CHAPTER 10

41 34 0
                                    

Chapter 10

Nagising ako sa lakas ng pagsabog na nanggagaling sa labas.

Luminga ako para hanapin si Haidy kahit madilim pinilit kong apuhapin siya.

Isa pang pagsabog ang nangyari. Gumalaw ang paligid at unti-unti kong naaninagan ang parang may ilaw sa labas. Kulay 'orange' na parang sa apoy galing?

Binalewala ko iyon,"..Haidy?" Hininaan ko lang ang pagtawag.

Natatandaan ko na habilin niya na wag gumawa ng kung anong ingay di namin alam na baka may makarinig sa labas at malaman na may tao dito. May posibilidad na pasukin kami at tapusin na.

"Haidy?" Ulit ko pa.

May biglang nagtatakbo ng walang ingay galing sa kung saan at alam ko na si Haidy iyon.

"May apoy sa labas. Kailangan na nating makalabas bago pa masunog 'tong buong bahay na'to," bagamat mahina ay nakuha ko ang pinaparating niya.

Pinatayo na niya ako at hinila.
Tama nga ang kutob ko. Yung ilaw na nakita ko galing nga sa apoy mula sa pagsabog na narinig ko. Ano naman yung sumabog?

Tiningnan ko pa at mukhang pakalat ng pakalat na ito. Bago pa ako nahila ni Haidy sa kung saan ay may nakita akong isang bulto ng taong nakatayo sa isang gilid. Di ko maklaro kung sino pero pamilyar ang tindig na yun.

Umiling ako. H-Hindi! Hindi wala siya dito ngayon.

Pinaharap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat,
"Makinig ka, kahit anong mangyari sumunod ka lang sa'kin. Kahit anong mangyari mabuhay ka ng patuloy, takasan mo ang lahat yun lang ang tanging paraan para makaligtas ka."

"Ano bang sinasabi mo?" Seryoso kong tanong. Kakaiba na ang nararamdaman ko eh.

"Wala," at nag-iwas siya ng tingin at muli hinawakan niya ang kamay ko para hilahin ulit.

Hindi ko pinansin ang pagtakbo namin. Parang nakadepende na lang ang katawan ko sa kanya at sa mga nangyayari.

Papasikat na ang araw at unti-unti ko na ulit nakikita ang mga taong iniiwasan namin at ang dahilan ng pagtakbo namin ng ganito.

Binawi ko ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Haidy. Napahinto siya at humarap sa'kin ng may nagtatanong na tingin.

"Wag mo na akong hilahin. Tatakbo ako kasabay mo wag kang mag-alala," pag-aasura ko sa kanya at sinabayan ng ngiti.

Ngumiti din siya pero napangiliran na ng luha.

"Aaaaaaaaaaaaah!"

"Wag po. Maawa po kayooo!"

"Wag mo akong patayin!"

"Maawa kayooo, pakiusap."

Napalingon kami sa banda kung saan nangagaling ang mga ingay'ng yun.

Katakot tingnan dahil kanya-kanyang wasak ng dugo sa semento. Puro bagsakan ng wala ng buhay'ng mga katawan sa kalsada.

May mga nagtatakbuhan sa iba't-ibang direksyon kaya sumabay na lang din kami sa agos.

Sa isang eskinita ay mas kinabahan ako. May pakanto-kanto kasi kaya paniguradong sa isa sa mga posibleng madaanan namin ay may isang taong nakamaskara at handang patayin ang ninoman sa'min.

DOUBLE DREAM [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon