Chapter 12
Sa pagpasok ko sa bahay nilang may dingding na trapal ay nakita ko ang 5 batang nakaupo sa isang gilid. Mga natutulog na yung mga maliliit pero nagising din ng gisingin ng mga nakakatanda.
Puno ng pagtataka ang mga mukha nito habang nakatingin sa'kin.
"Ah, mga anak siya si ate—" pinutol ng babae para alamin ang ngalan ko.
"V-Vel po," nakayuko kong sabi.
"Siya si ate Vel niyo. Dito muna siya pansamantalang tutuloy, huh?"
Matapos nun isa-isa niyang pinakilala ang lima nakuha ko naman kaagad ang mga pangalan nila. Mukha namang mabait nga talaga sila gaya ng sabi ng babae kanina na napag-alaman kong ang ngalan ay Joy ang asawa naman niya ay Roger.
Dinala ako ng mga bata sa isang gilid at dun daw ako matutulog. Tabi-tabi daw kami. Medyo madilim dahil lampara lang ang gamit nila pan-ilaw. Pinakain nila ako kasabay nila at ako naging tahimik lang sa buong oras na yun.
Di pa rin ako makatulog sa kadahilanang naninibago ako at oo aaminin ko diskumpyado pa ako sa kanila lalo na't alam kong isa sila sa mga taong kinatatakutan ko. Nababahala ako na baka kapag nakaidlip ako yun pala sasaksakin na lang ako ng biglaan. Di ako makapanlaban dahil nga naunahan na nila ako.
Hayst! Kung anu-ano tong mga iniisip ko.
Bumaling ako sa kaliwa at nakita ko dun si Grace na mahimbing na natutulog katabi niya pa ang dalawang lalaking kapatid nila na nagngangalang Samuel at Efren. Sa kanan naman ako bumaling gaya ng tatlo matiwasay ding natutulog si Mary at Sheila. Kami lang anim dito sa isang gilid, pinagigitnaan pa nila ako para daw di ako matakot. Nasa ibang banda natutulog ang mag-asawa.
Ibinalik ko ang ulo ko sa dating pwesto kung saan kaharap ko ang bubong nila na trapal din.
Hay! Buti pa sila nakatulog na ng mahimbing at matiwasay na parang walang ikinabahala. Parang walang problema.
Sana ganyan din ako. Gusto kong ibalik ang dating normal na pamumuhay namin kasama sila Mama, Papa at Kuya na masaya. Kahit na hindi na masaya basta andyan lang sila sa paligid ko.
Nangilid ang luha ko pero pinilit kong iwala hindi ito ang tamang oras para umiyak lalo na't gabi baka magising ko ang mga katabi ko at ang mas pinakadelikado ay baka may makarinig na isa sa kanila.
'Wag kang mag-alala hindi ka namin papatayin. Kahit na ang utos ay ipapatay ka na.'
Kinilabutan ako nung rumehistro ulit sa utak ko ang sinabi ng lalaki kanina na si Uncle Roger.
Utos na pala iyon pero bakit di niya sinunod?
Teka—? Ang ibig bang sabihin nito gusto ko nang mamatay? Pano na lang yung pangako ko sa sarili ko na 'mabuhay ng patuloy'?
'Kahit anong mangyari mabuhay ka ng patuloy, takasan mo ang lahat yun lang ang tanging paraan para makaligtas ka."
H-Haidy?!!
Nag-flash ulit sa utak ko lahat kung pano siya namatay at nasaksihan ko yun mismo. Inalis ko ulit para di ako maiyak.
Asahan mong hindi kita m-makakalimutan, H-Haidy.
Gustuhin ko mang matulog di ko magawa dahil nilalabanan ko ito. Nag-iingat ako sa mga posibleng mangyari, para na rin to sa kaligtasan ko.
Napagalaw-galaw sa kahit san ang mata ko ng may kumaluskos galing sa kung saan. Nilingon ko ang mga katabi ko pero ganun parin sila mahimbing na natutulog. Mukhang ako lang nakarinig at mas mukhang di naman galing sa kanila ang tunog na yun dahil hindi naman sila gumalaw. Kasi kung gagalaw sila mararamdaman ko dahil magkadikit kami lahat.
BINABASA MO ANG
DOUBLE DREAM [COMPLETED]
Misterio / SuspensoAntoniss Vel Sache is being hunted-by Death itself. And it's not just a figure of speech. One night, she receives a terrifying dream-a warning from a powerful, mysterious being. It wasn't just a nightmare. It was a vision. A curse. A premonition she...
![DOUBLE DREAM [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/253587311-64-k679917.jpg)