Morgan.
"Kamusta si Seine?"
Nabigla ako sa pagtatanong niya. Ihahatid ko siya sa bahay nila dahil yun ang bilin. Kahit gusto ko pang ipasyal siya ay hindi pwede. She's still healing from the trauma.
"She's doing good. "
Nakita ko ang pahirap niyang paglunok at ang pagpikit. Magtatanong na sana ako kung okay lang ba sya nagsalita na siya. Sinabi ko ang totoo kaya hindi ko inaasahang magtatampo siya sa napag usapan namin.
"Laurel!....what did I do?" ramdam ko ang pagtaas baba ng kanyang dibdib at alam kong may bumabagabag sa kanya. I had a hint but trying to step it aside for maybe I am just being assuming.
Patay malisya siya. I am so frustrated. I can feel it. She's jealous. She's jealous of Seine being my date that time. Simula lang nong nasa venue kami. Wala na siya sa kanyang sarili.
I knew it. She's just in denial. And I don't want to pressure and confront her. It might trigger something she dig deep in herself, many years ago.
"Son, too much alcohol is not good for you"
"Just wanna numb the pain, Papa"
He chuckled and joined me. A very long silent and then he talked.
"You're falling"
I grinned "Matagal na akong hulog, Pa."
"Yeah. You just have to be more patient on her since she's still healing. She's been through a lot of suffering and I supposed she won't still believe it if you will make her feel happy for she used to her sad-tragic life. It'll just worsen the situation. I know you are impatient son, but I really believe in you. You are triple patient when it comes to Morgan" he patted my shoulder and walked away.
Alam ko. Wala akong laban sa mga mata ni Morgan kundi ang maging pasensyado. I really want her to remember me right away. Recognize my existence in her life. And her feelings too. Pero paano? Habang pahulog ako ng pahulog siya nama'y padistansya ng padistansya.
Damn girl.
"She heard all the gossip, Sky. Including your flirts"
Isang araw nagkita kami ni Matthew. At ito ang bungad niya.
"That explains the distance, huh"
"Tigilan mo na kasi kakalandi mo. Hindi tatalab kay Morgan yan. Hindi yun magseselos"
"Hindi ko naman talaga siya pinagseselos. Gagu ka. Mga ilusyunada ang mga babaeng yun kaya akala nila pag mamay-ari nila ako."
Naupo ako sa isang table na bakante at nag order ng beer.
"Pansin mo? Masyado na niyang pinagtuunan ng pansin ang kanilang banda?"
Tumango ako sa sinabi niya at hinagis ang beer sa kanya. Nasalo niya ito at mabilis na binuksan.
"What do you think is the reason, Sky?"
Distraction.
"I don't know. Tanungin mo kaya? Magkapatid naman kayo."
"Mainitin ang ulo e. Alam mo naman iyon. Ikaw nga lang nagpapalamig non"
Ang marinig ito sa kanyang kapatid ay nakakagana.
Kaya naman isang gabi. Gusto ko siyang makausap tungkol sa mga naririnig niya but I guess I was wrong. I thought she's mad of what she heard, and distance herself from me.
Right now I don't think she's mad though. She's giggling over her phone texting whoever it is.
Damn. Tangina. Did I expect too much?
"Bakit naman ako magagalit? Ano ba kita?"
Tangina.....
Pinalampas ko ang kahihiyang iyon.
Bumaba siya galing sa kwarto niya. Napanganga ako. Damn, boy. She's mine.
Napakagat ako sa labi at tinago ang ngiti lalo na nong nakita ko siyang kumunot ang noo. Bakit ba ang init niya sa akin?
Tumikhim ako at binalik sa dating posisyon ang mukha.
Nagpaalam akong siya ang magiging date ko sa gabing iyon. Sa mismong gabi ng birthday ko. I planned this. Kaya dapat maaayon sa plano ko ang lahat.
Priceless talaga ang ngiti niya.
Sa venue ng birthday ko naging maayos naman kahit muntikan ng nagkasagutan sina Morgan at mama. Hindi ko talaga alam kung anong meron sa kanya bakit niya pinag iinitan si Morgan. Ambabaw masyado ng dahilan.
Ramdam ko ang selos niya sa gabing iyon. Nakita niya kaming mag kayakap ng pinsan ko. She's not my girlfriend, Seine. She's my cousin!
Nakakainis lang at girlfriend ang sinabi ni Mama sa harap niya.
Hindi ko alam kung mabuti ba ang ginawa ni mama dahil nakikita ko sa aksyon at mata ni Morgan na nagseselos. Parang nagagalit siya. And it means so much to me.
I think she's falling. I think she remembered her feelings to me now.
Lalo atang naging magkalapit kami dahil sa mga panahong naging tutor ako sa kanya.
I don't usually pray but I pray hard. Na sana bumalik na ang alaala niya. Na sana maalala na niya ang lahat. Sana kasali ako dun.
Isang araw naka abang ako sa labas ng bahay nila.
Isang taon ang nakalipas simula nong sinabi ni Matthew sa akin na bawal akong pumunta sa kanila. Dahil ayaw ni Morgan akong makita.
Mamatay matay ako sa lungkot at sakit sa mga panahong iyon.
Umabot ang araw ng engaged ni Matthew, kahit siya ang gusto kong puntahan ay bawal parin pagkat posible kaming magkita ni Morgan doon.
Ilang beses ko siyang pinagtangkaang lapitan sa school pero singhal ang nakamit ko sa kanya.
Seriously though. I don't really have an idea why she wants to distance me.
Gusto kong itanong sa mga magulang, kapatid at kaibigan niya pero ayaw daw ipaalam. Utos ni Morgan.
Batas talaga ang babaeng 'yon. Pag sinabing huwag, huwag talaga.
Lihim akong napangiti habang inaalala ang mga katigasan niya ng ulo. Miss ko na siya. Para akong babaeng namiss ang crush dito. Takte.
College na kami at parang high school parin ang feelings kong nag ccrush sa classmate kapag naalala ko si Morgan.
Ngunit muli akong nawasak nong nagalit siya sa pag sunod sunod ko sa kanya dahil daw sa akin wala siyang kaibigan. Nong senior high pa iyang issue na yan hanggang college ba naman?
Walang makipag kaibigan sa kanya dahil daw naiinggit na close kami. Ngumuso ako sa naging rason niya.
"Bro, pumangit ba ako?" Tanong ko kay Kurt. Oo mag kaibigan kami nong mga kabanda niya.
"Ha? Sadboy ka?"
"Bakit ayaw ni Morgan sa akin?" Tinungga ko ang isang boteng tequila.
"Ampota. Ang OA mo. Lito pa yung crush mo kaya hayaan mo muna. Takte kayo mga childish!"
Iiling iling kong tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
Colonus Series 1: Wake Up Grice
Genç KurguMaaaring limot ng isipan kung sino ka Maaaring limot ng isipan ang kung ano ang noon May puso naman akong nararamdaman kung ano ang nakaraan. Damdamin ang nagtukoy kung sino, ano, bakit at paano