Chapter 3
"Saan ka pupunta?" Napahinto ako sa paglalakad sa tanong na yun.
Mama?
"Dyan lang," walang gana kong sabi.
"Bihis na bihis ka? May kikitain ka?! Uy, Vel tandaan mo 15 ka pa lang wag ka munang lumandi-landi—"
Pinutol ko siya.
"Sino bang lumalandi?!" Inis kong tanong,"..ang sinabi ko dyan lang. Wala akong sinabi kung saan o ano kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano! Wag kang mag-alala may bibilhin lang ako saglit! Balik ako agad wag niyo akong alalahanin ayy di pala,fff di pala kayo nag-aalala sa'kin kahit kelan." Pagtatapos ko.
Di ko na hinintay kung ano pang maaari niyang sabihin baka matuluyan ko na siyang mabastos.
Aissssh!
Pumara na ako ng tricycle at nagpahatid sa pinaka-malapit na Mall dito sa lugar na 'to.
Pagkababa inakyat ko na ang hagdanan papasok ng Mall. Kapagod din dahil tanghaling tapat tapos inaakyat ko pataas to. Sa wakas ng makaapak sa pinaka-itaas napahinga ako ng malalim. Marami akong mga taong nakikita. Perfect ang panahon dahil mainit para kapag init na init ka na pagkapasok mawawala lang din naman dahil sa aircon sa loob.
Hindi na ako makapaghintay ng matagal at pumasok na ako sa Mall. Entrance pa lang may Security Guard na at dahil naka-cap ako dahil sa init pinahubad nila at chineck ang laman ng sling bag ko.
Clear at nakapasok ako.
Nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil naramdaman ko na ang lamig ng aircon. Nawala ang init kanina na sa tingin ko'y kumapit. Hindi kasi ako naka-jacket, T-shirt lang na white kaya mainit talaga.
Nagtingin-tingin ako sa paligid at marami nga akong mga taong nakakasalubong at nakakasabay. Kahit saan saan ang punta. Kahit sino na, halo na dito. Basta Mall na!
Tinungo ko na kung saan ang mga school supplies dun kasi mabibili ang bibilhin ko. Ang sticky note na gagamitin ko araw-araw. Naubos na kasi kaya kailangan kong makabili ulit. Sa school supplies ako pumunta dahil dun naman ko talaga madalas makita yun para diretso na din.
Pumasok na naman ako at panibagong sarap na naman sa pakiramdam ang naramdaman ko. Ang bagong aircon!
May mga iilang mga bata din kagaya ko ang nandito may mga mag-ina din. Kadalasan sa mga nakikita ko ay magka-kaibigan na nagtatawanan at ang ganda tingnan. Naiinggit ako dahil kahit kelan hindi pa ako nagkaroon ng totoong kaibigan. Merong nakikipag-usap pero di naman sila magtatagal, magtatanong lang tapos alis na. Wala! Wala talaga akong kaibigan.
Talaga ngang pinagkakaitan yata ako ng lahat. Kulang na nga sa pamilya, pati ba naman sa kaibigan? Ano bang nagawa ko kasi?
Napailing na lang ako para ialis ang isiping yun. Naglibot-libot ako at ng makita na ang sadya ko kumuha na ako ng isa-isa. De-color kasi kumuha ako ng pink, green, yellow, orange basta mga light color lang. Ayaw ko ng dark na color gusto ko medyo light para klaro kapag nagsusulat na ako. Nakaka-attract din kaya sila!
Kumuha din ako ng ballpen na sign ink. Medyo mahal bahala na pa rin. Pera ko naman to. Matapos nun yun lang ang dala ko ay pumila na ako para magbayad sa counter. May nauna na sa'kin, tatlo sila kaya tiis lang saglit. Nang ako na ay sinabi ng cashier kung ilan. Nagbayad ako at hinintay ko pa dahil nasa bagger pa ang mga ito. Bago binigay ng cashier ang resibo.
BINABASA MO ANG
DOUBLE DREAM [COMPLETED]
Mystery / ThrillerAntoniss Vel Sache is being hunted-by Death itself. And it's not just a figure of speech. One night, she receives a terrifying dream-a warning from a powerful, mysterious being. It wasn't just a nightmare. It was a vision. A curse. A premonition she...
![DOUBLE DREAM [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/253587311-64-k679917.jpg)